ChapterFifteen:

964 7 0
                                    

Enjoy! :))

________________________________________

KATH's POV:

Tulala..

Ayan ako ngayon. Andito na ko sa kwarto ko. Nakahiga sa kama at nakatulala sa kisame.

Parang hindi naman ako nakatulog na maayos dahil sa nangyari kahapon. It's too much for one day.

Una, nakita ko si Dj ng hindi ko inaasahan. At after 5 years, bakit kinailangan pang sa ganung paraan ko pa siya makita ulit.

Aaminin ko, masakit pa din. Peste talaga tong pusong to. Limang taon ko na ngang pinagpahinga, nakita lang ulit si Dj, nabuhayan na naman.

Pero bakit ganon? Bakit ganon Dj?

Tuwing nakkita kita, lagi nalang may kasunod na sakit? Hindi ba muna pwdeng hayaan muna ako ng tadhana na makita ka at maging masaya.

Kahit yun nalang, tatanggapin ko. Para kasing hindi napapagod yung puso ko masaktan pagdating sayo. Pero ako mismo, gusto ko ng bumigay.

Tapos, dumagdag pa yung sira ulong lalaki na yun. Bakit pa minalas ako kahapon? Sana nalang pala hindi nalang ako sumama kay Julia, para hindi na ko nasaktan, hindi ko na din sana kailangang mag-isip ngayon.

Bwisit talaga. Wala naman akong balak makipagdeal dun sa lalaking yun e. Kaso, napasubo na din ako dahil nakita ako ng parents niya.

Sino ba naman ang matinong lalaki at magpapanggap na may GF ka para lang hindi madissapoint sayo ang parents mo? Paniguradong di siya yun. Dahil hindi matino pag-iisip niya.

Engot! Nakakainis talaga.

Pero wala naman akong mgagawa. Sisiguraduhin ko lang na as soon as possible. Break na din agad ang show na pupuntahan namen. Dahil wala akong balak ipaalam to kayla Mommy.

Kakabalik ko palang dito sa pilipinas, panay problema na agad ang salubong saken.

Iniisip ko tuloy kung tama ba talaga yung pagbalik namen dito e.

Narinig ko na may kumatok sa may pinto ng kwarto ko.

"Pasok."... Sabe ko nalang.

Alam ko naman na isa lang yun sa mga katulong. Mula kase nung umuwe kame, hindi pa nakakabalik sila Mommy at Daddy sa biglaan nilang business trip. Kaya mga katulong lang kasama ko dito sa bahay.

Buti nalang at sanay na din ako. Halos kami lang din kaseng dalawa ni Julia sa L.A nun.

"Ma'am Kath. Andiyan po si Ma'am Julia sa baba. Nakahanda na din po ang almusal.".. Sabi ng maid nung sumilip siya sa kwarto ko.

"Sige, bababa na ko.".. Sabe ko at umalis na din siya pagkasara ng pinto.

Alam kong binigyan ako ng space ni Julia kahapon kaya hindi na niya ko sinundan. Kaya masaya din ako na siya ang bestfrriend ko. She just gets me. Kahit na hindi ako nagsasalita, alam niya kung anong kailangan ko.

Kaya naman ngayon, alam ko din na tapos na ang space na binigay niya. Dahil bilang isang bestfriend, alam niya din na kailangan ko ng kausap pagkatapos kong mag-isip.

Kaya naman inayos ko na yung sarili ko at bumaba na ko.

Nadatnan kong nasa dining na si Julia. Halos hindi na malaman kung anong kakainin sa dami ng nakahain sa mesa , na kung tutuusin sobra sobra pa para sakin at para kay Julia. Breakfast palang yan.

"Manang, bakit ang daming pagkain?"... Tanong ko sa maid ng makita kong naglalagay siya ng juice sa lamesa.

Napansin na din ako ni Julia nung nagsalita ako kaya naman dali-dali siyang tumayo at niyakap ako.

The Thing ! <3  ( KathNiel Story ! )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon