Chapter 13

32 1 0
                                    

Ang ilan hindi makagetover sa JS. Hindi naman sana ganon kaganda yung Under the Sea theme na yun. Kopya kopya sa movie nila Enchong Dee at Angeline Quinto. Pinoy nga naman. After ng JS, madalas na kameng magkasama ni Jossh. Masaya naman ako sakanya. Alam niyo yun, lagi niya ako napapatawa. At basta, magaan talaga feeling ko sakanya.  Parang walang nangyayaring panloloko dati. Para bang wala lang, parang kame talaga. Char lang. At ayun, si Jj? Hindi na talaga siya nagtext. Wala na ni isang message. Tambay nalang yung pangalan niya sa inbox ko. Pero kahit ganoon, same old. Sinisilip ko pa rin siya sa bintana, ninanakawan ng tingin, ngunit hindi na ganoon kadalas. Kasi nga may Josh na. May one time, tinanong ko si Josh if kilala na ba ako ni Jj dahil nabanggit niya saakin na lagi daw ako tinatanong ni Jj, kung sino ba daw talaga ako. Binanggit din yan saakin ng ibang mga kakilala ko dun sa section nila. Nako, sayang baka may chance pa yun. Nangaaarap nanamn ako. Sabi ni Josh, oo daw. Kilala niya na daw ako. Simula nung nabalita na may affair na nga kame ni Josh. Bakit ba kasi? Bakit ganon? Pero okay, ganon na nga talaga. Ganyan na ang buhay, magulo yan. Sobra.

February 14, 2014.

I bet madami nanamang bitter diyan.  Happy Valentine's Day! Inulan ako ng mga bati sa phone at sa fb. Hindi naman literal na inulan, keber? Isip isip din pag may time. Nagmistulang dating place ang school namin sa dinami dami ng couples na nagdadate. May dalawa pala akong tutulungan today, so medyo busy to. Pareho silang fourth year. Yung isa, magpapatulong daw siya recess time kasi may ibibigay siyang flowers para sa classmate ko. Secret admirer yun eh, ako lang nakakaalam nun since last year. Vibes kame! Team mate ko kasi. Yung isa naman, nasa second pilot, papatulong daw siya maghawak ng  card kasi madami daw talaga siya gagawin para kay Quek. Since, kabilang na si Quek sa listahan ng mga super good friends ko. Umoo naman ako, at medyo close kame ni Tiboy. So, echepwera muna ang lovelife ko kasi andyan yung dalawa. Hindi ko rin muna iisipin si Jj. Baka may pinopormahan yun ngayon. Nung class na namin, ayun simula first period nag Happy Valentines sila.  Computer ang second period, kaya dumeretso na ako sa Comlab. Normal day lang ang Computer subject, baka naman bitter si Ma'am kaya hindi na pinairal ang aura ng araw ng mga puso.  After recess, dumiretso na ako sa room nila Lean para kunin na yung mga bulaklak. Char! Nakaroses si koya. Kaya ayun, dumiretso ako sa taas. Pinagtitinginan kasi ako ng mga tao. Akala siguro nila saakin yung mga bulaklak, ew. Ang corny kaya, medyo sweet lang. Hahaha! Chemistry at English nalang lunch time na. Normal din. Wala lang man kavalentine's valentine's sa aura ng dalawang subject kasi puro sulat. Hay nako. Sa wakas, lunch time na rin. Kumain na ako kasama si Dada at kapatid ko, saka bumalik sa classroom. Tapos pagdating ko doon, ayun na nagsisimula na yung mga arrows. Oh my God! Nagstastart na si Tiboy manurpresa. So ayun, imbes na makatulong ako. Nastock ako sa sobrang daming taong naka palibot kay Quek. Si tiboy naman kasi ang daming nilagay na Arrows na gawa sa construction paper at kada isa may mga love quotes. So umakyat nalang ako ulit sa classroom at medyo badtrip. Liit ko kasi, baka maipit pa ako. "Hope" *Hindi ako lumingon* "Hope" *Lumingon na ako" Ayy si Franz pala, kasama si Josh. Ano nanaman sigurong gusto neto? @@ Tapos ayun. Iniabot saakin ni Joshe yung box ng chocolate na balot na balot ng sticky notes na naglalaman ng cheesy lines. Ang dami namang chocolate, ganon na ba ako katakaw? Hindi ako nagthank you. Ewan bakit. Haha. Masama. Sabi niya pa sa may tenga ko, happy valentine's. Kinilig ako dun, medyo. Tapos hinatid niya ako sa classroom, pagdating ko sa loob. Nagsigawan mga classmates ko. Nakakainis. Binasa ko yung mga nakasulat sa sticky notes, kyah. Hindi pala siya ang nagsulat. Ang iba lang. Mga classmates niya rin pala nang-iwan ng mga notes para saakn. Sabagay, malapit rin naman ako sa class nila. Hindi ko kinain ang chocolates, hanggang sa umabot ng two days sa ref. Hahaha. Seryoso ako. Favorite ko ehh. At sakto, kakaubos lang rin ng Nutella at Hershey's namin. Ice cream nalang meron. Hindi pa bumibili si Mama. Hahaha.

February 22.

May isang araw yun, after ng practice namin para sa practical exam sa MAPEH. February 22 ata. Nagpahatid ako kay Pot sa gate, kasi sabi ko magisa na lang ako umuwi. Since ayaw pa umuwi ng iba. Pagdating sa gate, pahamak talaga to kahit kailan si Pot. Tinawag niya si Josh, sabay sabing samahan niya raw ako. Ihatid niya daw ako. Sabi ko h'wag na. Ayoko. Sabi ni Pot, ano bang silbi niyang bf mo? Ewan ko kung narinig niya. Pero medyo hard yun. Sumama nalang din ako. Katabi ko siya. Nagusap kame habang naglalakad. Pinagusapan namin si Terrie na naka sando, pumunta lang ng practice. Sabi ko pa try ko maganon. Sabi pa ni Someone, magdadala daw talaga siya ng jacket pag gagawin ko dun. Bawal daw. Naks naman si koya, pinagbabawalan si Ati. Lumipat ako sa kabilang aisle, andun si Jj. As always, magkasama sila ni Josh. Naging katabi ko na rin siya at sa likod si Josh. Hinatid nila ako sa jeep. At kinilig ako super. Kasi andun si Jj, at nagsmile nanaman siya sakin. Jj, alam mo ba. Kahit sa simpleng ngiti mo na yan nabubuo mo talaga ang araw mo. Napapasaya mo ako. Nakokompleto mo ako. Bakit hindi pwedeng ikaw nalang? Baka kasi hindi talaga kame. Kaya hindi talaga pwede, kahit pilitin ko pa.  Nabuiset ako kay Josh kasi paakyat na si Jj sa jeep, pinigilan siya pa. Di ko tuloy nakasama si Jj. Peste,

Diary ni Hopia: JuniorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon