Hi guys sorry for the late update. And thank you for adding my story on your reading lists.
Heres the update enjoy chickens.
..................
Zayne's P.O.V."Ano ba naman yan dude. Ano ba namang pumasok dyan sa utak mo at iniligtas mo yung babaeng yun? Tignan mo nga yan ikaw tuloy ang hinahunting ng mga gagong Black Blood na yun." Sabi ni Oliver.
"Pwede ba wag kang maingay." Sabi ni Ivan.
Nagtalo pa eh pareho naman silang maingay.
Bakit ko nga ba iniligtas yung babaeng yun? Gusto ko lang makaganti sa Black Blood. Masyadong mga pasikat madumi naman gumalaw.
Kaya lang dahil sa pagligtas ko dun sa babaeng yun. Ako naman ang napahamak. Hindi lang ako isinama pa ang buong gang ko. Dapat hindi ko na lang iniligtas yung babaeng yun eh. Sana hinayaan ko na lang na malunod yun at mamatay.
Calistha's P.O.V.
Habang nakaupo sa hospital bed. Nagpapahinga at kumakain. Naisip ko bigla kung sino yung lalaking nagligtas sa akin. Hindi ko kasi naaninag ng malinaw yung itsura nya eh. Pero alam ko lalaki sya. Yun ang nakita ko sa anino eh.
"Bes."
Ang bait nya, salamat sa kanya at nabuhay pa ako. Kahit na kapag bumalik ako sa school. Haharangin na kaagad ako ng mga gangster na yun.
"Bes. Huy hala sya."
Gusto ko syang pasalamatan. Dahil sa kanya naisip ko na. Dapat talaga tinanggap ko na lang kung sino at ano ako.
"Huy bes ano bang nangyayari sayo, huy!"
Ewan ko kung paano naging dahilan ang pagligtas nya sa akin. Pero may kung ano sa kanya. Parang ginising nya ako.
Aayy basta.
Napangiti ako gusto ko syang makilala. Hindi ko akalaing may tao pa talagang nabubuhay na katulad niya.
"Hala sya natuluyan na yatang nabaliw."
Tumingin ako kay Mara. Na nasa labi ko parin yung ngiti ko.
"Nakilala mo ba yung nagligtas sa akin? Gusto ko syang makilala. Sino sya? Anong pangalan nya? Saan sya nakatira? Nakuha mo ba ang number nya?" Sunod sunod na tanong ko sa kanya. Nangunot naman ang noo nya.
"Ahm sure ka bang ok ka lang?" Tanong nya saka sinapo ang noo ko.
"Wala na akong sakit, hindi ko nga alam kung bakit pa ako naandito. Hello 3 days na ako dito nakakabagot." Sabi ko.
YOU ARE READING
I Am A Princess
عشوائيSi Calistha Sandoval ay ang not so typical nerd that you know. Nerd sya pero hindi naman katulad ng iba. Yung nagsosoot ng thick glasses at baduy na damit. Shes just kind, humble and a polite student. Kaya sya nabubully. At ang mga nangbubuling iyon...