Chapter 5 - Shocolate
"Anong tingin mo kay Derek, rabbit? Bakit puro green 'to? He's still young! Junk foods and chocolates ang mga kailangan nya."
Nasa grocery store kami ngayon para bumili ng weal food na makakain ni Derek. Si Sumner ang may buhat sa kanya, ako naman ang nagtutulak ng cart namin na puno ng mga gulay.
The monster glares at me, "Why are you like this?"
"Like what? Derek needs to enjoy his life! You're making him suffer! Veggies are ewww, right Derek?"
"Don't listen to Auntie Shallot, Dewek." tinakpan ng halimaw ang ears ni Derek, "Veggies are not eww, veggies are good."
Turo lang ng turo si Derek ng mga gusto niyang pagkain, kuha at lagay naman agad ang Uncle Thumner niya sa push cart as long as healthy ito.
Lagay din ako ng lagay sa chocolates, sweets at ibang snacks and junk foods pero binabalik lang ng monster sa pinagkukuhanan ko.
"No chocolates or sweets allowed Shallot, you already have enough supply in your fridge."
"Pake mo ba? Ikaw ba kakain?"
"Shocolate no, no Auntie Shallot." Derek says cutely, while shaking his head, "Shocolate no, no."
"But chocolates are the best Derek! They're the best thing that happened in this world! You two are missing out on life!"
"It's just chocolate."
"Excuse me, monster?" halos mapahawak ako sa dibdib ko. That is just offending! "Just chocolate?! They're not just chocolates! Don't call my precious chocolates just chocolates, because they are not! It's a hug and kisses and—"
"Hershey?" Sumner cuts me off, chuckling.
"Shut up!"
Pumila kami sa cashier nang mapuno ang cart at mabili namin ang mga gusto ni Derek. Kahit isang chocolate wala man lang akong naipuslit!
Pinagtitinginan lang naman kami ng mga nanay na kasabayan namin sa pila.
"Ang gwapo naman ng asawa mo, hija."
"At ang cute pa ng anak n'yo."
"Mukhang close na close din ang mag-ama mo, nakakatuwa naman."
"Ilang taon na ba kayong mag-asawa? Ang bata n'yo pang pareho."
Mga chismosang 'to. Ngayon lang yata nakakita ng gwapong nag-g-grocery. "Hindi ko—"
"Isang family po ba kayo?" tanong ng kaherang todo pa-cute sa halimaw. "Meron po kaming free balloons sa mga pamilyang namimili."
"Dewek, do you want balloons?"
Derek nods cutely.
"Okay." The monster smiles and pinches Derek's cheeks bago sinagot ang kahera. "Yes, we're a family."
"Ito po, free balloon." Inabot ng kahera ang naka-stick na red balloons. Tiningnan ako saglit, at muling nagpa-cute sa halimaw. "Matagal na po ba kayong kasal ni Misis?"
Medyo natihimik ang paligid. Aba naman kasi pala, lahat yata ng nanay nakapila nag-aabang at gustong malaman ang isasagot ng monster!
Sumner smiles at me, "Just last year."
BINABASA MO ANG
Monster's Pet (Phoenix #2)
Teen Fiction(Completed) Sassy, bitchy, and fierce--siya si Charlie. Napatalsik lang naman siya sa Langston High at walang siyang ibang choice kundi mag-transfer sa Saunder Academy, isa sa pinakasikat na school sa Galax Metro. Bakit doon? Kasi iyon lang ang scho...