Chapter 1

506 22 10
                                    


Chapter 1 - Bubble Tea


Don't lose it Charlie.


Don't lose it.


Don't.


Ngumiti ka na lang, at ibigay sa kanya ang bubble tea niya. 

"Here's your bubble tea, Master."

Monster Sumner grabs the cup without looking at me, sips a bit and gives it back to me, at nagpatuloy na sa pagpupunas ng basang buhok niya.

Pinahawak niya pa talaga ulit sa'kin, kahit pwede niya namang ilapag sa gilid niya! Ang kapal talaga ng bungo ng halimaw na 'to!

Don't lose it, Charlie. Keep calm. This is for your sake. Nagawa mong magtiis ng isang linggo, magagawa mo pa ulit magtiis ng kaunti pang panahon. I pep talk myself, dahil baka hindi ko na mapigilan ang sarili kong lunurin ang halimaw na 'to. 

One week since I transferred in this hell, one week since I met the monster and one week since I became his pet. One week na pang-aapi at pang-aalila. There are hundreds of students in Saunder Academy, and I met Sumner the monster on the first day. Lucky me.

Kailangan ko lang talaga ang Trigonometry class na 'yon eh, kaya hindi ako makapag-drop. Ayoko ng subject na sagabal next year, at malaki ang iluluwag ng schedule ko if I take that class now.

Malay ko bang magiging kaklase ko siya? He doesn't look like the one to take advanced classes too! Mukhang wala naman kasi silang pakialam ng mga kaibigan niya sa pag-aaral eh. 

Bakit ba kasi naging classmate ko pa siya? Isang klase lang naman 'yon, but he's taking over my schedule. Ang laki niyang abala, ang laking niyang sagabal, at ang laki niyang threat! Isang tawag niya lang kay Loise, patay ako. 

My schedule is as messy as it is, at lalo pang sinisira nitong halimaw. Ang dami ko kasing section,  iniwasan ko ang 2-A dahil nando'n si Loise. Mabuti na lang at pinayagan ako ng registrar. Being a student journalist has its perks. Pang college na 'tong schedule ko eh. 

I took summer classes last year too, kinuha ko ang lahat ng pwede kong i-advance kaya kaunti na lang ang subject na kailangan kong kunin for this year. Thank the heavens really, at naiwasan kong maging classmate si Loise dahil doon. 

Pero bakit naman itong halimaw na 'to, hindi ko naiwasan?

Paano ko ba siya maalis sa landas ko? 

I haven't felt this helpless in a long time. Panira kasing halimaw 'to. 

Relax na relax pa siya, naka-upo sa poolside, nakasawsaw ang binti at paa sa tubig habang pinupunasan ng towel ang jet black hair niya. Kakatapos lang ng PE nila, which is obviously swimming. Habang ako nag-iisip ng tamang angle kung paano ko iuumpog ang ulo niya para magka-amnesia siya at makalimot, kahit 'yong mga nangyari lang last week ang makalimutan niya, pwede na 'yon.

Hinubad niya ang PE shirt na medyo basa pa at pinahawak sa'kin. Fitted na swimming shorts na lang ang suot niya. 

And guess what kung anong tumambad sa'kin?

Wait, bibilangin ko.

One, two, three, four, five, and six.

Six toned and packed abs.

Damn this monster. Does he have to be this hot? 

Inalis ko ang tingin sa nag-iimbitang tukso, I shift my eyes somewhere else but this hot monster in front of me. I should have done a better research. Wala akong idea na ganito kaganda ang katawan niya in person. 

Sana pala dinala ko ang camera ko. Pasimple ko siyang kukuhanan, siguradong yayaman ako sa half-naked pictures niya. 

"May iuutos ka pa ba?" I ask impatiently, "Iutos mo na dahil may klase na ako in thirty minutes."

Tinapik niya ang space sa gilid niya. "Sit."

Kung hindi ako nagpigil, baka naibuhos ko na sa kanya ang bubble tea niya. Para talaga akong aso kung makapag-utos siya! 

With a gritted teeth, umupo ako sa tabi niya without of course dipping my feet in the water. 

He ruffles my hair, at kinuha sa'kin ang bubble tea, "Good girl. Napagod ka ba?"

"Ako, napagod?" I mock a smile, "Of course not master, just imagine kung gaano kalapit 'tong pool area sa building ko when you texted me na gusto mo ng bubble tea? Dulo't dulo lang naman ng Saunder ang distance nila, hindi ako napagod."

He sips his drink. "That's good then."

"Are you stupid? Dude, ang layo ng nilakad ko! Of course I'm fucking tired! Ilang beses mo pa kong pinabalik sa cafeteria dahil hindi mo gusto ang timpla ng lintik na bubble tea mo na para bang ang lapit din ng cafeteria dito? Syempre pagod ako!" Halos kapusin ng hininga dahil sa galit at pagod.

"Don't swear."

"Don't breathe."

He offers me his bubble tea, "You want?"

"You know what I want? I want to drown you." I should've poisoned him. Bakit ba pinigilan ko ang sarili ko?

"Is this how you talk to your master?"

Master?! Baka monster! "Is this how you treat your pet? This is pet abuse!"

He smirks, "You're finally accepting you're my pet?"

"Do I have a fucking choice?"

"Language Charlotte, don't be a bad pet."

I narrow my eyes at him, studying his expression. "Umamin ka nga halimaw, gumaganti ka ba sa'kin?"

"May dapat ba akong ipaghiganti?" Pa-inosente niyang tanong.

Well, I suppose he has.

Back in our very first encounter... I kicked his balls. 

His fault of course!!! Sinira nila ni Kyle ang pinakamamahal kong digicam eh. It's my handy camera for years, kaya halos maiyak ako. 

I only wanted to get a good shot of their faces, and evidence na rin to prove na kasalukuyan pa ring nagaganap ang Fortnight; street racing na ginaganap tuwing ikalawang linggo ng buwan. Of course it's illegal, at gusto ko lang tumulong sa mga pulis. 

Pero nahuli nila akong dalawa na nagtatago sa puno. Hindi tuloy ako nakapagsumbong, tapos nga sinira pa nila ang camera ko. I wanted to kick Kyle as well that night, but after what I did to Sumner, I ran off for my dear life. 

Honestly though, he deserves that kick. 

* * *

Note: Ay, sorry

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Note: Ay, sorry. Nalagay. 

Monster's Pet (Phoenix #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon