Ally
Isa'-isang nagsilabasan ang mga studyante sa classrooms. Habang iniisa-isang nililigpit ko naman ang mga gamit ko at nilagay ko ang mga ito sa bag.
Nagpakawala ako ng hangin ng maalalang wala na pala akong makakasama sa pagkain ngayon. Tanging si Rina lamang ang lagi kong kasama lalo na dito sa school. Siya lamang ang maituturing kong tunay na kaibigan although may mga kaibigan naman ako dito pero iba talaga kapag totoong kaibigan ang nakakasama. Alam kong nagtatampo lang ang kaibigan kong 'yon at umaasa ako na maayos ko rin to.
Maybe Kristina can help. Mabait naman si Tina at malambing, iyon ang mga katangian na nalaman ko sa kanya. Hindi ko mapigilan na mapangiti ng maalala ko siya. Napakaganda niya at talagang kakaiba siya. Akala ko masama ang ugali niya pero nagkamali ako ng inakala. She's so sweet and caring. Lagi niya ako tinitignan at kapag nahuhuli ko siyang nakatingin sa'kin, hinahalikan niya ako sa kamay o sa noo.
Hindi ko talaga inaakalang ganoon ang damdamin mayroon si Tina para sa'kin. At hanggang ngayon ay nahihiwagaan pa rin ako sa nararamdaman ko para sa kanya. I like her. No- I love Kristina. Mahirap man na aminin pero parang matagal ko na siyang minamahal. Nakakapagtaka dahil kailan lang naman kami nagkakilala. Pero alam kong... hindi ganoon iyon. Nakaka-confused. Palabas na ko ng room at nasa hallway.
Napahawak ako sa ulo ko ng parang may kumudlit na sakit. Napapikit ako dahilan para may makabanggaan ako.
"S-Sorry." Hindi siya natinag at kahit ako pa ang nakabangga sa kanya. Muntik pa akong matumba dahil sa tikas nito.
"You're okay?" May bahid na pag-alala na tanong nito dahilan para mapatingin ako sa mukha nito.
Seryoso ang anyo niya at yong mga mata ay direktang nakatitig sa mga mata ko. Sa mga oras na 'yon, hindi ko alam kung paano mag-re-react. Ngayon ko lang siya nakita kahit na nakasuot siya ng white polo at may logo iyon ng school namin.
Napansin kong umangat ang dulo ng labi niya at tila doon lamang ako natauhan. "Okay lang ako. Sorry ulit." Mabilis ang mga kilos ko na nilampasan ko ito.
"Nice meeting you." Natigilan ako ng marinig ko ang mahina ngunit sapat na marinig ko ang mga salitang iyon. Papalayo na ito ng lingunin ko. Saka ko rin napansin ang iilang mga kababaihan na napapatingin at napapasunod ang mga mata habang naglalakad ito.
I just ignore him. At ipinagpatuloy ang paglalakad.
Dala ang isang tray na may laman na pagkain, I occupied the vacant chair. Mag-isa lang din akong kumakain sa karenderya ni Naning. Hindi gaanong marami ang mga studyante na kumakain dito. At kung papipiliin, mas gusto ko na dito nalang kakain dahil masarap at mura pa ang mga pagkain ni Aling Naning.
Habang kumakain, palingon-lingon ako sa paligid. Hindi naman sa nagiging paranoid ako pero feeling ko ay kanina pa may nakatingin sa 'kin.
"Kumusta?"
"Ay butiki!" Muntik na akong mahulog sa inuupuan ng biglang lumitaw si Lex sa aking harapan. Tatawa-tawa naman ito habang nakahawak ang isang kamay sa tiyan.
Sa inis ko, hinampas ko si Lex sa braso. "Ba't kaba nanggugulat?"
"Seryoso mo kasi." Sabay lapag niya ng tray. Napasimangot ako. So, si Lex pala 'yong feeling ko na nakatingin kanina. "So, kumusta? Ba't mag-isa ka lang?"
Natigilan ako. "B-Busy si Rina." Sabay inom ng tubig. Hindi ako sanay na nagsisinungaling pero baka nga busy talaga ito.
"Ganoon?" Mukha namang naniniwala si Lex. Ngumisi siya sa'kin bigla.
BINABASA MO ANG
Runaway with me Gorgeous [Book 2] (Completed)
Teen Fiction[COMPLETED] Isang sekretong magpapabago sa buhay ng dalawang pusong nagmamahalan. Gaano katatag ang pagmamahal mo sa isang tao? Kung simula palang, alam mo ng niloloko kana nito? WARNING! This is a girltogirl story. If you're not comfortable with t...