Chapter 17

29 1 0
                                    

Last day na. Absent parin si Josh. What's new? I don't even know if he wants to see me or what. I am so not sure if he loves me or ewan.  So last day, signed na ang clearance.  We got our class shirt na yesterday, so we can use it now na. Jackass mode on. Nerdy type off. Although Jackass kame lagi, iba parin pag last day. We can do whatever we want. So umaga palang, kv on na ako. Sabay kasi kameng umakyat ni Jj ehh. Nagkataon lang napasabay ng dating. Nag community mass ang school. Lent na kasi diba? Kaya nagmass nanaman kame. Pumwesto kame ni Pot sa may itaasang bahagi ng bleacher para makasilip sa crush. Nice View! Gwapo talaga ni Jj. Paano ko siya makakalimutan neto? Kung tenga palang nga nakikita ko, humaharlem shake na ang puso ko. Rhyming yan, ansaveh? So ayun na nga diba. Hindi ako nakapagconcentrate sa mass kasi nakatitig lang ako sakanya. Lord, sorry po. Hindi ako nagserve kasi bitter ako, ewan ko bakit. Nakatitig lang ako kay Jj.. Alam niyo yung titig na kahit kinikilig ako sa labas pero yung loob ko, nasasaktan na. Bakit kasi hindi siya mapasaakin? Ano bang meron siya? Ginamit ko na si Josh pero hindi arin. Bakit ba? After ng mass, pinabalik na kame lahat sa room. Then ayun, for the second time. Magkasabay nanaman kame ni Jj umakyat. Lord, bakit po ba? Nung isang araw unexpected talaga na portfolio niya sa CLE yung hawak ko. Tapos kahapon, test paper at portforlio niya rin sa Mapeh. Ayaw niyo po ba na kalimutan ko siya? Bakit po. Bakit po ba? Tapos inutusan na kame ni Ma'am Jenny na pumuntang AVR2 para magevaluate ng mga teachers. Medyo matamlay ako. Tinanong ko si Pot kung sigurado bang sa AVR2 na talaga. Inopen ko naman ang door at.... O____O :O !!!! Sinita ako ni Pot kasi daw nakatulala lang ako. Nagtinginan lang kame ni Jj. Siya agad una kong nakita. Siya agad. Lumabas ako ulit at sumigaw. Hindi ko alam kung swerte ako kasi ilang beses ko siyang nakita o minamalas ako kasi mas nahihirapan akong kalimutan siya. Tapos pumasok na ako at hindi ako naghi. Iniwasan ko lang siya. Wala man din yun pakialam saakin ehh. Wala. Alam niyo yun? Tapos umakyat na kame sa taas pagkatapos magevaluate ng teachers, nagpalit ng class shirt, pumuntang tindahan at umakyat. Kasabay ko nanaman si Jj. Noong paakyat kame sa 16 steps to St. Jo. Kinalabit ako ni Pot sabay sabing hoy, sumisilip siya. Tumingin naman ako at sabay kameng sumilip. Nagawkward look kame. Sabay ring umiwas. Jj, naman kasi. Pag gusto moko, sabihin mo lang. Hinding hindi ka magsisisis. Joke. Kinilig nanaman ako. Thank you Lord! Imagine. *Slow motion* Silip sa stairs na nakastretch talaga ang neck, then he does the same sa kabila. Gosh. Tapos nun. Nagbasa ako ng wattpad, tapos kinikilig ako. Tinanong ko si Pot, if hindi siguro naging kame ni Josh, sa tingin mo may chance kame ni Jj? "Sa tingin ko oo, kasi andun na yun ehh. Texting na kayo. Smile smile na." Oo nga nuh. Tapos ngayon, wala na. Ni smile, hindi na magawa. Balik sulyap sulyap. Ang sakit, ang tanga ko. Pero baka din kasi wala, paaasahin ko lang sarili ko. Iniimagine ko kasi si Jj yung lalake tapos ako din yung girl. Katulad kameng musikero ni Cc ehh. Imagine mo siya nagoorgan, ako nagaguitara, tapos sabay kame kakanta. Magduduet. Tapos yung kanta... Pangarap lang kita. :( "At kahit mahal kita, wala akong magagawa, tanggap ko to aking sinta. Pangarap lang kita." Naiyak iyak ako sa imagination na yun. Tapos bakit daw ako sabi ni Pot. Sabi ko yung wattpad kasi ehh. Kakainis. Nakakaiyak. Wattpad daw. hoon yalang. Pinagpatuloy ko ang pagdradrama hanggang lunch time. Kinausap rin ako nila Aziz at sinabing ilabas sakanya lahat ng hinanakit ko kay Josh. Sumabay na rin si Lexa. Mag-ex yang dalawa ehh. Nakarecieve ako ng message kay someone, tinanong lang kung anong ginagawa namin sa school. Nagreply ako sabi ko lumalandi. Tapos ayun. hindi siya nagreply. Asa pa! Dalawang araw hindi nagtetext absent pa. Tapos ayun, nalabas ko na nga. Tapos nagulat ako ng biglang sinabi ni Lexa "Hoy, Si Josh mo ohh." BAKIT TO SIYA PUMASOK? DAPAT ABSENT LANG TO? Sa gulat kong yon. Ayun, nakatumbling ako sa upuan. Grabe. Acrobatics wala sa oras. Hindi na ako nagexpect na pupuntahan niya ako. Wala parin naman. Kung inexpect ko yun. Masasaktan lang ako kasi hindi naman rin talaga ako niya pinuntahan. Wala lang. Hindi man lang ako kinamusta.... ganyan lang.

Diary ni Hopia: JuniorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon