"IT DOESN'T matter to me whether your mind can't remember me as long as you love me," mahinang sinabi nito. Kasalukuyan kaming nakasakay sa kabayo. Nasa likuran ko si Kristina at nakayakap sa beywang ko ang mga braso nito para na rin suportahan niya ako at siniguradong hindi ako mahuhulog.
"Memories are destined to fade and we used our brains to recall them. But my brain has been affected since I was involved in an accident few years ago. And I can't even remember how did it happened." Malayo ang mga tingin kong sinabi.
Abot-tanaw ko ang iilang burol at malawak na taniman ng tubo. Mainit ang sinag ng araw ngunit sapat na napapawi iyon sa lamig na ihip ng hangin.
"Kristina..." Marahan na nilingon ko ito. Nagtama ang aming mga mata. Pinakatitigan ko itong maigi at pinaglandas ng tingin ang kabuuan ng kanyang magandang mukha. "Anong... Anong dahilan ng pagkaka-aksidenti ko? Paano ako naaksidenti?" Hinding-hindi matatahimik ang isip ko hangga't hindi ko mabibigyan kasagutan lahat ng katanungan sa isipan ko.
Ramdam ko ang paninigas ng katawan nito. Sandaling hindi ito umimik at ninamnam lang namin ang kapayapaang hatid ng malamig na simoy ng hangin. Ngunit, kabaliktaran naman ang namamahay sa aking isipan.
"I was stupid by leaving you behind," anito. Batid ang matinding pagsisisi sa magandang mukha nito. Gayunpama'y namamangha at binalot ng kuryusidad ang puso't isip ko buhat sa narinig.
"So, ibig-sabihin... iniwan mo 'ko noon?" Naniningkit ang mga matang tanong ko. Anong ginawa ko para gawin iyon ni Kristina? Pakiramdam ko, biglang kumirot ang dibdib ko nang malaman ko iyon. Though, may parte sa puso ko ang natuwa sa kaalamang may namamagitan nga sa 'min noon. Patunay lamang na nagsisinungaling ang kapatid nito at ang pamilya ko. Pero... "Bakit? Anong... Anong nagawa ko para iwanan mo 'ko p-para gawin mo 'yon?" Naninikip talaga ang dibdib ko idagdag pa't nagawa ng Itay at kuya Marco na magsinungaling sa 'kin. Nahahati ang puso't-isipan ko kung alin ang susundin ko. Kung ang kasunduan ng mga pamilya namin o- ang nilalaman ng puso ko.
"You did nothing, Ally. We were both happy and contented on what we have. Pero hindi ang mga taong nakapaligid sa 'tin. Pilit nila tayong pinaglayo. Pinapapunta nila ako sa US, I accepted it. Dahil gusto ko ring patunayan sa kanila na karapatdapat ako para sa babaeng minamahal ko. Gusto kitang mabigyan ng magandang buhay. We both have plans. But then..." Nagiging mabagal ang paglalakad ng kabayo hanggang sa tumigil ito. Huminto kami malapit sa may bangin. "You accidentally overheard them. You were trying so hard to catch up on me para pigilan ako sa pag-alis ko." Napatagis ang mga bagang nito na nag-iwas ng tingin. Dumako iyon sa bangin na nasa aming harapan. Hindi ko maintindihan pero kakaiba ang hatid ng lugar na 'to sa 'kin.
Naguguluhan man, nakukuha ko ang ibig-sabihin ng mga nakikita ko sa mga mata nito. Tutop ang bibig na napalunok ako at tila nakaramdam ng panginginig sa buong katawan.
"Wag mong sabihing..." Ni pagbigkas ko sa mga salitang 'yon ay hindi ko magawa.
Tumingin si Kristina sa gawi ko at may pagsisising nagbigay tango ito. "Yes, Ally. Kasama mo si Neho at pareho kayong nahulog sa bangin na 'to," namamasa ang mga mata itong nag-iwas uli ng tingin.
"N-Neho..." Pamilyar sa 'kin ang pangalan na yon.
"Siya yong kabayo na sinasakyan mo para sundan ako. It is my fault, Ally. I'm so sorry. Nang dahil sa 'kin kaya nangyayari sayo 'to." Sa pagkakataong to, wala akong ibang maririnig kung 'di ang paghikbi nito. Nakapatong sa kanang balikat ko ang baba nito at mahigpit na nakayapos ang mga braso nito sa katawan ko.
Napapikit na lamang ako at dinama ang malayang pagdaloy ng maiinit na likido sa 'king mukha. "U-Umalis na tayo. A-Ayoko na dito," sa halip ay pakikiusap ko. Tumango ito at marahang pinatakbo ang kabayong sinasakyan namin. Hindi ko rin maipigilan ang itanong sa aking sarili ang naging ugat kung bakit ganoon na lamang ang galit ni Itay at ng pamilya ko para kay Kristina. Dahil ba... hanggang ngayon ay sinisisi pa rin nila ito buhat sa kung ano ang nangyari sa 'kin noon?
BINABASA MO ANG
Runaway with me Gorgeous [Book 2] (Completed)
Novela Juvenil[COMPLETED] Isang sekretong magpapabago sa buhay ng dalawang pusong nagmamahalan. Gaano katatag ang pagmamahal mo sa isang tao? Kung simula palang, alam mo ng niloloko kana nito? WARNING! This is a girltogirl story. If you're not comfortable with t...
![Runaway with me Gorgeous [Book 2] (Completed)](https://img.wattpad.com/cover/78275579-64-k691867.jpg)