Chapter 9 - Fall
For the third time this morning, I groan in frustration. I am so fucked up. I couldn't take him off my stupid mind.
His smile, his laugh, his monster face...
Fudge cake Charlie? What the chocolate fudge is wrong with you?!
Tinakpan ko ng unan ang mukha ko at sumigaw nang malakas.
Bakit ba hindi ko siya maalis sa isip ko?!
Alam ko. Corny. Pero 'yan ang totoo.
Araw ng Sabado ngayon. Ilang araw na ang lumipas since the rooftop encounter, pero hindi pa rin bumabalik sa normal ang tibok ng puso ko.
Ilang araw akong hindi nagpakita sa halimaw. Ilang araw ko din siyang hindi nakita. Akala ko kakalma ang puso ko, pero akala ko lang pala 'yon.
Avoiding him is unexpectedly easy.
Hindi siya pumasok sa Trigonometry class namin ng ilang araw. Wala ring tawag o text, kahit ilang araw ko siyang hindi sinipot sa rooftop at hindi nabigyan ng bubble tea. Malakas ang kutob kong hindi rin siya nagpunta, because if he's there, hahanapin niya naman siguro ako 'di ba? Or am I just assuming things?
Is he avoiding me, too?
Ayaw niya na rin ba akong makita ? Nagsawa na ba siyang paglaruan at pahirapan ako sa wakas?
Meanwhile there are rumors going around na binugbog daw ni Clark si Eizen. (douche ex-boyfriend of Loise) Honestly though, that Eizen needs a beating. He fudging deserves it for hurting my best friend. Kung nalaman ko lang agad, tumulong sana ako bugbugin ang walang hiyang 'yon.
Ayon pa sa narinig ko, parang hindi okay si Loise at Clark ngayon. I want to call her so bad to know if she's okay, pero sigurado namang siya mismo ang tatawag kapag hindi eh. Natatakot lang ako na baka kapag kinausap ko siya, madulas na lang ako at sabihin sa kanya ang lahat. Now is definitely not the time for that.
Guilt is eating me up, at gusto ko na ring putulin ang ugnayan ko sa halimaw.
I know how much that monster cares for Loise. And she is probably the reason kung bakit ako nakalimutan ng halimaw. I know how much he likes her. I see the way he looks at her with pure love and admiration. She's his priority, while me? I'm probably just his past time para hindi siya ma-bored sa buhay niya.
Nakaramdam ako ng pagbigat sa dibdib, but I just shrug the feeling off. Hindi makakatulong sa'kin ang masyadong pag-iisip.
I get distracted though, dahil nag-vibrate ang phone. Kinapa ko ang phone ko sa ilalim ng unan at agad itong sinagot nang makita ko ang caller ID.
<"Charlie!">
"Hey, Nossila."
<"You sound weird... May problema ba?">
"I still haven't told Loise." I blurt out. Isa lang 'yon sa mga problema at isipin ko. But right now, the monster is my main problem.
<"I know." sagot ni Alisson. "Because if you did, she'll definitely call me para magpatulong kung anong parusa ang gagawin sa'yo.">
"I will tell her... soon."
<"When is soon?">
"Just... soon."
BINABASA MO ANG
Monster's Pet (Phoenix #2)
Teen Fiction(Completed) Sassy, bitchy, and fierce--siya si Charlie. Napatalsik lang naman siya sa Langston High at walang siyang ibang choice kundi mag-transfer sa Saunder Academy, isa sa pinakasikat na school sa Galax Metro. Bakit doon? Kasi iyon lang ang scho...