Chapter Two

39.5K 407 77
                                    

Paano nga ba mag move on?

                                                                     ***

Lalay

Kaya ayaw ko magtiwala sa mga pogi na yan eh, it's either bakla sila or manloloko. Ayaw ko naman na igeneralize silang lahat pero lahat ng nakakasalamuha ko may tinatagong masamang budhi.

Si justin bieber nga eh pogi tapos biglang nalaman ko na nagdudrugs na siya at hindi niya natupad yung promise niya noon sa mga fans niya na hinding hindi siya magbabago,

Oo umaamin ako na naging crush ko siya, ang ganda kasi ng boses niya tapos PARANG ang bait bait pa niya. Siguro naging ganun lang yun dahil sa sobrang sikat na siya.

Pero sumesegway nanaman ako...balik tayo sa story ko

Sinundo ako ni ella at ni julie sa bahay.Pagsakay ko ng sasakyan niyakap nila ko ng sobrang higpit. Hindi ako makahinga.

"guys."

Hiya naman ako sakanila eh no? alam ko namang mahal nila ako pero ito yung literal nilang sinasabi na nakakasakal ang pag ibig

"Ay sorry! " sabi nila at binitawan nila ako.

Si Ella nagdidrive, napag usapan namin na walang magsasabi kay kate o kay xavier na alam namin yun tungkol sakanila. Actually ang naisip ko nga e tignan ko kung gaano katagal nilang itatago saamin-saakin yung relasyon nila at kung gaano katagal silang magsisinungaling.

Nung nakarating na kami kila kate pinagbuksan niya kami ng pinto at pumasok kami. Si kate mayaman pati si ella. Si julie tama lang...samantalang ako mahirap lang talaga.

Paano ko naafford na mag aral sa isang magandang university?

scholarship

yung gamit namin nilapag namin sahig ng kwarto ni Kate,

"Kamusta pala?" binati niya kami with a smile,

'fake'  yun lang yung word na naiisip ko pag nakikita ko siya na ganun siya-I mean yung sobrang bait niya saamin na parang walang problema o wala siyang nagawang masama.

iba talaga pag alam mo na pinaplastic ka ano? ang awkward na pag nandyan siya ang hirap ipalabas na hindi ka nagtatampo o nadidisappoint sakanya.Bestfriend  ko siya eh- siya dapat yung kasama kong magalit kapag may nampaplastic saakin, siya dapat yung kasama ko sumugod kay Xavier pag niloko niya ako pero hindi eh...Siya pa talaga yung nangloko sa sarili niyang bestfriend.

"Okay lang naman." sagot ko.

"Kami din okay lang." sabi ni julie at ella.

"Pero may nalaman akong isang malupit na storya-" sabi ko, tapos nakita ko na nacucurious sila. Umupo ako sa dulo ng kama.

" May nagkwento saakin, yung kaibigan ng kapit bahay namin na kapit bahay niya na kapit bahay ko rin may girlfriend tapos yung bestfriend ng kapit bahay ko ay lalaki tapos nainlove siya sa girlfriens ng bestfriend niya tapos nalaman ni boy!"

nakita ko na si kate namumutla at medyo pinagpapawisan noo niya. Guilty much?

"tapos nung nalaman ni boy eh ang ginawa niya pinatay niya yung bestfriend niya at yung girlfriend niya."

napalunok si kate, "Ang weird no?" tinanong ko. Actually Revised version ng 'Three Rats' yan na napag aralan namin sa literature sa school ang pagkakaiba lang eh yung babae ay hindi niya girlfriend kundi asawa na niya.

tumango silang lahat,  "Weird." sabi ni julie na tumatango. Si julie morena yan, pero sobrang ganda niya. Mayaman din siya parehas nila ni ella.

"Agree!" sabi ni ella, si ella naman maputi tapos flawless parehas ni julie. Sobrang Maganda din siya .

Ako lang ata naiba,

kasi katamtaman lang itsura ko hindi pangit hindi maganda, tama lang yung kulay ng kutis, maitim siko at tuhod, may pimples, may dimples naman ako pero mas malalim yung dimples ko sa right side kaysa sa left.

Dark brown buhok ko, natural. Ang galing no? tapos mahaba buhok ko hanggang sa may bewang ko na, pero ang laging ayos ko sa buhok ko nakatali. Hindi ko nilulugay kasi sobrang Init.

Kung napapaisip kayo kung may boyfriend yung dalawa kong kaibigan ay oo meron silang boyfriend. Si julie ang boyfriend niya si Tristan magaling mag bass tapos player din ng basketball team ng university namin, tapos si ella naman ang boyfriend niya si Gian dean's lister at freelance model.

"Kamusta ka pala kate?" tanong ni ella, "Saan ka nag punta? nagpunta kamig tatlo sa mall ikaw lang wala."

namutla ulit si kate, "o-okay naman ako. E-eh kasi umalis din kami nila mama."

sinungaling

"Okay. Nasa SM north pa naman kami kanina."

nagpawis siya ulit tapos medyo nakabukas bibig niya, walang lumabas na salita. Nga-nga

Tama yan, maguilty siya.

Yung buong sleep over kaming tatlo lang ang nag enjoy, si Kate naman tahimik tapos medyo pilit yung ngiti at tawa niya. Kinakain na ata siya ng konsensya niya.

Nung ala una na ng madaling araw, pinatay na namin yung ilaw tapos bumilog kami. Binuksan ko yung flashlight sa mukha ko tapos napasigaw silang tatlo, natawa ako. Pinaka malakas sumigaw si kate,

"Okay ka lang ba kate?"

"Okay lang ako. Natakot lang ako."

"Okay lang yan, andito naman kaming mga bestfriend mo eh. Di ka namin iiwan." sinabi ko, tapos nanalaki mata niya tapos napalunok siya ulit.

"Excuse me, Mag CR lang ako." sabi ni kate tapos tumayo siya at tumakbo sa CR.

"Definitely na-guilty siya." sabi ni ella. Tapos kaming tatlo tumango.

Masyado kasing obvious, mukha siyang natatae or something. Basta hindi ko maexplain yung itsura niya. Pag balik niya eh sabi niya "Matulog na tayo, maglilinis pa mga maid namin n buong bahay bukas."

"Eh diba sabi mo wala kayo maid bukas kasi day off tapos yung parents mo nasa business trip kaya nga pinatulog mo kami ngayon dito?" sabi ni julie.

Napalunok nalang si kate at walang masabi.

"Hayaan mo na julie." sabi ko, "Tulog na tayo para maaga tayo makaalis."

isa na siyang Dakikang sinungaling.

Paano nga ba mag move on? (Book 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon