"ALLY... sabihin mo na lahat. Kamuhian mo 'ko. Magalit ka. Sampalin mo ko. Saktan. P-Pero... Pero... wag lang ang mga yon." naghihirap ang kalooban kong sinabi.
"K-Kristina..."
Dinala ko sa mga labi ko ang malambot niyang mga kamay at marahang hinalikan ang likod niyon.
Nakikita't nababasa ko pa rin ang pagmamahal na gusto kong makita mula sa kanya.
I can see it!
I can feel it!
"Alam kong mahal mo rin ako. Ally..."
Napailing ito.
"K-Kristina... u-umalis kana." may takot sa tonong ika nito.
Pakiramdam ko, parang nabiyak ang puso ko. No! Ally, please... wag mo naman gawin sakin to. Pinipilit kong wag mapaiyak ng husto na sinalubong ang kanyang mga mata.
Napailing ang ulo at may pagmamakaawang tiningnan niya ako.
"U-Umalis kana. Hindi ka nila pwedeng makita dito--"
"I don't care!"
Wala akong pakialam kung may makakita man sakin ngayon. Ang mahalaga ay nakita ko si Ally ngayon. Nahawakan at nakausap. God! Halos mabaliw na ko sa isang araw na di ko man lang siya nakikita't nahahawakan o nakakausap.
"Kristina--!"
"What are you doing here?"
Hindi na ako magtataka kung bigla-bigla ay makikita ko ang kapatid ko dito. So, nasa paligid lang pala ito.
I didn't look at him instead, inignora ko lang ang presensya nito.
"Ally. Let's go." yakag ng kapatid ko dito.
Ngunit, agad nag-init ang ulo ko sa mga sumunod na nangyari.
"Don't you dare lay your filthy hands on her!" Ngali-ngaling masuntok ko ito.
Siguro kung sa ibang bagay ay nakakaya kong palampasin sa kanya ang pangungutya't pagmamayabang at pang-iinsulto nito, pero ang makitang hinahawakan nito ang babaeng pinakamamahal at pinaka-iingatan ko. Magkakamatayan na!
Natigilan ito. Maging si Ally, bakas ang takot sa kanyang mukha.
"I can't do that. Alam mo yan, Kt."
Bahagya kong inilapit sa kanya ang aking sarili. Nagpipigil. Dahil sa mga sandaling ito, gustong-gusto ko ng ipatikim sa kanya ang mga kamao ko.
"She's my girlfriend." mahina at mariing kong ipinapaalala sa kanya na ikinalaki naman ng mga mata ni Ally.
Baka nakakalimutan nitong, girlfriend ko lang naman ang babaeng hahawakan nito!
Mapaklang tumawa ang aking mga narinig.
"I see."
Saka kampanteng isinuksok nito ang mga kamay sa bulsa.
"But-- this beautiful lady beside me is my fiancee. And I thought you knew that already," anito kaasabay ng pagtaas nang dulo ng mga labi nito.
Mas lalo kong naikuyom ang mga kamao sa sobrang galit na nararamdaman ko para sa kapatid ko. God knows how I despise him! And to think na hindi ko lang siya basta kapatid kundi... kakambal ko pa!
![](https://img.wattpad.com/cover/78275579-288-k122997.jpg)
BINABASA MO ANG
Runaway with me Gorgeous [Book 2] (Completed)
Novela Juvenil[COMPLETED] Isang sekretong magpapabago sa buhay ng dalawang pusong nagmamahalan. Gaano katatag ang pagmamahal mo sa isang tao? Kung simula palang, alam mo ng niloloko kana nito? WARNING! This is a girltogirl story. If you're not comfortable with t...