Prologue.

12.4K 71 20
                                    

FORMERLY: TRUE LOVE 

Thanks to @misshpaawt for the awesome cover :*

Ang portrayers ni Kent at Rain ay KathNiel :) Then yung ibang names, kayo na bahala XD

Enjoooyyy :) --xxBesseyah

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

PROLOGUE.

"Rain, tulungan mo akong hanapin siya. Ikaw lang ang makatutulong sakin. Kailangan mong baguhin ang lahat sayo. Kung pwede lang magparetoke, magparetoke ka! Basta hindi ka niya dapat makilala bilang si Rain Alonzo."

"Pero bakit po?!"

"Basta. Rain, tulungan mo ako. Hanapin mo siya. Hanapin mo siya..."

Wala na akong choice kundi sundin si mama. Naaawa din ako sa kanya. Pero sa dinami dami banaman nang tao sa mundo, pano ko naman 'to mahahanap?! Hay! Bahala na nga! 

 ----

“Nasan ba ‘tong si Rain?! Papatayin niya ba tayo kahahanap sa kanya?! Aba! Napaka loka talaga ng babaeng yan!” Sabi ng napakaganda kong kaibigan na si Shaina.

 

 

“Tsk! Pagod na ako! Pumasok pa man din ako ng maaga para makausap siya! Anong oras na quarter to 8 na! At ang first class natin ay 8:30 pero hindi pa rin natin siya nakikita!” Yan naman si Patty. Grabe, wag kang lalapit kung gwapo ka. Nangangain yan ng gwapo.

 

 

“Yeah right.” Si cess yan. Pinakatahimik. Akala mo lang yun. Pag nakasama mo na siya, ipagdadasal mo n asana forever na lang siyang tahimik.

 

“Bwaahaha—“ Ooops, ano ba Rain! Sayang effort mo kung maririnig ka lang nila.

 

“Naku! Humanda ka talagang Rain ka pag nakita ka namin! Babalatan ka namin gamit ang nailcutter! Humanda kaaa!” Patty.

 

 

“Bakit kasi di niya agad binalik yung ballpen ko kahapon! Edi sana may gagamitin ako mamaya at hindi na natin siya kailangang hanapin pa!” Shai.

 

 

“Leche kasi yang Ballpen mo Shai! Bakit mo pinahiram ang kaisa isa mong HBW na ballpen!?” Patty.

Searching YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon