Chapter 20

661 25 7
                                    

"YEAH. Maybe you're right, Tita. But still, you forgot to tell the most exciting part of the story is that they fell inlove with each other," biglang pagsasalita nang nasa likuran. Bigla ay lumundag ang puso nang makilala ang may-ari ng boses na iyon. Kristina? Gulat na nagbaling kami ng tingin sa bukana ng pintuan. "Hi, lo. Sorry, I'm late." Nakangiting lumapit ito sa matandang don at binigyang halik sa pisngi.


"Kristina! Apo!" Tuwang-tuwa naman itong sinalubong ng yakap ni Don Emanuel. "Buti at nakarating ka."

"Of course, Lo. Well in fact, Chelsea's with me," anang dalaga at panandaliang inilibot nito ang tingin sa paligid, isa-isa sa mga mukhang nakaupo sa hapag-kainan, dahan-dahan hanggang sa nagkasalubong ang aming mga titig. Napalunok na nanatiling nakapukol lamang ang mga mata ko sa kanya. She's here... Ramdam ko ang pagrarambulan na tila may mga daga sa kaliwang bahagi ng dibdib ko.

"That's great! Where is she?" Bahagya pang sinuri ng Don ang likuran ng apo nito sukat at nagkuha ito ng tingin sa matanda.

"Silly. Nasa hotel siya ngayon. Don't worry, dadalhin ko siya dito bukas para ipakilala ko po sa inyo," kumindat at malapad itong ngumiti. Chelsea? Napahigit ko naman ang paghinga. Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy nito ngunit batid ko ang kasiyahan sa boses nito mula nang banggitin niya ang pangalang iyon. Malamang na malapit sa puso iyon ng dalaga. Ginigiit rin ng utak ko na baka isa iyon sa mga pinagkakaabalahan nito sa mga nakalipas na dalawang linggo kaya hindi na ito nagpakita pa. Baka may nakilala na itong iba at bagong mamahalin. Pero bakit ang bilis naman yata? Ramdam ko ang unti-unting pag-iinit ng mga mata ko sa kaisipang iyon. Naninikip at parang pinupunit ang puso ko sa mga oras na 'to.

"I can't wait, apo," may galak na turan ng don dito. Nakakatampo. Mukhang botong-boto pa ang don para sa Chelsea na yon.

Nagngingitngit man ang kalooban ay napainom na lamang ako ng tubig nang maramdaman ang mapanuring tingin nila Inay at Itay sa direksyon ko. Matagal ko na ring sinabi sa mga ito na pinutol ko na ang kung anumang ugnayan namin ni Kristina. Isa sa mga dahilan kung bakit ay dahil iyon na rin ang kahilingan ng Itay. Kaya ayokong makahalata sila na naaapektuhan pa rin ako sa tuwing nasa paligid ko ang isa sa mga anak ng mag-asawang Suigero.

Tahimik at kapansin-pansin ang di maipaliwanag na namumuong tensyon sa may hapag-kainan. Tanging ang don at ang apo lamang nito ang maririnig. Mukhang pati ang don ay nakalimutan na rin na hindi sila nag-iisa sa naturang hapag-kainan na iyon. Simula kanina ay ngayon ko lang din napapansin na tila sumigla ang matanda simula nang dumating ang isang apo nito. Kahit papaano ay may tuwa sa puso ko sa kaalamang malapit pala ang don sa dalaga.

Kung hindi ako nagkakamali, malinaw pa rin sa pandinig ko ang mga salitang unang binitawan nito kanina. Anong ibig-sabihin nito? May alam ba siya sa mga nangyayari noon?

"Come. Have a sit, apo. I'm sure, nagugutom kana--"

"No, lo. Kumain na kami ni Chelsea sa labas," magalang nitong sabi. Muli ay may kung anong bagay ang tumusok sa dibdib ko. "I'm tired. Papahinga lang po ako," paalam nito sa Don.

Ni hindi man lang nito nagawang batiin o sulyapan ang mga magulang nito maski sa direksyon ko bago ito umalis. Inaamin ko, masakit rin palang balewalain. Wala akong karapatang magreklamo dahil unang-una palang ako ang tumapos sa relasyon naming dalawa. Masakit pero titiisin ko hanggang sa mawala at hindi ko na mararamdaman ito.

Napapailing na lamang na sinundan ni Don Emanuel ang apo nito samantalang nagtatagis at halatang hindi ikinatuwa naman ni Senior Esmael ang kabastosang ginawa ng isang anak.

Tumayo ang senior at aktong susundan na sana nito ang anak ngunit maagap na napahawak ang seniora sa katipan.

"Kakausapin ko lang yang antipatikang anak mo," matigas na pagkakasabi ng senior.

