first day of Regular class:)

20 0 1
                                    

MARIA MAYUMI's POV

Anak ng kalbong Bungal!! sa wakas, nahanap ko din ang pesteng room na ito. Grabe ha? Ang hirap hanapin Ang kwartong to! o sadyang shunga shunga lang talaga ako? Humpppp!!!

Pagkapasok ko, bumungad sa aking paningin ang mukha ng mga kapwa ko estudyante.and wow! gulay! Ang daming gwapo!!!!!! grabe!! makakasama ko ang mga nilalang na ito? Woww!!!! Buhay na buhay ang dugo ko nito :) wahihihih ..

Dumako ang matang ko na hugis puso na dahil ang daming papa:) sa bandang unahan kung saan may kumpol ng mga naggagandahang lalaki:) 'Napansin ko na nasa akin ang kanilang atensiyon at tila pinagbubulungan ako.

'baka pinaguusapan kung gaano ako kaganda?!!! wahahaha 

"Hi mga Classmates!!" bati ko sa kanila habang kumakaway. oh diba? feeling close? okey na iyon para makagain ako ng new friends. diba? 

Napangiwi ako ng sabay sabay na nagsalita ang grupo ng mga ckika babes na nasa gilid. lima sila at medyo malapit sa pwesto nung grupo ng mga papabels.

"dahhhh?!!!" they said in unison.

oh diba? friendly sila? i just smiled at them at sabay sabay pa silang umirap at umingos. 'Hajha.. ke gagandang mga nilalang pero ..... hahah..

uupo sana ako sa third row pero kinalabit ako ng isang 'Holly kalabaw, ke gandang lalaki'

Nakangiti siya sa akin at feeling ko, yung puso ko parang bola na tatalbog talbog!

lab dab. lab dub lab dub lab dub!!!!!!

ang tamis ng pagkakangiti niya.

 Siguro type ako nito.. Waaahhhh!!! taragis kang Grasya ka!!! eto na!!! eto na ang lovelife na pinapanalangin mo sa lahat ng santo sa bahay !!!! waaah....

Naputol ang pagpapantasya ko ng bahagya niyang hinila ang dulo ng buhok .

"hoy babae, Kung makanganga ka diyan, para kang asong nakakita ng buto! hay! Dont tell me, pati ikaw napeke ng kagwapohan ko ha? Naku,I tell youi girl, di tayo talo! mas maganda ako sayo!" wika niya na ikinabilog ng mga mata ko. Yung puso ko na kaninang hugis puso, naningkit at napalitan ng hugis hectagon.

"Ay tarages ka!! pinatay mo ang pag asa ko"

"what?" maarteng sagot niya.

'peste! akala ko siya na ang lovelife ko. putchang buntis, mukhang makakaribal ko pa ata to sa pagharbat ng papa.. huhuhu :( sayang kang nilalang ka!!!!! '

napakislot ako ng pumitik siya sa ere at ang seste, with grace pa. "Any way. halika at ipapakilala kita sa mga kasama ko dahil sila lang naman ang matino sa block natin" saad niya at hinila ako ng hindi man lang ako nakabawi mula sa aking pagmumuni muni.

Nagulat ako ng makita ko ang isa sa mga kasamang sinasabi ng poging baklang hila hila ako. Walang iba kung hindi yung magandang babae na nakabungguan ko sa hallway. 

"waaah!!!! Anak ka ng nanay mo! Dito ka rin pala? Waaah... sana sumabay na ako sayo,, huhuhu . Kung alam ko lang na dito ka din, eh di sana may kasama akong hilong talilong sa paghahanap ng room na ito. huhuhuh . Ang daya mo, Di mo ako nainform. HEhehe"

"Magkakilala kayo?" sabay sabay na tanong ng tatlong babae na kasama nitong poging shukla kong kasama.

'tsss. uso ba ang sabayabg pagbigkas sa room na ito? grabeng talent to ha'

"|Nope! nagkasalubong lang kami sa hallway kanina!" saad ni ...Teka? ano na ulit ang pangalan ng magandang babaeng to? huhmm Eyang? Ekang? ay mali... pangalan pala yun ng mga alaga kong daga sa kwarto ko.. Huhmmm.. ano na ul;it yun?

The Adventures Of TROPANG Eng-Eng❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon