Chapter 2

69 2 0
                                    

Lagi ko siya sinisilip. Parang before and after an activity sa classroom. Then there comes this time na may mass, so since part ako ng CVC, magdidistribute ako ng baskets tuwing communion. Inagahan ko para meron ako, siyempre. Di ako papahuli. Chance na yun. Siyempre gusto ko dun sa section nila. So doon din talaga ako naassign. Ayun, nagdistribute na ako nung oras na ng pangdistribute. Alangan namang before diba? Tapos kinakal ko si Muy kasi tinutukso niya ako. Tapos ayun, nakalat na. *Huy, sino yan crush niya dito?* *Huy Hope sino?* *Huy sabihin niyo sakin* Ang daming chismakers ha, dinaig pa si Boy Abunda.  Huhubells pero kinilig pako unexpectedly kasi diba yung basket sa last row yan dapat kunin. Pinasa nila ulit pababa, so ayun. Then tinetenta pa ako ni Mad kay di niya binigay so kinuha niya yung basket then sha nagabot sa kamay ko. Uulitin ko,  si Jis ang nagabot sakin. Kinuha ko ang na sa kamay niya, tapos ayun. Gosh. Hindi niya pa tininggal kamay niya and may tinginan portion pa kame, at medyo nagtouch yung hands namin. Umalis na ako. Umiwas, baka maobvious pa. Nag thank you pa ako tas tiningnan niya ako or maybe feeler lang ako. Kinilig talaga ako doon. Super.

EXAM WEEKS.

Day 1.

Inagaahan kong umuwi kasi sasama ako sa school bus baka maiwan pa ako. At for sure papagalitan ako ni Dada pag hindi ako nakasama, ayaw niya magsundo ehh kasi pagod daw. Pagdating sa bahay, hindi muna ako nagaral. Home alone nanaman kasi, baka andyan pa si Sadako sa side mo kaya tumambay ako sa labas. Labas lang naman ng pintuan, hindi ako lumalabas ng bahay ehh. Unless may bibilhin. Nako Lord! Tulungan niyo po ako sa subjects ko bukas. Nagluto nalang ako ng pang lunch, tapos di kalaunan nagluto na rin ng pang meryenda. Sarap ng life pag may Gasul! At ang takaw ko talaga, say whut? Daig ko pa ang The Biggest Loser. Haha. Tapos ayun, imbes na magaral nag facebook ako. Sinearch ko naman yung crush ko. Viola! May lumabas naman agad. Hahaha. Nako kahit ung forehead niya lang at buhok ang nakikita sa PP niya hindi ako magdadalawang isip na siya yun. So ayun clinick ko, waaaa. Ang gwapo niya talaga! So start dun, nagstastalk na ako. Wala namang mawawala kung hanggang sa facebook account niya pagmamasdan ko siya diba. Clinick ko naman yung add as friend, naks! Para kahit naman sa facebook, maging friends man lang  kame. Medyo annoying, kasi halos lahat ng posts niya about sa what the eff na Betta Fighting Fish. Mangingisda ba tong mokong na to? Or baka naman sa Feng Sui thing kasi Chinito siya, ayy ewan. Basta gwapo niya. Tiningnan ko lang yung mga pictures niya, kaso nga lang. Naka private. Chosera tong si koya, hindi public ang posts. So, inantay ko nalang na iaccept niya ako.

Day 2.

Lord tabang! Wala kasi ako nagaral. Jis, kasalanan mo to. Nagstalk ako sayo. Haha. Parang sinabi niya din sakin nuh? Hahaha. So ayun, haha. Bahala na ang Justice League! Bigyan niyo ng hustisya ang score ko please! So ayun, nagexam. Hindi ko na ikwekwento kung papano, kasi boring yan swear! First section kasi ako ehh. So bagot mode yung exams namin, mashadong quiet at syempre nagcoconcentrate lahat. Pagkatapos ng exam, malamang uuwi na ako. Hindi ako tulad ng iba na naglalamierda pa sa town noh, wala akong hilig diyan. Boring naman mag Game Zone, mag Audition Ph nalang ako sa bahay. So ayun, dumiretso ako sa back gate kasi dun yung parada ng School Bus. Pagkasakay ko sa bus, ayun nagsoundtrip nanaman yung mga kasama ko. May tv kasi at may sound system sa loob eh. Sossy much! Then, ayun may nagtext! Viola! Akala ko naman kung sino. 2123 lang pala. Yung four numbers ng facebook. "Juli Jis D. Santos" accepted your friend request. OMG! PWEDE BANG MAHIMATAY FOR FIVE SECONDS. Kailangan ko lang malaman if nagdadaydream ba ako or hinde! Lord, thank You! Pagdating ko sa bahay, nagfacebook lang ako malamang. Online si crush! OMG. Wala lang tinitingnan ko lang pangalan niya sa listahan ng mga online. Torpe nga diba? Alangan naman ichat ko. Good news! Pwede ko ng iopen ang mga pictures niya. Laking gulat ko nung malaman kong, sumeselfie talaga siya? Gosh. Meron siyang album na puro selfie niya. Ehh wala na. Nagreview ako saglit, tapos prinint ko lahat ng pictures niya. Hahaha. Daming ink ni ati, sa photo paper pa. Nagstalk na rin ako, lubusan na it. Kasi naman, etong si crush. Member pala ng something musical group dun sa city nila. Ang cute, so musikero rin siya. Damn it, we're so bagay. So not tao, you know guys? Feel me?

Day 3.

Kaya ko to, third day na ng exam. Nag review naman ako, so okay na to. Major subjects lang naman. H'wag kayo, choserang minor subjects namin. Mas nakakanosebleed pa kaysa sa major. After ng exam, ayun dumiretso na akong back gate. hindi ko na uulitin anong meron dun ha? Hahaha. Then habang naglalakad, nakasalubong ko si Muy, so ayun. Hahabells. May binigay siya saakin na paper na may number, itext ko raw kung di ko raw itetext kunin niya daw yung paper. So since napapandora ako, tinext ko rin. Half day lang kame so umuwi me by 12:30. Di ako mashadong nagcecellphone kasi nga may exam. So nagrereview akong magisa hanggang sa makatulog ako. Pag gising ko may 2 unread messages ako. Chineck ko naman baka si Mama. Pagopen ko.

2 unread messages from an unknown number

From: +639........4

Ahmmm... Hi.

From: +639........4

 Who u?

Sino naman kaya tong walang hiya na to? Mag hi tapos mag who you? Baliw ka ba kuya? Yung totoo, ate ka ba? Ayy ewan. Nakakairita.

Malamang unknown number so nag who you rin ako. Sabi niya pa ako raw ang unang nagtext. Okay. Atfirst naimbyerna ako. Pero tiningnan ko sa paper. Oops yun pala yung number na to. Hahabells pahiya pa for five seconds. So ayun, nagpakilala me. Then tinext ko pa si Muy kasi mukhang suplado o suplada ba. Malay ko ba kung lalake siya. Sabi niya pa basta daw magreply lang so ayun, nagreply lang din talaga ako. Tapos ayun, nagpakilala siya. Ang haba haba ng message niya.

From: +639........4

Ah,. Ako nga pala si Juli Jis Santos. You can call me Jis, Jj, or Prince. Ikaw na bahala. :)

Laking gulat ko sa pangalan niya. OMG. YUNG CRUSH KO PALA TO. SUPER SAYA KO TALAGA.  Nagharlem shake yung heart ko that time. Hindi ko talaga alam kung anong irereply ko, super. Thank you so much Muy muy muy. I love youuuuuuu! Napasigaw pa nga talaga ako sa kwarto. Haha :) Sige lang sige lang. Pasensha. Kilig talaga ako. You know na. Then ayun, sabi niya pa talaga. Next time nalang daw kame magtext kasi daw nagastudy daw sha.

From: +639........4

Next time nalang tayo text uh? I'm reviewing for our exam tomorrow.

From: +639........4

Hope it's okay with you? :-)

To: +639........4

Sorry late. Yeah sure. We're both reviewing. ;)

From: +639........4

Ok.., ingat. ;-)

Kindatan ba naman ako sa text? Gusto mo ba akong maburol ng wala sa oras? Dalaw ka sa lamay ko beh ha? Pero seryoso, di ako makaconcentrate kasi super kilig na ako. Gagz. Inglisero yung gago. Keber may nalalaman pa siyang hope it's okay with you. Lang hiya! Hindi halatang hetero section siya. Ang gwapo niya parin kahit sa text. Kahit di ko kita feslak niya.

__

Last day na ata yun ng exams namin nung gumamit ako ng phone. Nag GM ako ng "Hi" tapos di ko alam nasali ko pala siya sa groups since nagloloko yung phone ko. Nag reply sha ng "Yes?" seryoso natakot me doon. Pero ayun, mahaba convo namin that time. Nagjoke pa daw siya. Labas raw ako, andun daw siya sa labas. Tae, ang corny niya talaga magjoke. Tanga rin ako. Wow, alam niyo bang lumabas rin ako? Nag Brb siya mga 8, kasi raw. Kakain raw muna siya. Tapos sabi ko ok, then tinext niya ako ulit after 2 minutes kasi daw. Hindi pa raw luto ang kanin. Hahaha! Bibili pa raw siya ng BBQ, solved na raw siya. Mga 8:45 or 9:00 p.m na natapos. Cute talaga. Sabi niya pa, nakakagutom raw makipagtext. Bale, nagegetting to know each other kame dun. Then ayun, sakto talaga. Gusto ko na matulog tapos siya daw rin expired na. Next time raw ulit. ☺ ♥

Diary ni Hopia: JuniorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon