Chapter 54

53 3 2
                                    

Maryz' POV

Tatlong araw na ang nakalilipas simula nang magkabati na kami nila Jimin. At ngayon ay 5 o'clock na ng umaga. Nagbibihis ako ngayon kasi kakaligo ko lang. Ngayon na ang alis namin pabalik ng Los Banos. Hay, tapos na ang bakasyon nila. Babalik na silang Korea :-( Sabagay ok lang yon, para rin makapag-fous ako sa pagaaral ko. Lumabas nako ng CR dahil tapos na ko magbihis. Paglabas ko nakita ko si Jimin sa higaan ko na mahimbing paring natutulog. Ang cute niya eh. Makapagselfie nga ulit kasama siya, haha.

*click*

Yes another picture with him while sleeping. Lumabas muna ako ng kwarto ko para puntahan si Chiara sa kwarto niya para gisingin siya. Pumasok ako agad sa kwarto niya at nakita kong tinatago niya yung ibang damit niya na binili ko sa closet niya.

"Si ate talaga di marunong kumatok."sabi niya sakin at sumimangot.

"Haha miahne. Trip ko lang di kumatok. Aga mo nagising ah. 5 pa lang oh."sabi ko sa kanya at pinakita ang oras sa telepono ko.

"Alam ko yon noh. "sabi niya sakin at pumunta sa higaan niya kung saan naroon ang bag niya.

"Mamaya muna ayusin yan. May pupuntahan tayo bili."sabi ko sa kanya. Tapos hinila ko siya palabas ng kwarto niya. Hinili ko siya hanggang sa makarating kami sa kwarto ni Jungkook oppa.

"Teka ate bat tayo nandito?"tanong niya.

"May dare ako sayo. magselfie ka nang kasama si Jungkook habang natutulog siya."sabi ko sa kanya.

"Eh ayoko nga. Tsaka bat may dare wala naman tayong usapan ah."sabi niya sakin which made me smirk.

"Talaga lang ah. May atraso ka kaya sakin. Natulog kayong magkasama ni Jungkook sa kwarto mo tapos kayong dalwa lang. Ano papalag ka pa. Tsaka gusto mo rin naman, nahihiya ka lang."sabi ko sa kanya.

"Bili na para iwallpaper mo rin. Edi parehas na tayo."dagdag ko.

"Sige na nga."sabi niya tapos binuksan ko na yung pinto. Buti na lng di nakahubad matulog tong mga toh haha.

Tapos nakita namin si Jungkook na mahimbing ring natutulog. Bat ang cute nila matulog haha. Tapos lumapit kami ni Chiara. Pinicturan ko si Jungkook oppa habang natutulog. Tapos nagflash yung phone ko. Patay! Gumalaw siya. Tapos sinamaan ako ng tingin ni Chiara at nagpeace sign nalang ako.

"Game na gandahan mo ngiti ah."sabi ko sa kanya. Tapos nagselfie na siya kasama ang tulog na si Jungkook. Hahaha

*click*

Pagkatapos non tumakbo agad kami ng tahimik palabas ng kwarto ni Jungkook.

"Tara puntahan natin yung tatlo idedare rin natin sila whahaha."sabi ko sa kanya.

"Tara haha."sabi ni Chiara habang natawa. Nagpunta kami sa third floor kung saan naroon sila Kate, Ash at Audrey. Pati na rin ang mga kalove team nila haha. Una naming pinuntahan ay Si Audrey. Katulad ng ginawa ko kanina pumasok lang ako bigla at di na kumatok haha. Nadatnan namin si Audrey na natutulog pa. Lumapit kami sa kanya at ginising siya.

"Psst Audrey."sabi ko at dahan dahan siyang inuuga.

"Ate Audrey gising bili."sabi naman ni Chiara. Tapos may naisip ako.

"Huy kung isigaw kaya natin yung kinwento ni kuya Andrey satin kahapon. Baka magising siya." sabi ko kay Chiara

"Sige."sagot ni Chiara. Bumilang ako hanggang tatlo gamit ang kamay ko.

1

2

3

"Si Namjoon makikipagkita daw dun sa babaeng nasa bar!"sigaw namin ni Chiara.

BTS?!  Are My Friends?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon