Chapter 11

35 1 0
                                    

February.

Uyy, araw na ng mga puso. Aminin mapupuno nanaman ng bitterness ang mga single. Pero h'wag niyo ako isama diyan. Bukod sa may ka- MU ako. Sapat na saakin makita ang ngiti ni Jj sa Valentine's! Hindi ako malandi uhh. Si Jj lang talaga gusto ko.  SIYA LANG. Masakit ba talaga ang walang boyfriend or girlfriend sa araw ng mga puso? Gosh. Kikitid naman ng mga budhi niyo.

February 04, 2014.


May sasabihin daw si ka MU. Hay nako. Kinakabahan nanaman ako, malay niyo. Sasabhin niya na may iba na siya. Hindi niya na ako gusto kasi pangit ako. Maliit na nga negra pa.  Tapos hindi man lang kame nagkita this day, huhu. Pero nagsmile smile effect lang kame. Baka kinakabahan. Ano ba kasing sasabihin niya? Corny naman netong loko oh. Pagka gabi, nagtext siya. "Hindi ko nasabi sayo. nahihiya kasi ako eh. Bukas sasabihin ko na talaga sayo babe." Wows! Babe daw. 


February 05, 2014.

Normal day. Dami namang dapat isulat. Kakainis. Pagpasok ko sa room, Geometry may transfer task. Pero easy naman eh, medyo matalino ako dito. Nung lunch time na, siyempre lumamon na ako't bumalik sa room. Tumambay kame sa cr, may mirror kasi at may tubig. Mainit kaya gusto ko maligo. So hugas lang ako ng hugas ng mukha. Paglabas namin ng barkada, sinalubong ako ni Ranz tapos nasa likod niya si Someone. Ano nanaman kaya tong sasabihin niya. Hay nako. Tinanong ko kay Ranz kung ano ba talaga ang sasabihin netong si Josh. Tapos biglang nagaapura si Someone, "Wait, ihing ihi na ako." So ayun, umihi muna siya. Medyo awkward. Sabi ni Ranz dapat daw si Josh talaga magsabi. Kinabahan tuloy ako. Kakainis naman paglabas ni Someone tumayo siya sa side ko. Puta ang tangkad. Pinapatay na ako ng hiya. 5'11 siya ako naman 4'9. Anong sabe ng nuno at kapre?  Tumayo lang kame dun. Hindi niya parin nasasabi. What the f**k. Ang tagal na namin tumatayo dun. Siya yun parang baliw. Sigaw dito. Takip mukha doon. Punta sa side. Punta saakin. Hanggang sa nainis na ako. Umakyat ako sa room dahil nagaaksaya siya ng oras. Then umakyat din siya, sunundan ako. Inutos kasi ni Franz. Ano ba naman tong dramang nagaganap dito? Ang boring. Please naman. Tapos ayun, sabi ko. "Ano ba talagang sasabihin mo ha?" "Hope" "Ano nga? -______-" *Hawak kamay ko* Tang ina ang lamig ng kamay niya. Patay na ba to? "Pwede ba kitang maging girlfriend?" Hindi muna ako sumagot. Lang hiya yun lang pala. Pinatagal niya pa. Hindi ako sumagot at nanlaki mga mata ko. Hindi ko kasi alam kung niloloko niya lang ako o kung talagang seryoso siya saakin. Kaya ayun, sabi nila sagutin ko na daw ng oo or hindi. Sabi niya pa, kinakabahan daw siya dahil baka negative ang answer ko. So sinuntok ko nalang braso niya sabay sabing "Oo na" kaya ayun. Kame na nga. Hindi ko alam kung official ba yun or ano. Bahala na nga! Parang wala lang saakin. 

Pagkauwi ko, chinat ko siya. Sabi ko, oyy. Tayo na? @@ Ang bilis naman. One month lang naging MU. Sabi niya oo daw kasi nag oo naman daw ako. Oo nga ang tanga ko talaga! Tapos ayun, nagdrama muna ako. Sinabi ko na h'wag niya yung itake for granted.

Hindi ko alam kung anong ginawa ko. Kung tama ba yun o mali. Siguro sinagot ko lang siya kasi gusto ko maging close kay Jj. Oo, desperada kung desperada. Pero ewan, let it be na lang.

Diary ni Hopia: JuniorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon