Chapter 5

1.4K 59 0
                                    

Ally



HAWAK ngayon ni Kristina ang kamay ko. Kinakabahan ako sa ikinikilos niya. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Alam kong may kasamaan ang ugali niya pero ibang-iba ang ipinapakita niya sa'kin ngayon. Gustuhin ko mang pakalmahin siya pero natatakot ako dahil sa galit na nababasa ko sa mga mata niya.                                                           

"Kristina... huminahon ka muna." Alam kong wala ako sa posisyon para pagsabihan ko siya ng ganito. Isa lamang ako sa mga tauhan nila. Pero ayokong pagsimulan ng gulo ito.  Naguguluhan ako kung bakit siya nagkakaganito. Although, ikinapagtataka ko pa rin kung bakit naparito kami kasama ang mga magulang ko.

Kakalabas ko lang sa eskwelahan kanina ng makita ko sa labas ng gate ang pulang pick-up ni Don Emanuel. Si Itay ang nakita ko sa loob. Hinatid niya ako sa bahay at sabing kailangan daw namin pumunta sa mansyon. Wala rin sinabi si Itay maliban sa pagbibisita namin at sa naghihintay na si Inay. Inaasahan ko rin na makikita ko si Kristina pagdating ko subalit hindi ko siya makita sa loob ng mansyon. Narinig ko nalang sa mga katulong tungkol sa pangangabayo nito sa hacienda. At hindi ko inaasahan na mangyayari 'to.    

May sakit na dumaan sa mga mata niya at parang tinutusok ang puso ko sa nakikita. Hindi ko pa siya gaanong nakikilala at handa akong kilalanin siya ng husto hindi dahil sa ipinapakita niya ngayon kundi sa mahal ko siya at iyon ang ninanais ng puso ko. Ang kilalanin ang babaeng minamahal ko. And now, she's hurt. At wala akong ibang magawa kundi ang tingnan siya. And it makes me feel worthless. Dahil wala man lang akong ginawa sa mga oras na 'to.

Ngunit, dagling napalitan iyon ng galit ng magsalita si Senior Esmael.

"Tigil-tigilan mo na 'to, Kristina. Kapag ipinagpatuloy mo ang kahibangan na 'to. Kakalimutan kong anak kita." Napalaki ang mga mata ko. At may takot na tinignan si Kristina. Ganoon pa rin ang ekspresyon ng mukha niya, hindi takot kundi pagkamuhi at galit. Ramdam ko ang mahigpit niyang kamay na nakahawak sa'kin.

Tumingin si Kristina sa'kin. Nasasaktan ako sa namalas ko ngayon. Pinipiga ang puso ko sa sobrang sakit. Ayokong nakikita siyang nasasaktan. Pero wala akong sapat na lakas para pawiin ang sakit na nararamdaman niya ngayon. Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit at sa ganoong paraan ay maibsan man lang ang sakit. Subalit, hindi ko magagawa iyon. Dahil natatakot ako.

Tumayo si Seniora Ceilo. Nakikiusap sa dalaga na sundin ang ama nito. Ngunit balewala lamang iyon kay Kristina.

Sinubukan kong pakiusapan siya ngunit biglang naging slow motion ang lahat sa paningin ko ng hilahin ako ni Kristina paalis sa lugar na iyon.  Hindi ko inaasahan na gagawin niya ito at suwayin si Senior Esmael. Tila apoy na sumiklab sa puso ko ang labis na takot sa maaaring mangyari sa kanya- o sa aming dalawa. Narinig ko pa ang malakas na pagsigaw ni Senior Esmael sa pangalan ng dalaga. Alanganin akong sumunod sa kanya o lingunin ang mga ito. Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Gusto ko lang ay matigil ito at maging maayos ang lahat. Kailangan niyang balikan ang mga ito at humingi ng tawad.    

"T-Tina, sandali."

Maagap kong pinigilan siya. Nahinto kami ilang metro ang layo mula sa pintuan. Nagtatanong ang mga mata niya. Umiling ako bilang pagsagot.

"Balikan mo sila. 'Wag mong gawin 'to, Kristina. Mas lalo lamang silang magagalit kapag ipinagpatuloy mo ito." Sa huling pagkakataon ay pakiusap ko sa kanya. Ramdam ko ang mga likido na lumalabas sa mga mata ko. Ayokong magalit sa kanya ang mga magulang niya.

Napakunot-noo na tinignan niya lang ako. Wala akong mabasa sa mga mata niya.

"Wag mo silang pakinggan, Ally. C'mon. Let's get the hell outta here." Determinado talaga siyang umalis. Naguguluhan ako sa mga ikinikilos niya. Bakit ba niya ginagawa ito?

Runaway with me Gorgeous [Book 2]  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon