Chapter 14

37 1 0
                                    

___________

Ilang araw nalang bakasyon na. Busy nanaman dahil malapit na ang Finals. Medyo okay naman kame ni Josh ehh. Sabay paminsan magrecess, pero hindi parati.  First monthsary na namin sa ika-lima. Kaso, takte. Walang pasok. Pero nasa school ako, first section ehh. Required magkaroon ng Oral Defense. Pero half- day lang.  Bakit ba kasi ako matalino? Chos lang! Hahaha. Nung monthsary namin, nagreet lang siya via text. Wala lang. Parang normal day lang namin. Yung magtetext lang kame whole day, ganon lang. Nagsasama naman kame paminsan kapag recess time, or paminsan dinadaan nalang sa smile. Ewan ko ba. Hindi niya kasi ako lagi pinupuntahan ehh.  May one time yun, hanggang three lang kame. Exam na kasi kinabukasan, so ayun. Pumunta ako kila Lexa, tapos hindi ko namalayan siya na pala yung nasa side ko. Nagulat ako, paano naman kasi ang tangkad. Hindi nagtagal dumating na kuya niya, si Jeco. Tapos ayun, nagbye na siya. Nag bye din ako. Sabi ko, hoy, madumi pwet mo. Tinawanan niya lang ako. Totoo naman ehh. Ang dumi ng pwet niya, dalawang beses ko na sinabi. Hindi parin naniwala. Tawa lang din ako ng tawa. Grabe. Ang dumi talaga ng pwet niya. Hahaha ~

March 16, 2014.

Matutulog daw muna siya. Okay. Nasa Yubengco kasi ako. Naghahappy, happy kasama ang pamilya. Tambay lang dun.  Para masaya. Tapos ayun. Nagulat ako. Biglang may nagtext.

From: Josh

Ine gf ba to ni Josh?

Nako. Hindi ako nagreply. Malamang nanay niya yun. So ayun, hindi ko nga nireplyan kakasabi ko lang diba? Gosh. Bigla akong kinabahan. Grabe yung takot ko. Bawal kasi si Josh magka gf ehh. Ayaw ng parents niya. So medyo isinaisip ko na na baka di kalaunan makipag break na siya. Yun na din inisip ko. Nagtext siya mga alasais pasado, kakagaling ko lang sa misa. So ayun nga, kwinento niya. Tama hinala ko mother niya nga. At tama rin hinala ko sa kung anong inuuutos sakanya. Masakit raw. Hindi niya raw kayang gawin. Nangyari na to saakin dati, but why do the past needs to repeat itself? Lalake naman sana siya. Pero magulang yun ehh. Kailangang sundin. Pasado alas diyes ng gabi, nag PM siya sa chat. May sasabihin daw siya kinabukasan. At sana raw hindi raw ako iiyak. Alam ko na to. Break up. Siguro nga. Yan lang naman ang possibleng dahilan para umiyak ako ehh. Pero hindi naman talaga ako yung iiyak yung loob ko lang. 

Day after.

Nag PM siya. Bakit hindi bitter si Someone? Akala ko ba makikipagbreak siya? Bakit parang happy lang siya at parang walang nangyari?

From: Josh

Good morning baby :*

Pinagpatuloy namin ang pagtetext hanggang sa makarating kame sa school. Hindi ko na napigilan sarili ko, kaya tinanong ko na kung makikipagbreak siya. Sabi niya pa talaga. Hindi raw siya makikipagbreak dahil mahal niya raw ako, ayaw niya raw akong mag-isa. Mahal niya nga ba talaga ako? After ng insidenteng yun, hindi na kame nagsama. Hanggang sa natapos ang finals hindi na kame nagsama. Clearance week na at hindi parin kame nagsasama. Ilang araw nalang kaya, hindi na kame magkikita. 

Diary ni Hopia: JuniorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon