"ANO ba talaga ang gusto mong mangyari? Bakit kailangan mo pang guluhin muli ang kapatid ko, Kristina?" Pagak akong napatawa dahil sa narinig.
Kami nalang dalawa ng anak ni Mario dito sa lilim ng malaking puno. Nagsibalikan na sa kani-kanilang gawain ang mga tauhan ni Don Emmanuel, maski si Lolo ay nagpasyang umuwi na rin sa mansyon.
Kaya ganito ang klase at tabas ng dila ng binata ay dahil noon pa man ay kailanma'y di niya na ako nagawang respetuhin buhat ng malaman nila ang tungkol sa'min ng kapatid nito.
But-- the hell I care, anyway?
Hindi naman mahalaga sa'kin yon kahit pa harap-harapan nila akong insultuhin. Okay lang sa'kin yon. Pero ang ilayo nila sa'kin ang babaeng karugtong na ng buhay ko-- iyon ang di ko kayang palampasin. Gagawin ko lahat wag lang malayo sa'kin si Ally.
Sapat na ang ilang taon na nagkahiwalay kaming dalawa. Masakit man at di niya naaalala lahat kung kailan nagsimula ang aming pag-iibigan. Naipanalangin ko nalang na sana... sana... makakaya pa rin niyang maipaglaban ang pagmamahalan naming dalawa. I'm so damn stupid. Dahil hinayaan kong magkahiwalay kami noon. Ang tanga-tanga ko ngang talaga.
"Maayos na ang buhay ng kapatid ko, Kristina. Kaya kung anuman ang binabalak mo-- ngayon pa lang ay binabalaan na kitang tapusin mo na ang kahibangan mong to." Maanghang pananalita ni Marco.
Buong tapang ko naman na hinarap ang kapatid ng babaeng laging laman ng puso't-isipan ko. Kuyom man ang mga kamao ay pinilit kong kontrolin ang aking sarili sa umuusbong na galit sa aking dibdib.
"Kung kahibangan man ang mahalin si Ally. Mas gugustuhin ko pa ang mahibang para sa kanya." Saka pagak akong napatawa. "Alam mong hinding-hindi ko susukuan ang kapatid mo Marco." Mariin kong pagpapaalala sa kanya. Nakipagtagisan kami ng titig sa isa't-isa.
"Darating ang araw na pagsisisihan mo rin ito, Kristina. At mangyayari lamang yon..." sumilay ang nakakalokong ngisi sa mga labi nito. Hindi ko naman mapigilan ang mapatagis ang aking mga bagang. "Mismo sa araw ng kasal ng kapatid mo."
Mahina akong napamura.
"Walang kasalang magaganap, Marco. At sinisigurado ko yan sa inyong lahat." Kung kinakailangang itanan ko si Ally, gagawin ko. Kung kailangan naming umalis sa lugar na to, gagawin ko! Mailayo ko lang si Ally sa kapatid ko! Sa pamilya ko! Nakipagsukatan ako ng tingin sa kanya. Hinding-hindi ko papayagan na maikasal ang babaeng pinakamamahal ko sa walang kwentang kapatid ko.
Napaggalaw ang mga panga ng binata habang nakikita nito ang determinasyon sa mga mata ko. Marahas niyang hinablot ang braso ko.
"Subukan mo lang... subukan mo lang, Kristina. Hindi sa isang katulad mo nararapat ang kapatid ko--"
"Bakit? Sa tingin mo ba nararapat siya sa kapatid ko?" Balik tanong ko sa kanya. "Hindi mo kilala ang kapatid ko, Marco. Wala kang alam sa pamilya ko." Matigas kong sinabi sabay bawi ng braso ko sa kanya.
Bahagyang natigilan naman ito. May pagtatakang pinakatitigan niya ang kabuuan ng mukha ko. Ngunit, agad din iniwas ang mga matang pinuno ng pagkamuhi.
"Huling babala ko 'to sayo, Kristina. Layuan mo si Ally. Tigil-tigilan mo na ang kapatid ko kung ayaw mong ako mismo ang gagawa ng paraan matapos lang ang kabaliwan mong ito. Handang-handa akong pakasalan ka anumang oras kung kinakailangan, tigilan mo lang ang kapatid ko." Mahina at mariing ika nito na ikinamaang ko ng husto.
What?
Sa mga sandaling yon, sinalakay ng takot ang puso ko. No! It can't be! Hinahanap ko sa mga mata niya ang katotohanan sa mga sinabi nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/78275579-288-k122997.jpg)
BINABASA MO ANG
Runaway with me Gorgeous [Book 2] (Completed)
Fiksi Remaja[COMPLETED] Isang sekretong magpapabago sa buhay ng dalawang pusong nagmamahalan. Gaano katatag ang pagmamahal mo sa isang tao? Kung simula palang, alam mo ng niloloko kana nito? WARNING! This is a girltogirl story. If you're not comfortable with t...