Princess 6

56 0 0
                                    

Calistha's P.O.V.

Your probably asking. How could it be possible that my mom is a lawyer while my dad is a mafia lord?

Ang sabi ni mama todo daw ang tutol ng mga lolo at lola ko sa pagmamahalan nila ni papa. Syempre ang pamilya ng mama ko ay sikat sa larangan ng mga lawyers. Kumbaga kasi naging family business na nila ang pagiging lawyer. At syempre ang papa ko naman ay kinalakihan na rin ang pagiging mafja. Brutal at mga heartless sila pumapatay. At ang purpose non hindi ko parin alam hanggang ngayon. Tulad ng family ni mama naging family business na rin yun.

Ang sabi ni mama nagkakilala sila ni papa noong time na nahuli ang kaibigan ni papa si ninong Wayne. Si mama ang kinuha ni ninong kaya nagkakilala sila ni mama. Pero noong una daw ayaw nila sa isat isa. Kasi si mama nasusungitan at naiinis sya kay papa habang si papa naman ay naiirita kay mama. Kasi si mama ay nagger. Hindi yun titigil hanggat hindi sya nananalo. Kaya nga sya lawyer eh diba?

Palagi daw kinukulit ni mama si papa. Hangganga sa ayun na nainlove na sila. Ipinaglaban ang isat isa at nagkaroon ng tatlong mga anak.

Sa ngayon si mama hindi na sya nagwowork. Si papa naman magreretired na sa pagiging mafia. At balak daw nyang ibigay kay Kuya Calvin ang S & M Company. Pero ang alam ko din ibibigay ni papa ang mafia both kay kuya Carson and kuya Calvin. Ay ewan ilang taon din naman kasi akong wala doon. Baka nagbago na yun.

Tungkol nga pala sa gang namin well ako ang nagtatag non. Kaya lang dahil nga maarte akong bata ayun iniwan ko at hinayaan kay Mara at Sab. Ang balita ko nasa rank 5 ngayon iyon.

Btw naandito ako sa mansyon namin. The Sandoval's Mansyon.

Nagkausap na kami nila papa at tuwang tuwa sila. Masaya din ako kasi pakiramdam ko mas safe ako dito. Kahit na mas delikadong naandito ako.

Magulo diba? Wag nyo na lang pansinin ang sinabi ko.

Tumagilid ako ng higa at nakita ang alaga kong isda si Gun.

Tumayo ako at kinuha ang pagkain ni Gun saka hinulugan sya sa aquarium nya.

"Hi Gun did you miss me? Kasi ako namiss kita." Sabi ko at medyo nag bend para makapantay ng mukha ko ang aquarium. Nakita kong kumakain si Gun.

"Gun? Galit ka ba sa akin kasi iniwan kita?" Tanong ko sa walang imik na si Gun. Napabuntong hininga ako asa naman akong magsalita si Gun diba?

Pero gawain ko na yun eh, ang kausapin si Gun. Dahil wala naman akong ibang makakausap ng matino bukod sa kanya. Ang mga kaibigan ko kasi ay panay may mga topak. Kahit ang mga kuya ko ganun din.

"Dont worry Gun ako na ulit ang magpapakain sayo at magaalaga. Hindi ka na rin maboboring kasi may kakausap na sayo." Sabi ko at ngumiti. Nabaling ang atensyon ko sa may pintuan nang marinig ko ang boses ni Sab. Kasama din nya si Mara.

"Kinakausap mo nanaman yang isdang yan. Yung totoo matino ka pa ba?" Tanong ni Sab. Ngumiti ako saka niyakap sya.

"Aah namiss kita Sabby!" Sabi ko at kumalas sa yakap. Pinisil naman nya ang pisngi ko. Gawain na nya yan eh.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 15, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I Am A PrincessWhere stories live. Discover now