"Esmael, nakakahiya. May mga bisita tayo. Mas mainam na ipagpapabukas mo na muna yan." may pag-aalalang sinabi ng seniora.

"Tama ka. Ngunit, nakikita mo naman kung ano ang ginawa ng anak mo. Nakakahiya! Kahit kailan, wala talagang magandang ginawa yang anak mo!" Mahina subalit mariing utas ng katipan nito. Humugot ito ng malalim na hininga. Pilit kinakalma ang sarili. "I shouldn't let her in into this house," naiiling na ika ng senior.

Samantalang, tahimik at tila parang nabibingi ako sa mga salitang binitawan nito. May kung anong kirot akong naramdaman para sa dalaga. Siguro nga may di pagkakaunawaan ang mga ito sa isa't-isa subalit hindi sapat na dahilan iyon na para bang ipagtaboyan nila ito na tila hindi kadugo.

"Esmael!" Saway ng katipan nito. "P-Pasensya na kayo. Siguro ay pagod lang talaga si Kristina kaya't nasasabi niya ang mga bagay na yon. Kadarating lang niya mula Baguio for... I don't know for vacation I guess?" Natatawang saad na lamang nito. May pang-unawang tumango na lamang ang Inay para sa mag-asawa.

"You don't know my family, Ally. Hindi mo pa kilala ang pamilya ko. Whatever happens. Will you trust me? " Feeling ko, parang may nakadagan sa dibdib ko nang umuslit sa alaala ko ang mga sinabing iyon ni Kristina. Iyon ang araw kung kailan naging kami, yong araw na pinipigilan ko itong wag umalis. Yong araw kung kailan wala kaming ibang iniisip kundi ang aming mga sarili lamang. Yon yong araw na ang saya-saya naming dalawa. Nakakamiss rin pala.

"Hija? Are you okay?" Narinig kong ika ng seniora. Kaagad napabaling sa mga ito ang tingin ko. Napahawak rin si Inay sa mga kamay ko.

"O-Okay lang ho ako, Seniora."

"Mama. Tawagin mo akong mama, Hija. Sooner ay magiging pamilya na lang rin naman tayo," nakangiting sinabi nito at makahulugang nagbaling ng tingin sa anak na binata. Animo'y may nakabikig sa lalamunan ko na tumango na lamang sa mga ito.

Tatlong araw na ang nakalilipas mula nung gabing pumunta kami sa mansyon. Hanggang ngayon ay hindi pa rin maalis sa isip ko kung sino nga ba ang Chelsea na'to sa buhay ng dalaga na laging bukambibig nito nang gabing iyon.

May parte sa puso ko ang gustong alamin ang bagay na iyon ngunit tinatalo ako ng takot at matinding hiya. Nakakainis. Ginagawa ko naman ang lahat maalis ko lang sa isipan ko ang dalawang yon ngunit bigo pa rin ako.

Nakakapagod.

Para na akong mababaliw kakaisip kung sino nga ba sa buhay ni Kristina ang babaeng yon. Kung bakit ang lapit-lapit ng mga ito sa isa't-isa? Kailan, paano at saan ba sila nagkita o nagkakilala? Ang daming katanungan sa isip ko nang mga oras na to. Nakakapang-init ng ulo. Idagdag pa na sobrang sweet ng dalawa. Talo pa ang mag-asawa kung maglampungan. Di man lang nahiya at sa harap pa talaga ng maraming tao.

Dala ng pagkainis ay padabog kong ibinaba ang dalang bilao sa ibabaw ng mesa. Nasa ilalim kami ngayo ng mangga kung saan pansamantalang nagpapahinga ang iilang mga tauhan ng hacienda.

"Anyare sayo? Abot hanggang lupa na yang nguso mo," si Rina. Kasabayan ko ito patungo sa pick up na dala-dala ni Itay. Nasa likod kasi nakalagay ang iilang pagkaing pinapaluto ng butihing don para sa mga tauhan nito. 

"Wala!" Inis kong nilagpasan ito at minabuting ituon na lamang ang buong atensyon sa ginagawa.

"Parang alam ko na kung bakit sandabakol yang mukha mo. Nagseselos kaba?" Taas-kilay nitong tanong na ikinatigil ko. Masama ang mga tinging nilingon ko ito.

"Selos? Ako? Ba't naman ako magseselos?" labas sa ilong kong turan dito't pinameywangan ito.

"Aba'y ewan? Ikaw lang ang nakakaalam dyan!" Turo nito sa kaliwang dibdib ko. "Pero ang ganda-ganda ni Chelsea, noh? Matangkad. Mistesa. Bagay sila," mapanuyang ika nito at naunang maglakad. Napatagis ang mga bagang na pinilit ko nalang wag pagtuunan ng pansin ang mga narinig.

She's right.

Grabe, ang sakit!





Runaway with me Gorgeous [Book 2]  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon