ChapterOne:

1.7K 21 1
                                    

Enjoy!! :)

_________________________________________

DANIEL's POV:

" Ano pre ? Why the long face ?" .. Patawa kong tanong kay khalil .

Pumasok ako ngayon sa opisina niya. Andito kame sa kompanya. Business partner ang parents namen ni khalil sa kompanya, kaya kalaunan, kameng dalawa naman ang nagmanage ng business.

" Tssss. Si mommy at daddy kase e. Hinahalungkat na naman private life ko. ".. Sabe niya habang nakahawak sa ulo niya. " Nananakit na ulo ko sa kanila." .. Dagdag niya pa.

" What is it this time?".. Tanong ko sa kanya.

" Tinanong nila saken kung bakit hindi daw ako naka-attend ng meeting the other day. I don't even know kung paano nila nalaman na hindi ako nakapasok that day."... Pairitang sabe niya.

Eto kasing si khalil, party boy. Akala mo nasa college days pa niya. He's not taking he's job seriously. Oo, kame ngang dalawa ang boss sa kompanyang to, pero once in a while, chinecheck kame ng parents namen kung ginagawa ba namen yung trabaho namen.

Well, i can't blame him. Maaga kase kameng namulat sa business, right after namen gumraduate ng college, nagOrientation na kame.

Schoolmate kame ni khalil nung college. Pero hndi kame ganun ka-close kase magkaiba kame ng department. Once in a while nakikita ko siya sa campus noon. Pareho kameng familiar sa isa't isa. Tsaka lang kame naging close nung nagsimula na kameng magtrabaho, paano ba naman, muka lage ng isa't isa ang nakikita namen.

" Hang-over ?" .. Tanong ko sa kanya. Lucky guess ko lang. Lagi kase nalabas yan e. Minsan dn naman nalabas ako. Hindi naman ako yung bored na boss e. Kaso, mass party boy lang saken to.

" Dude , ni hindi ko nga alam kung paano ako nakauwe nun e. ".. Natatawa niya pang kwento saken.

" Oh , anong sabe mo kila Tita ?".. Tanong ko sa kanya. Dahil business partner nga ang parents namen, we all grew closer to each other, including our parents syempre. Minsan nga we're having family dinner together.

He just shrug. " I overslept ? Napuyat kaka-review ng mga files ng kliyente.".. Sagot niya saken.

" And they believed you ?"... Tanong ko sa kanya.

" I doubt it .".. Sagot niya. " Basta may masabe lang akong reason, okay na yun. I don't even know why they have to ask. Alam ko naman na alam nila na nagsisinungaling lang ako."... Dagdag niya pa.

" Dude, magbago ka na kase . Start acting like a boss. ".. Pang-aasar ko sa kanya.

" Sus ! Nagsalita ang matino!.." .. Sabe niya saken habang nakatingin ng masama.

Napatawa nalang ako sa sinabe niya. Ang bilis talaga nito maasar. Paano, hindi naman talaga niya gusto kung asan siya ngayon, gusto niya maging singer. Kaso, pinilit siya ng parents niya. Wala na kase sila pwedeng pag-iwanan ng business ng pamilya nila kundi siya. Only child kase siya.

" Mas matino pa din ako sayo noh. "... Sabe ko naman sa kanya.

" Whatever pare .".. Sagot niya saken. Alam naman niya na tama ako e.

May kumatok sa pinto bago binuksan ito, nakita ko yung sekretarya ko.

" Uhmm, Sir Daniel, telepono po. Si Sir Diego po."... Sabe niya.

Nag-nod nalang ako. " I'll be there.".. Sabe ko bago ngumiti yung sekretarya ko at lumabas.

" Alam mo, maganda naman sekretarya mo ah. ".. Biglang singit ni khalil.

The Thing ! <3  ( KathNiel Story ! )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon