Princess 2

68 2 0
                                    

Calistha's P.O.V.

"Just tell me kung may kailangan ka." Sabi nya. Tumango lang ako saka lumabas na ng kotse.

Pero napatigil ako sa paglalakad at humarap ulit sa kanya. Papaalis na sana sya ng tinawag ko sya.

"Kuya wait!" Dahil sa pagtawag ko sa kanya ay inihinto nya ang kotse. Saka humarap sa akin.

Nagdadalawang isip ako. Kung sasabihin ko ba sa kanya. Ang mga nangyayari sa akin doon sa school. Pero hindi ko kaya.

"Bakit? May problema ba?" Tanong nya.

"A-ah w-wala, magingat ka at salamat ulit kuya." Sabi saka ngumiti. Ngumiti din sya at tuluyan ng umalis.

Napahinga ako ng malalim. Ano bang pumasok sa isip ko at magsusumbong ako sa kanya? Ano ako bata? Saka nabuhay naman ako noon na hindi nagsusumbong sa kanila.

Pumasok na lang ako sa apartment ko. Maliit lang ito pero cute naman. Pagkalock ko ng pinto. Umakyat na ako sa kwarto ko. May second floor kasi ito. May dalawang kwarto sa itaas. Ayos na iyon mura lang naman ang upa eh.

Paano ko nababayaran ang renta, ilaw at tubig? Paano ako nakakakain? Aba malamang may trabaho ako. Pero tuwing Monday, Wednesday at Sunday yun. Part time lang naman ako kaya ganun ang sched ng work ko.

At ngayon ay Friday kaya sa kusina ang diretso ko pagkatapos magpalit ng damit.

Magluluto ako ng kakainin ko para sa hapunan.

Nang matapos na akong magluto syempre kumain na ako. Alangan namang titigan ko lang diba?

Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ng may tumawag sa cp ko. Hindi ito yung cp ko na keypad. Android na to, hindi ko ito dinadala kapag umaalis ako. Para na rin iwas nakaw. Tulad na lang kanina. Paano kung dinala ko ito eh di nakuha na toh.

Sinagot ko ang tawag kahit na hindi ko kilala ang numero.

Cali: Hello! sino toh?

Unknown: ay grabe sya hindi na nya ako naaalala.

Napakunot ang noo ko sa sinabi nung unknown number.

Cali: ahm, sino ka nga?

Unknown: ay oo nga pala nagbago ako ng number eh.

Pamilyar ang boses nya. Pero hindi ko maalala kung saan ko narinig.

Cali: can you please just tell me who you are? Your wasting my time.

Eh sino bang hindi maiinis nakain ako tapos may tatawag. Tapos pinapatagal pa, hay buhay.

Unknown: ay grabe oo na sige na. My name is Samara Sanchez. Ngayon naalala mo na.

I gasp, kaya pala pamilyar ang boses nya.

Cali: wait paano ako makakasiguradong ikaw nga si Mara?

Unknown: gaga ka talaga, ok may alaga kang fish ang pangalan ay Gun. Ang wierd nga eh.

Cali: yan din ang palaging sinsabi ni Mara sa pangalan ni Gun.

Unknown: ok ganto na lang magkita tayo bukas. Sa Cherry Restaurant maybe mga 8 ng umaga. Sabado naman bukas wala ka naman sigurong pasok? Diba?

Napatigil ako sa pagkain ng marinig ang sinabi ni Mara.

Cali: wait you mean naandito ka na sa Pilipinas?

I Am A PrincessWhere stories live. Discover now