Enjoy! :)
______________________________________________________________________________
KATHRYN"S POV:
"Stop walking back and forth, Juls. bakit ba hindi ka mapakali diyan?"... Andito na kase ako ngayon sa bahay, at dali-dali ko din tinawagan si Julia at sinabi sa kanya lahat ng nangyare hanggang sa huling pangyayare kahapon.
"What a big coincidence, don't you think?"... Tanong naman saken ni Julia na pagalik-balik pa din hanggang ngayon sa harap ko.
Napatungo nalang ako. State the obvious. Masyadong maliit ang mundo para saming dalawa ni Daniel. Sa dame ba namang ng pwedeng masangkot sa sitwasyon na ganito, kaming dalawa pa.
Napahiga nalang ako sa kama ko at tumingin sa kisame habang nag-iisip, si Julia naman, patuloy pa din sa paglakad, hindi ata napapagod to.
Kahapon, hindi ko akalain na hindi lang isang simple at ordinaryong araw yun. Hindi ko akalain na ang araw kahapon ang magbibigay ng napaka daming palaisipan para saken.
Hindi ko alam kung paano ako nakatagal na kasama siya kahapon, pero yung mere presence niya lang, malaki na ang epekto saken, at nung nakasama ko na siya, hindi ko naman alam kung anong mararamdaman ko.
At nung niyaya niya ko na sumama sa kanya, halos hindi ako makapagsalita, ni hindi nga ako makapag-isip ng maayos at matuwid e.
Pero sabe niya, hahayaan niya kong makapag-isip ang magdecide, pero sana daw, magustuhan niya kung anong magiging desisyon ko. Yung totoo, may choice pa ba ko?
Tapos, ang isang problema pa, kanina pa tawag ng tawag saken tong Khalil na to.
Ayoko muna siyang kausap, dahil masyadong pre-occupied ang utak ko ngayon, at iisang tao lang ang laman.
"Kath?"... Tawag saken ni Julia, kanina pa ata niya ko tinatawag ah.
"Huh? Oh bakit?"... Wala sa sariling tanong ko sa kanya.
"So what's the plan? Sasama ka ba kay Dj sa Europe?"... My god! That question again, nababaliw na ko.
Ginulo ko nalang yung buhok ko sabay groan.
"I don't know, Juls! Nababaliw na ko kakaisip."... Totoo naman, pakiramdam ko, konti nalang, masisiraan na ko ng ulo. Bakit ba kase kailangan pang mangyare saken nito. Kakabalik ko lang sa pinas!
"You know, kung ayaw mo talagang sumama, you can simply decide not to."... Napatingin ako sa kanya na para bang may gusto siyang iparating.
"Meaning?"... Tanong ko sa kanya and she just shrug,
"Kung ayaw mo talaga, you have nothing to think about. Doon mismo sa harap ni Daniel, sasabihin mong NO. But then again, you agreed that you'll think about it. Hindi naman masamang aminin na gusto mo, diba?".... Sabay smirk niya saken. Seriously, kaninong best friend to?. Saken o kay Dj?
"Ugh! Stop confusing me, Julia. And I didn't agreed to that. At some point, he made that decision for me, sana hindi nalang niya ko tinanong diba?"... Bulong ko naman. Paano, totoo naman e, siya ang nagsabe na pag-isipan ko. Halos wala na nga akong nasabe pagtapos niyang sabihin saken yun e.
"See! E di inamin mo din na gusto mong sumama. This is your chance to actually fix things with him."... Biglang sigaw naman nitong babaeng to.
I just rolled my eyes.
"Wala akong inaamin ah. At tsaka isa pa, what's there to fix? Juls, five years! Limang taon kameng walang communication, diba dapat wala nang dapat pang pag-usapan?"...
BINABASA MO ANG
The Thing ! <3 ( KathNiel Story ! )
RomanceSapat na ba ang limang taon na paghihiwalay para sabihin mo na nakapag move ka na ? O isa lang ito sa magpapatunay na ang tunay na pag-ibig ay kahit kailan man hindi mo maiiwasan ? Paano nalang pag nalaman mo na ang dahilan ng pag-alis mo ay siya di...