Masyadong mahaba yung prologue diba? Pero hati yun sa two chapters. Malalaman nyo din sa tamang panahon. Parang aldub lang chos.
Here it is the chapter one
Enjoy chickens!
................
Calistha's P.O.V.
Naglalakad ako sa hallway ng school ng may mga bumanga sa akin. Oo bumanga talaga, umiwas na nga ako eh. Mga wala talagang magawa tong mga gangsters na ito.
Napaupo ako sa sahig at ang sakit sa puwet.
"Aray!" Sabi ko dahil sa biglaang pagkahulog ko.
Samantalang yung mga walang magawang gangsters tumawa lang saka umalis na.
I just heaved a sigh, wala naman akong magagawa eh. Sino ba naman ako? Isa lang akong nerd na may thick glasses at thick books.
'Kung hindi ka ba naman kasi mapili. Eh di sana naandoon ka pa sa mansyon nyong pagkalaki laki. Hindi ka sana naghihirap ngayon.'
Kahit naman kasi naandoon ako ganto parin. Bakit nga ba kasi kailangan kong manahimik? Kung kaya ko naman sila patumbahin. Bakit kailangan maging mabait ako kung naggaling ako sa pamilyang hindi marunong maawa?
'Bakit nga ba?'
Hindi ko rin alam.
Tumayo na ako matapos makipag usap sa malaman kong brains. Pinagtitinginan na rin ako ng mga students dito. Iniisip na siguro nilang tuluyan na akong nabaliw.
My name is Calistha Sandoval pero binago ko iyon. Para hindi na ako muling mahanap ng pamilya ko. Ayoko kasi ng pamumuhay nila. Nabubuhay sila sa pagpatay. At masyado na akong nasasakal. Palagi nalang nanganganib ang buhay ko. Palagi nalang akong hindi mapakali. Baka tuluyan na akong mabaliw kung nanatili pa ako doon.
Sa ngayon at ang alam ng iba ako si Alison Garcia ang typical famous nerd ng campus. Ganto rin naman noon nung hindi ko pa naiisip na tumakbo at magala runaway princess. Sanay narin naman ako sa ganto. Wala na akong magagawa. Lalo na ngayon na wala akong kahit ano.
Pagkarating sa room obviously may sumalubong nanamang balde sa akin. But this time hindi na tubig at pintura. Kundi mga itlog. May mga shell pa ang itlog. Kaya ang nangyari para akong binato ng mga itlog.
Naalog nanaman ang utak ko. Konti na lang talaga mauubusan na ng laman ang utak ko. Na sana wag namang mangyari. Yun na nga lang ang meron ako eh.
Tumayo lang ako doon at tinignan isa isa ang mga clasamate ko. Na halos mamatay na sa katatawa.
Tulad ng dati, pupunta ako ng cr para maglinis. Tapos may subject nanaman akong hindi napasukan. Palaging nangyayari iyon. Nakakasawa na din.
Nang makarating ako sa cr, tumingin ako sa salamin. Nakita ko ang sarili kong naliligo sa itlog.
Tinanggal ko ang salamin ko at hinugasan yon. Bago ako naghilamos.
Muli ako tumingin sa salamin na nasa harap ko.
"Hindi ka pa ba nagsisisi na umalis ka at nagtago? Gumising ka Calistha aminin mo man o hindi mas malala na ang lahat ng ito. Ikaw ang gumawa ng problema mo. Kaya ikaw dapat ang sisihin." Sabi ko at sunod sunod ng nagsituluan ang mga luha ko.
Dapat ba hindi ako nagtago at tinanggap na lang ang lahat? Para hindi ako nagiisa ngayon?
Mali ba ako? Mali ba ang ginawa ko?
Umiyak lang ako ng umiyak doon. At hindi na pumasok sa mga klase ko.
Nang maguwian na lumabas na din ako sa cr. Nagulat pa ang iba dahil nakita nila ako doon sa cr nung breaktime at lunch time. Tapos hanggang dissmisal naandoon ako. Sinong hindi magugulat hindi ba?
YOU ARE READING
I Am A Princess
RandomSi Calistha Sandoval ay ang not so typical nerd that you know. Nerd sya pero hindi naman katulad ng iba. Yung nagsosoot ng thick glasses at baduy na damit. Shes just kind, humble and a polite student. Kaya sya nabubully. At ang mga nangbubuling iyon...