Chapter 9

40 1 0
                                    

Hay nako! Career drive nanaman.  Non-sense! Haha. Career day na talaga! Mashado akong naghanda para dito, kahapon lang ako nagpractice ng pang doxology at ng number para iprepresent. All about us nalang ang kakantahin ko by He is We.  So, nagstart na talaga ang program. Hindi kame umupo kasama ng ibang mga Juniors. Dun lang kame sa may side, kasi wala lang para special. Hindi naman kame pinapagalitan ehh. So doxology na, nagballet nanaman ako. Ayoko ng ballet ehh. Sa  lahat ng sayaw, hindi bagay saakin.  Kakainis, kalog kasi ako. Ayun, after sumayaw malamang maglulupang hinirang. Tapos tumambay na kame sa side habang nagstostory yung Nurse about sa mga taong gustong mag take ng Phara-medical courses. Naguiguitara lang ako habang kumakanta si Shen at nakikijam yung iba naming classmates. Hindi kame nakikinig. Para saan pa, wala kameng planong mag nursing noh! Ayaw namin tumambay after graduation. Then biglang, tinawag. Let us now welcome a student from III- St. Jo. OMG! TURN KO NA PALA. HINDI PA AKO READY. So ayun na nga, kumanta nalang ako. Hindi ko inayos, kasi nakakahiya. Sobra. Hindi pa nagstastart  yung kanta, sumigaw na sila. "GO JOSH" "GO JIS" "GO BY" Ang dami namang nalilink sakin. Anong trip nila. Sumulyap ako kay Jj, at ayun. Nakasmile siya. Tinititigan ko lang siya. Pero habang kumakanta ako, nakatingin ako sa likod. Nakakahiya kaya. Ayun na nga. Okay, okay. So natapos rin. Hay salamat, ewan. Sintunado ata pagkanta ko. Kinakabahan talaga ako ehh. Hindi ko na nga naririnig boses ko sa sobrang kaba. Lord naman kasi, bakit po ba? Hahaha! 

Nakahinga rin ako ng malalim kasi recess na. Bumili lang ako ng C2 at Piattos. Kasi pinababalik kame agad sa Gym. Bumalik na kame ni Pot, bestfriend ko 10 minutes before time. GG kasi kame ehh. So ayun na nga. Pagkadating namin sa may pasukan sa gym, andun crush ko. At nagsmile sha saakin, uulitin ko nanaman. Nagsmile sha saakin, as in smile na smile at matagal na smile ha. Dahil napastop and stare ako. at nabilaukan pa. Kakainis! Wrong timing. napatulo yung C2 sa blouse ko, nabasa tuloy. Pero worth it dahil nagsmile si Jj! OMG! Jj bakit ba ang gwapo mo? I love you forever kahit hindi mo ako kilala.

--

Riiiing! Time na. Kaya naman pala ehh. Oras na after recess. Bumalik na rin si Jj sa upuan niya. At guess what, clear na clear ang feslak nya sa akin kasi nasa harap ko siya. Ang pogi niya talaga kahit nangingibabaw fats niya. Gosh! Super gwapo forever.  So ayun, tinititigan ko lang siya habang nagiging kakulay ko na si Elmo.

"Hoy, ang pula mo. bakit ka?" Tanong ni Kate

"..."

"Hoy tinatanong kita. Ayyy si Jj pala. Kanino ka ba talaga Jj or Josh?"

"..."

Hindi ko sila pinansin kasi ang gwapo ni Jj! Hahaha. Siya lang talaga tinitingnan ko. At hindi talaga ako magsasawa na tingnan siya. Forever!

---

Lunch time.

Bumalik na ako sa class room after kumain ng lunch. Biglang may nagtext.

"Dong. Nakakita ka wallet na blue sa gym?"

"La."

"Ok. thank you dong."

Si Josh nagtext. Nawala ata wallet niya! DALA. Hahaha. Combiene combo dods. Hahaha. Then medyo nabitter ako, naalala ko kasi lahat ehh. Promises niya, na di daw siya tutulad sa isang Someone pero ganon rin pala ginawa niya. Sabi ko sainyo ehh. Katulad lang sila lahat. Mukha lang pinagkaiba. 

Diary ni Hopia: JuniorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon