PCvs.CC (Meeting His Family)
Martin's POV
(March 18 Monday)Inayos ko ang bag ko inilagay ko na dito ang ilang importanteng gamit ko kasama ang booklet ng cheke ko dahil mag iissue na ko ng cheke kay patrick para sa 50% payment ng construction ng building
pagkatapos ko mag ayos ng bag ay dinampot ko na ang susi ng kotse ko at cellphone ko, ng makasakay na ako sa kotse ko ay nag drive na ako papunta sa mismong opisina ni Patrick sa Quezon City
--
"good morning sir my appointment po ba kayo kay Architect Lorenzo?" tanong ng sekretarya ni Patrick na nakaupo sa front desk ng opisina nito
"ah oo"
"sino po pala sila?"
"Martrin Romualdes"
pagkasabi ko ng buong pangalan ko ay tumango lng ito at pumasok sa opisina ni Patrick at maya maya pa ay lumabas din ito kaagad, nginitian lang ako nito kaya nginitian ko lang din sya
"pasok daw po kayo sabi ni architect" tumango lang ako bilang sagot at ginuide nya na ako papasok ng opisina ni Patrick
"hey martin kamusta?" tanong nito "ah Ms. Alonzo please bring us coffee" utos naman nito sa kanyang sekretarya
lumapit ito sa isang upuan saka ito hinila "have a seat martin" alok nito sa akin, tumango lang ako bilang sagot, lumapit na ako sa upuan at tinulungan nya akong maupo, "thanks" i said, wow ha lakas maka baldado
"as i said ngayon ako pipirma ng kontrata at magbabayad ng 50% ng payment nito"
"yah!" sagot nito, my kinuha naman syang folder at saka inilatag sa harapan ko
"nagawa ko na itong kontrata 5days ago, pirma mo nalang ang kulang" nakangiting sabi nito
sinimulan kong basahin ang nakasulat sa kontrata, dumating nmn ang sekretarya ni martin n may dalang dalawang mug ng kape, habang nag babasa ako ay nag simula naman si Patrick sa pag di-discuss ng kontrata
"Martin bakit hindi mo pa bayaran ng buo ang buong proyekto?" tanong nito, naalala ko naman bigla ang sinabi sa akin ni allen na nag echo paulit ulit sa utak ko
ngumiti lang ako dito bago sumagot "buo na ang desisyon ko Patrick eh pasensya ka na ha" he gritted his teeth before he face me with a wide smile
"pwede pa kasi ulit kitang bigyan ng panibagong discount pag buo mo itong binayaran" pag pupumilit nito
"maybe i'm going to consult other Architect" i said, tama nga si allen, hindi dapat ako mag tiwala kaagad
"hahahaha what i mean is kung gusto mo lang naman, but if your decision is final then lets start the project" sabi nito, muli ay binasa ko na ulit ang nakasulat sa kontrata, siguro naman nakahalata na ang isang to na naiirita na ako
ng matapos kong pirmahan ang ilang pahina ng kontrata ay ibinigay ko na ito kay Patrick, kinuha ko ang tseke ko at saka ng sulat ng 1,112,500.00 at saka ito pinirmahan
"heres the payment patrick" sabi ko dito ng maiabot ko na sa kanya ang tseke
"so bukas na bukas ay sisimulan na natin ang construction, ise-settle ko na lahat ng mga kailangang man power gamit at matiryales" he said kaya ngumiti lang ako, i'm so exited na na makita kung ano ang kalalabasan ng building
"ok thank you, so see you tomorrow, maaga akong pupunta dito bukas ha" i said saka ako lumabas ng opisina nito
--
bago ako tuluyang umuwe ng bahay ay dumaan muna ako sa mall para mamili ng ilang mga personal things like shirt, polo, shorts, pants, shoes, brief at kung ano ano pa, naagaw ng atensyon ko ang isang sando na my naka print na certified executive chef, agad ko naman itong dinampot at inilagay sa basket na dala ko, tinignan ko pa ang ilang sando na kasma nito, muli ay napangiti ako ng my makita akong sando na ang print ay certified pastry master kaya kinuha ko din ito at inilagay sa basket,
BINABASA MO ANG
Pastry Chef vs. Chief Cook (COMPLETED)
Roman d'amoura BOYxBOY love story tunghayan ang makulit, nakakatawa, at napasweet na kwento ang ating dalawang bida .. subaybayan kung paano sila sinubok at pinaglaruan ng tadhana .. paano nga ba sila magkakakilala, paano mag sisimula ang love story nila kung sa...