Chapter 4

1.5K 59 0
                                    

ISANG toyota 86 ang mabilis na nag-overtake sa'min. Mahigpit na napakapit ako sa laylayan ng polo ni Lex. Kanina pa nagsisikip ang dibdib ko. Nagsisisi ako sa ginawa ko ngunit wala akong sapat na lakas para supilin ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Ayoko na nakikita siyang ganoon. Alam kong nasaktan ko si Kristina dahil nakikita ko sa mga mata niya kanina kung paano niya ako tinignan papalayo sa kanya. I can't be with her. Not now. Kahit ganoon na lamang ang pagnanais na mayakap ko siya kanina. Natatakot lang ako na baka makahalata si Lex sa'kin- sa aming dalawa. Hindi imposible 'yon dahil base sa mga ikinikilos ni Kristina kanina, makikita iyon sa mga mata ng dalaga. No doubt. Mahal na mahal niya ako. Pero, sinaktan ko lang siya. I'm so stupid!

Pero wala akong choice kundi ang iwan siya at sumama kay Lex. Ayokong magtaka ang binata sa biglaang paglalapit naming dalawa ni Tina. Hangga't maaari ay iwasan ko ang mga bagay na magpapahamak sa'min o makakasira sa amin dalawa.  Alam ko kung ano ang magiging epekto kapag nalaman ng lahat ang pag-iibigan namin ni Kristina at iyon ang ikinatatakot kong mangyari.

                      

              

INSAKTONG alas-dos, nakarating kami ni Lex sa school. Mabilis kong sinukbit ang backpack ko sa likod at bumaba sa motor.

"Mauna kana. Papark ko lang 'to." Si Lex at pinasibad papuntang parking lot. 

Hindi ko na hinintay si Lex dahil dumiretso na ako sa cr para ayusin ang sarili. Naglagay na rin ako ng polbo at manipis na lipstick.

Saktong paglabas ko ay may mabunggo ako. Ewan, suki yata ako ngayon sa bungguan. At ang nakakagulat pa ay siya ulit 'yong nakabanggaan ko kanina.

Natigilan ako at alangin na humingi ng "sorry" sa kanya. Blanko lang niya akong tinignan direkta sa mga mata ko. Ngunit, may kakaiba sa mga mata nito.

"I'm glad I found you." Pukaw niya sa pagkatulala ko. Hinawakan niya ang mukha ko kasabay ng paghawi ng iilang hibla ng buhok ko sa likod ng tenga ko. Nakaramdam ako ng pagkailang dahil sa ginawa nito.

"A-Alis na 'ko."

Bigla akong natataranta. Narinig ko rin ang pagtawag ni Lex sa pangalan ko kaya mabilis akong lumayo dito. "Tara na!" Hindi na rin ako nagprotesta pa ng hawakan ni Lex ang kamay ko at hinila papalayo.

"Sino 'yon?" Tanong nito bago pa namin marating ang room. Magka-klase kami sa subject na 'to. Philosophy.   

"Ha?" Dahil lutang pa rin ang utak ko. Wala sa atensyon niya ang isip ko.     

 
"Yong lalaki kanina. Sino 'yon?" Nakapasok na kami sa room. Halos kasabay na rin namin si Prof kaya hindi kaagad ako nakasagot kay Lex.

"I don't know him." As I mouthed. Sapat na marinig din niya.  Kumunot-noo lang ito ngunit di na rin nagtanong pa.

Natapos ang klase na wala pa rin ako sa sarili. Naiisip ko kung paano ko makikita si Kristina at gusto kong makausap siya ng masinsinan. Sana okay lang ang dalaga. At sana... hindi siya galit dahil sa ginawa ko kanina.

÷÷÷÷÷÷



Kristina



"FASTER Miho!" Sinipa ko ng malakas si Miho, ang kabayong sinasakyan ko. Paikot-ikot kami sa malawak na plantasyon ng mangga. Kanina ko pa pinapatakbo si Miho at katulad ko, wala rin siyang balak na magpahinga.

Wala akong ibang gustong gawin ngayon kundi ang maalis ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Bakit ganoon? Kahit nasa malapit lang si Ally sa'kin pero pakiramdam ko, napakalayo niya sa'kin. Naiintindihan ko siya. Alam kong hindi pa siya handa sa ganito. At handa akong maghintay kung kailan magiging handa siya. Ayokong i-pressure siya sa ngayon.

Runaway with me Gorgeous [Book 2]  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon