Xavier
Nakita ko siya sa Vikings... sobrang ganda niya.Ewan ko ba kung namamalikmata lang ako o ano pero yung totoo ang ganda niya.Bakit hindi siya nagin ganun kaganda nung kami pa?
Tinalbugan niya ang ganda ni kate,
Nakasakay na kami sa kotse-on our way to Sofitel. Hindi namin na -book yung imperial suite kasi may mga nauna na daw na nagreserve and for 3 days pa nila napareserve.
Hinawakan ni kate kamay ko at ngumiti siya saakin, nginitian ko din siya.When we arrived sa sofitel pinababa na namin sa drivr and butler nila kate yung mga gamit namin.
Sila tito at tita (parents ni kate) nginitian ako, kasi sabi nila bukod daw kay lalay ako daw nagpapasaya sa princess nila.
Pag pasok namin sa lobby, kinuha na namin yung susi and then nakita ko ulit siya...
***
Lalay
Naglalakad kami sa lobby ng sofitel nung may tumawag saakin,
"Lalay!"
pag lingon ko si tita susan pala...nanay ni kate. "Hi 'nak happy birthday." ngumti siya tapos niyakap ako.
"Thank you po tita."
Tinignan niya ako mabuti, "Ang laki ng ginanda mo ah.Kasing ganda na kita." sinabi niya tapos tumawa siya natawa din ako nakakatawa kasi yung tawa niya eh yung parang tawa ni betty lafea hahaha.
Inabutan niya ako ng envelope, "di na kami nakabili regalo-"
"No tita, I can't take this nakakahiya po." sinabi ko agad, nag bublush ako. Feel na feel ko pag init ng pisngi ko.
"No! it's your 18th birthday! this is special. hindi mo ba inimbita anak ko? I thought you were bestfriends?" were is the keyword, she doesn't deserve to be called bestfriend nung tinago niya yung relasyon nila saakin.
"Tita susan! " sabi ni julie at ella.
"Ininvite po namin si kate, pero sabi niya may gagawin daw po kayo."
"Tsk, yang batang yan talaga.Kasama niya kasi boyfriend niya kaya sorry-parang may sarili silang mundo hindi mo sila mapaghihiwalay." sabi ni tita Susan tinuturo si kate and xavier.
Nung nakita namin sila nganga sila, lalo na si kate kasi yun bibig niya bukang buka tapos yung mata niya sobrang laki na parang matatanggal sa socket niya.
balikan natin ang tip #04 'wag kang bitter.
ito pa isang tip,
Tip #08 ipakita mo sakanya na hindi ka ganun naapektuhan ng break up, lalo na kung ikaw yung nakipag break.
"Gaano na po sila katagal?" tanong ni ella.
"Halos 1 year na, bakit?"
"Hindi po niya sinabi saamin eh." sabi ni ella, binigyan niya ng plastic na smile si kate.Si kate namumutla at napalunok dahil alam niya na plastic na smile yung binigay sakanya ni julie.
"Hay,pag pasensyahan niyo na anak ko ha? sorry."
"Hindi niyo po kailangang mag sorry." sabi ko.
tapos dahil katabi ko si ella binulong niya kay julie, "yung anak niya dapat mag sorry." malakas kasi pandinig ko, si tita susan di ko lang alam.
"Sige po tita susan, kailangan na po namin mag pahinga eh." sabi ko. "Good night po." tapos sumaludo ako kay Xavier at Kate.
pag pasok namin ng elevator, nilabas ko na yung hiningang hindi ko alam na tinatago ko at tumulo na luha ko. Si ella at julie niyakap ako, naiyak din sila.
Pag pasok namin ng kwarto tuloy ng tuloy yung tulo ng luha ko,
tapos nakita ko na pinapanood kami ni gian, tristan at ni arkin-sinabi ni ella sakin yung name niya.
Tapos humagulgol na yung dalaw-
wait lang nga! ako yung niloko tapos mas OA pa yung iyak nila saakin?!
binitawan ko sila, "ako yung nasaktan pero kayo yung ala-MMK yung iyak?"
"Bakit kayo umiiyak?" tanong ni gian.
"Si Xavier at Kate-" sinumulan ko pero mas excited atang magkwento si julie at ella.
"Niloko ni xavier si lalay! isang taon nadaw mag bf gf si xave at kate!" sigaw ni ella.
"Ano ba pinaglalaban mo?" sabi ni arkin.Tapos natahimik si ella dun.
BINABASA MO ANG
Paano nga ba mag move on? (Book 1 & 2)
Novela JuvenilLahat ng tao may masaklap na love life. Kamukha nung kay Lalay, Siya ang lalaki sa relasyon nila ni Xavier. Siya naghahatid sundo, nagreregalo, nanglilibre. First love niya si Xavier sinong hindi mahuhulog ng todo lalo na kung apat na taon na kayong...