7-First encounter

9 3 0
                                    

Narrator's  POV .

Hindi mapigilan ni Maria Mayumi Gracia ang mapanganga pagkakita sa university  na kanyang papasukan.

Pagkababa pa lang, hanggang ngayon, nakabuka pa rin iyon.

"Grave! Ang laki namang school to. I can't believe it na dito ako mag aaral."  She murmured while roaming around the area.

Napansin niya kung paano siya tignan ng mga studyanteng nadadaanan niya sa may hallway ng university.

"Gosh! Look at that freshman. Is it obvious that she lookS so cheap"

"You got it right girl. In fact, she's one of the commoners na napadpad dito sa university natin"

"Yuck. Sinisira lang ng mga poor na iyon ang prestigious image ng ating school. Dapat kasi, Hindi pinayagan ni Dean na makapasok sa university ang mga poor students.. It's like ewwy to the next level."

Lahat ng iyon ay Hindi nakaligtas sa pandinig ni Maria Mayumi Gracia na sobrang talas kaya kahit ilang metro ang kayo sa kanya, dinig niya.

Nagkibit balikat na lang siya at bali-walang nilagpasan ang mapanuring mga tingin nila.

"Dah'! Ang aarte niyo. Mayaman lang kayo pero mas maganda ako sa inyo. Pwe. Ipahabol ko kayo sa alagang Doberman ni ante, tignan ko lang kung makaarte pa kayo. Hump." Ingos niya at nagpatuloy sa paglalakad.

Hindi siya tumitingin sa kanyang dinadaanan kaya halos mawalan siya ng timbang ng biglang.....

KABLLLAAAGgGGG!

Kasabay ng malakas na tunog na iyon ay ang pagbagsak ng mga gamit ng kanyang nabunggo.

"Ouch. Anak ng kalbong panot, muntik na akong matumba dun ah". Singhal niya sa babaeng nakayuko at Isa isang pinupulot ang mga nahulog na libro.

" ay.. Anak naman ng Nanay mo. Sorry Girl ah. Hindi ko sinasadya. Hindi kasi ako tumitingin sa dinadaanan. Paano kasi, badtrip ako sa mga maarteng nadaanan ko sa hallway." Natatarantang saad niya at tinulungan ito sa pagpulot ng kanyang mga gamit.

Narinig niyang humagikgik ang babae sinipat niya ito ng tingin at nagulat siya ng mabistahang mabuti ang itsura nito.

😱
Sa kabila kasi ng medyo malaman nito ng katawan, Hindi maikakaila na maganda ito.
Maliit man, pero hugis puso ang mukha nito na binagayan ng makinis na kutis magmula sa mukha hanggang paa.

Simple lang ang kasuotan nitong plain shirts at Cardigan pero mahahalata sa pagdala nito na Hindi ito basta basta.

"Grabe. Ang ganda mo naman." Hindi niya napigilan sambulat  habang inaabot dito ang huling libro na napulot niya.

The Adventures Of TROPANG Eng-Eng❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon