Calistha's P.O.V.
"Pwede ba manahimik kayo. Ang iingay nyo eh." Sabi ko sa mga kaibigan ko. Pagkaiingay aakalain mong mga nakawala sa kulungan. Well mapupunta talaga sila doon kung hindi sila marunong magingat.
Napatahimik naman sila pero maya maya lang nagusap na ulit. Pero hindi na katulad kanina na sobrang ingay. Yung ingay na makasira pader.
My name is Calistha Sandoval, kakacelebrate lang namin ng 19th birtday ko last month. And i am the only girl. I mean ako lang ang anak na babae. I have two brothers they're both older than me. Oo alam ko masyado nang gamit yan. Well anong magagawa ko eh yun ang nangyaring pagkakasunod sunod namin. Mayaman din kami at hindi lang basta basta mayaman. Mayaman pa kami sa mayaman na mayaman na mayaman na mayaman na mayaman. Oo ganyan kami kayaman.
Kaya kaming tatlong magkakapatid sunod sa luho. Pero pinalaki naman kaming mababait note the sarcasm.
Mababait naman kami kaya lang kasi ang tingin sa amin ng ibang tao ay masasama. Hindi dahil napakayaman namin. Kundi dahil ang pamilya namin ay ang nangunguna sa ranking pagdating sa mga gangster.
Hindi makakapunta sa rank one ang gang ng papa ko kung hindi sya marunong sa negosyo, pagpatay at pagtakas.
Lumaki ako sa ganong pamamaraan. At isa na ako ngayon sa kanila. Ang kuya Carson ko ang kasalukuyang humahawak na sa DEAD SHADOWS MAFIA.
Retired na ang papa ko matanda na rin kasi sya.
Napatigil ako sa ginagawa ko nang marinig ang boses ni Irys. Hindi nya totoong pangalan. Naks naman parang nasa balita eh. BTW her true name is Ysabelle Mariano. Ewan ko sa kanya kung saan nya nakuha ang Irys.
"HELLOOO EARTH TO CALISTHA!" Nakakarindi talaga ang babaeng ito.
Tumingin ako sa kanya bago nagsalita.
"Make sure it is IMPORTANT." Sabi ko in my cold voice. Tapos parang nanginig naman si Irys at Sam.
"Ah kasi kanina ka pa namin kinakausap eh. Hehehe." Sabi ni Sam saka uminom ng juice.
Nasabi ko bang nandito kami sa sala ng mansyon namin? Kung hindi alam nyo na ngayon.
Ibinalik ko na lang ulit ang atensyon ko sa ginagawa ko.
"Oy Cali tama na yan. Aral ka nang aral eh." Sabi ni Irys.
"Im maybe raised by a gangsters and mafia lords. But im not like them. I want to live a qiuet and safe life." Sabi ko. Totoo naman yun eh. Hindi sa ayaw ko dito o hindi ko mahal ang pamilya ko. Ayaw ko lang ng ginagawa nila. Even though na kahit ako natry ko nang bumaril ng isang tao. Kapag kasi hindi ko iyon ginawa ako naman ang mamamatay.
"Alam mo kung ako sayo pinagpaplanuhan mo na ang mga hakbang mo. Para sa pagbabalik mo sa Pilipinas. At kung paano mo pangangangahin ang mga taong nagkasala sa iyo." Sabi ni Sam. Napatigil naman ako sa ginagawa ko.
"Oh that rings a bell ha." Sabi ni Sam.
Muntik ko nang makalimutan ang tungkol doon. Malapit na nga pala akong umuwi sa mas malaki naming mansyon. At naandoon yun sa kung saan ako ipinanganak. The pearl of the orient seas, Ang Pilipinas.
"Cali, wag kang magalala hindi na nila ulit iyon magagawa sa iyo. Naandito kami tutulungan ka namin." Sabi ni Irys.
Noon ayaw ko sa kung ano ang katauhan ko. Pero ngayon hindi na. Ako ang may kagagawan kung bakit ako naging bully victim. Masyado kasi akong mabait. Palagi ko na lang pinapalampas ang lahat. Na hindi naman talaga dapat. Kaya ngayon sa pagbabalik ko. Sisiguraduhin kong lahat sila magsisisi.
"Salamat Sam and Irys." Sabi ko saka ngumiti sa kanila. Yung isang totoong ngiti.
"Palagi kang ngumiti ng ganyan Calistha. Nakakapanghinayang ang ganda mo kung palagi na lang blanko ang mga tingin mo. At kung palaging mas malamig pa sa winter ng North Pole ang ang malamig mong galaw." Sabi ni Sam na nakapagpawala sa mga ngiti ko.
Binatukan naman ako ni Sam. Kaya napaaray ako. Tong babaeng ito talaga.
"Gaga ka talaga. Manahimik ka na nga lang dyan." Sabi ni Irys.
"Pero seryoso Samara at Ysabelle. Salamat, arigatou gosaimashita." Sabi ko. Nagkatinginan pa sila bago sabay na tumawa.
Nakalimutan kong sabihin na half japanese si Sam. Pero sa mother side nya ang japanese. (A/N: pasensya na i cant get over about Nakamoto Yuta.)
"Gomen'nasai, mali ba?" Tanong ko sa kanila.
"Hindi noh. Ok nga eh." Sabi ni Sam.
"Eh bakit kayo nagtatawanan?" Naiinis kong sabi sa kanila.
Hindi na lang sila sumagot at niyakap ako. Pero itinulak ko din sila kaagad.
"I hate drama you know." Sabi ko saka bumalik sa pagaaral kuno sabi nga nila Irys at Sam.
"O nga pala may last fight tayo mamaya. Pupunta ba tayo?" Nagaalinlangang tanong ni Sam.
"Oo, pupunta tayo doon. Wala din naman tayong gagawin mamaya. Unless kung may plano kayo?" Sabi ko sa kanila na hindi man lang sila nililingon.
"Wala naman kaming plano. Oh sige na balik na lang kami mamaya. See ya." Sabi nila saka umalis na.
Maghanda na sila sa pagbabalik ko. Sisiguraduhin kong luluhod kayo matapos ng mga gagawin ko.
Maghintay lang kayo in just no time i'll be back and ready to wreck and rip your necks.
I put a smirk on my lips.
"Your going to suffer and regret all the things that you've done to me."
...............
Waah intense.
Shine_Cie
YOU ARE READING
I Am A Princess
RandomSi Calistha Sandoval ay ang not so typical nerd that you know. Nerd sya pero hindi naman katulad ng iba. Yung nagsosoot ng thick glasses at baduy na damit. Shes just kind, humble and a polite student. Kaya sya nabubully. At ang mga nangbubuling iyon...