Prologue

919 26 8
                                    


Prologue


Naman! Maling building na naman ang napuntahan ko. Maghapon ko nang hinahanap ang buildings at rooms kung saan ako magkaklase pero hindi ko makita dahil sa pagkalaki-laking school na 'to!

Halos isumpa ko na nga araw-araw ang pinanggalingan kong school dahil laking-laki na ko do'n pa lang. Aba, wala pala 'yong binatbat kumpara dito sa Saunder—na four or even five times na mas malaki sa Langston! On the other hand, ayos na rin. I'll just use this as my advantage. Maliit lang ang chance na magkita kami ni Loise dito.

Loise is one of my beloved best friends and unfortunately, dito siya sa Saunder nag-aaral. Ayokong malaman niya na lumipat ako, dahil duh? Napatalsik ako, o sa mas madaling sabi, na-kick out sa Langston. Oras na malaman niya, lagot ako! Higit sa lahat, ayokong ma-disappoint siya sa'kin. She has enough problems and stress in her, ayoko lang na dumagdag pa do'n. I know I have to tell her at one point pero hindi pa ngayon. Ayoko pa. Wala pa kong lakas ng loob.

Maybe someday, kapag wala na talaga kong choice o hindi na kaya ng konsensya ko (which is, I happen to have a lot), o kapag wala na kong mataguan, o kapag nagkita kami accidentally, na alam ko namang sobrang labong mangyari dahil sa laki ng Saunder. Tsk, ayoko naman talagang mag-aral dito e. Wala lang akong choice. Tanging ang Saunder lang ang tumanggap sa'kin. I try enrolling in different schools pero hindi nila ako tinanggap! Sa galing kong 'to? Sobrang laking kalawalan ko kung alam lang nila!

Sa Luxford sana ako mag-e-enroll, (my other best friend Alisson, studies there too and I don't plan to let her know I was kicked out either) but then I realize kung gaano 'yon kalayo sa bahay ko. So I choose to enroll here instead, medyo malapit dahil may alam akong shortcut.

Bwisit kasi 'yong bruha kong schoolmate sa Langston, kapwa ko man ding student journalist, masyadong insecure! Naiinggit sa pwesto ko dahil palagi ako ang pinapaburan ng gwapo naming Editor in Chief na crush niya yata, kaya ayun. Inaway ako! Ako pa talaga? Lakas ng loob, edi nasa ospital siya ngayon. One week na siyang naka-confine. Alam ko naman kaartehan niya lang 'yun para magpapansin kay EIC. Hindi ko naman siya binalian ng buto!


"She attacked me first!" sigaw ko do'n sa kalbong school head namin. Gigil na gigil ako, nakukulangan pa ako ng sampal, sabunot at sipa sa bruha! Susundan ko sana sa ospital dahil kulang pa talaga, e! Kung pwede lang, dinala ko na siya sa rooftop at nilaglag dun!

"This is your fifth offense this year Velarde, hindi na kita pwedeng pagbigyan."

"You can't kick me out." I say in a matter-of-fact tone. "I'm your best student journalist."

"You are Charlotte."

I grit my teeth. Napaurong naman ang matanda, natakot yata sakin. Wala naman akong ginagawa! Ayoko lang na tinatawag ako sa buong pangalan ko, dahil gusto kong magwala.

"The school will not tolerate any more of your aggressive and violent behavior." The school head continues, "I will not be biased this time. I already gave you too many chances."


And to cut the long story short, I got kicked out and boom I'm here.

Sumakay ulit ako sa kotse ko. S'an na nga ako pupunta? Nilabas ko ang phone ko.

Shit, Charlie. Bakit ngayon mo lang naisip gumamit ng mapa? Maghapon ka na dito for pete's sake! And luckily, sa halos isang araw ko dito, successful naman so far. Hindi pa kami nagkikita o nagkakasalubong ni Loise. I have a copy of her schedule kaya alam ko kung saang building siya at kung anong oras ang klase niya. Alam ko ang mga lugar na dapat kong iwasan at ang mga oras na dapat hindi ako pakalat-kalat.

Monster's Pet (Phoenix #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon