Rina
"You lied. Why?"
Kakalabas ko lang ng bahay nang marinig ko ang pagsasalita sa may gilid ng gate.
Nakita ko si Kristina na nakasandal sa pader. Nasa harap naman ang kotse nito.
"Ikaw pala." Medyo nakakagulat ang biglaang pagsulpot nito. Wait- Ano raw ang sabi niya?
Matapos kong itapon ang basura. Pinagpag ko ang mga kamay sa may pwetan at nilapitan ito. Hindi pa talaga ako boto sa kanya para sa kaibigan ko pero wala akong karapatan na pigilan ang mga ito kung magiging masaya si Ally sa kanya.
"May sinabi ka?"
Napatuwid ito ng pagkakatayo at sinalubong niya ako ng tingin. "Tell me... why did you lie?"
"L-Lie? Saan?" Naguguluhan ako sa narinig ko.
Sa halip, blankong ekspresyon niya lang akong sinagot. Napataas ang kilay ko.
"I've known her when she was a little. I know everything on her. The day when she was born, what she likes and dislikes, her family and her... friends." Kinabahan ako bigla lalo na at parang ini-interrogate niya ang tungkol sa pagkakaibigan namin ni Ally.
"A-Anong ibig mong s-sabihin?" May pinupunto ba siya?
She looked at me seriously. "Bakit kailangan mong magsinungaling sa nakaraan niya?"
"What?!" That's it! Ano bang problema niya?
"You're a liar." Matabang nitong sabi. Nakaramdam ako ng inis sa tinuran nito.
"Ano bang problema mo, ha? Hindi porke girlfriend ka ng bestfriend ko ay may karapatan ka ng pagsalitaan ako ng ganyan." Nakaramdam ako ng pagkainis. May part sa'kin na nakaramdam ng takot at habag dahil sa mga narinig ko.
"I'm not saying anything. Tinatanong lang kita." Walang bakas na emosyon nitong pahayag. "Like I said... I've known her when she was a kid. And you said... makaibigan kayo when you were little." Seryosong wika ni Kristina sa harapan ko.
I was shocked. Of course, dahil hindi ko naman inaasahan ang marinig ang bagay na to mula sa kanya.
Pinagpawisan ako ng malamig. May iilang tao na paparating sa'min kaya inaya ko na muna itong pumasok sa bahay.
Matagal bago ko napagdesiyunan na sabihin kay Kristina ang totoo.
"Ilang taon na rin ang nakaraan mula ng mangyari 'yon." May pait sa alaala na nagbalik tanaw sa'kin ang nakaraan. "Ni isa ay wala akong maituturing na kaibigan. Sinasaktan at kinukutya ng karamihan. Ang gusto ko lang naman ay sana maranasan ko rin ang maging normal na bata. Iyong hindi nasasaktan, iyong magkaroon ng mga kalaro at maituturing ko na kapatid."Mula sa pagkakatayo. Nakatingin ang mga mata ni Kristina sa labas ng bintana, nakahawi ang kamay sa kurtina. Subalit, nasa kay Rina ang buong atensyon nito.
"Pero hindi e. Araw-araw may nambubully sa'kin. Sinasaktan nila ako, pati mga gamit ko pinapakialaman nila. That's time... naisipan kong...." isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Pinagsisihan ko rin ang nagawang pagkakamali ko noon. "Noong mga araw na yon... walang-wala ako. Sobrang sakit pala sa tuwing nakikita mo yong pamilya mo..." napaisip ako. Bakit ko nga ba nagawang magpakamatay? Kung tutuusin, may pamilya naman ako na nandyan at nagmamahal sa'kin.
"Pinagsisisihan ko yon. Nasabi ko sa sarili ko hinding-hindi ko na uulitin ang kabaliwan kong yon. Wala na akong pakialam kung araw-arawin nila akong saktan. Tinitiis ko yon. After two years, lumipat kami dito." Pagpapatuloy niya.
BINABASA MO ANG
Runaway with me Gorgeous [Book 2] (Completed)
Novela Juvenil[COMPLETED] Isang sekretong magpapabago sa buhay ng dalawang pusong nagmamahalan. Gaano katatag ang pagmamahal mo sa isang tao? Kung simula palang, alam mo ng niloloko kana nito? WARNING! This is a girltogirl story. If you're not comfortable with t...