2- Maria Mayumi Gracia Labiosa.

19 1 0
                                    

Maria Mayumi Gracia Labiosa (p.o.v)

"Hoy Graaaassyyya!! Kapag Hindi ka pa lumabas diyan sa kwarto mo, makikita mo, pakakainin kita ng bubog. Bumangon ka na diyan at magluto ka na. Papasok na ako sa trabaho wala pa akong makain. Aba! Hindi kita pinapalamun dito para lang gumising anomang oras ang gusto mo!!! Grraaaasyang!!!!" Malakas na Boses ni ante habang kinakatok ang pinto ng kwarto ko.

Tsss. Umagang umaga, nag almusal na naman ako ng mala armalite na bunganga ni ante.

Lagi na lang.
Sa araw araw ba naman na ginawa ng Diyos ang umaga, eto ang almusal ko.

Ang mga salita ni ante na kahit ang asong may galis, Hindi kakainin.

Eh anong magagawa ko? Dakilang tsimay ang beauty ko. Take note, buti pa ang tsimay at may day off. Protektado pa laban sa pang aapi ng mga amo. Eh kaso, iba ang kinasadlakan Kong putik.

Putik talaga.
Putik na buhay to oo.

Oh siya nga pala, ako si Maria Mayumi Gracia Labiosa.
Yung pangalan ko, pang mahinhin nuh? Pero kabaligtaran nun sa ugali ko. Kung ang pangalan ko, akala mo di makabasag pinggan, ako naman, halos araw araw nakakabasag ng pinggan. Galawgaw kasi ako sabi ni ante.
Kaya ayon, madalas din akong may pingot sa kanya.

Dalaga na ako, pero suki pa din ako ng pingot 😭😭
Masakit kaya. Kahit try mo😛😛.

Minsan din, gusto Kong hukayin sa libingan ang nanay Kong nagbigay ng pangalan sa akin. Kaso wag na lang. Baka buto pa nakita ko.
Namatay kasi si nanay nung grade six pa lang ako. Nagkasakit siya sa baga, Hindi naipagamot kaya ayun, natege. Yan ang dahilan kung bakit dakilang tsimay ang bagsak ko sa bahay ni ante.

OK lang. Ang mahalaga, may bahay akong matutuluyan. May kanin akong masisikot sa refrigerator, at syempre, may kama akong matutulugan.

Kahit araw araw akong kumain ng sermon.

OKs na OKs lang.😂

Magmo-moment pa sana ako kaso narinig ko na naman bunganga ni ante.

"Tarages ka talagang Grasya. Sa lahat ng grasya ikaw ang disgrasya! Ikaw ba talaga ay Hindi kikilos diyan. Bumangon ka na at magluto kung Hindi bubuhusan kita ng tubing diyan." Nanggagalaiting sigaw ni ante sabay katok ng malakas sa pinto.

I rolled my eyes in frustration. What a nice way to start my day.

"Lalabas na ako ante." Mahinang saad ko. Alam ko,narinig niya iyon. Lakas ba naman ng radar nun.

"Aba dapat lang. Kapag Hindi ka kikilos diyan Hindi kita bibigyan ng baon mo sa school. At kapag sinaniban ako ng kademonyuhan, Hindi na kita papapasukin!" Singhal nito mula sa labas.

The Adventures Of TROPANG Eng-Eng❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon