PCvsCC
Martin's POV
muli akong nanirahan sa bahay ni Allen kasama ang kambal, naging maayos ang samahan namin nito bumalik ang relasyon namin sa dati,
kahit gaano pa ako kabusy sa business namin ay hindi ko na hinahayaang mawalan ng oras kay Allen,
nung una mahirap i-adjust ang oras pero dumating din naman ang panahon na namanage ko ang oras ko at syempre mas lamang ang oras na binibigay ko sa pamilya ko
--
"Jayden! Cayden! pasok na dito sa loob paliliguan ko na kayo dadating na ang daddy nyo mamaya!" sigaw ko sa kambal na masayang nag lalaro sa garden
"Jayden! Cayden!" muling sigaw ko sa dalawa, maya maya pa ay nakapsok na ang kambal dito sa kusina
pareho silang pawis na pawis, at madumi, isa isa ko silang hinubaran ng sando at short, mabilis naman silang tumakbo sa banyo
bago ako sumunod sa banyo ay siniguro ko muna na maayos na sa kusina at sinigurado ko din na nakatakip ang ulam na niluto ko
"papa ano kayang pasalubong ni daddy samin?" bulol bulol na sabi ni Jayden at halatang exited na exited
"hmmm hindi ko alam anak, malay mo naman toys" nakangiting sabi ko dito saka ito binuhusan ng tubig
patuloy ko silang pinaliguan dito sa banyo habang nakikipag harutan sa kanila, matapos maligo ng dalawa ay sinuotan ko na ito ng bathrobe at mabilis na nagtakbuhan paakyat ng hagdan
"hoy dahan dahan mga anak, baka madulas kayo!" sigaw ko dito
nagmadali naman akong sundan ang dalawang makukulit naming prinsipe, ng makarating sa kwarto ay binihisan ko na sila,
"oh wag na kayong lalabas ha, dun nalang kayo sa salas at manuod ng tv" sabi ko sa kanila
pagkasabi ko dito ay mabilis nanaman silang nag unahang tumakbo pababa ng kwarto, napangiti nalang ako sa kakulitan ng mga ito
--
"pa! lipat mo dun sa luto luto" sabi ni Cayden saka inabot sa akin ang remote ng tv
"opo nga po papa dun nalang maganda yun" singit naman ni Jayden, nginitian ko lang ang mga ito at saka inayos ang palabas sa tv
ng mag simula ang cartoons ay tahimik na nanuod ang kambal, "oh dyan lang kayo ha! maliligo lang si papa"
"OOOOOOOPPPOOO!" mahabang sagot ng dalawa ngunit nakapako ang mga mata nila sa palabas sa tv
ng masiguro kong abala na sila sa panunuod ay nagtungo na ako sa kwarto at nagligo
--
matapos maligo ay nag bihis na ako ng boxer shorts at puting sando, nagmadali akong sumilip sa ibaba upang i check ang kambal, nakita ko namang seryoso silang nanunuod ng tv,
naglakad na ako pababa ng hagdanan bitbit ang aking asul na tuwalya at ipinupunas ko ito sa basang basa ko pang buhok
"DADDY!" sigaw ng dalawa at mabilis na sinalubong si Allen na kapapasok lang ng maindoor
ihinagis ni Allen ang bag na dala nito at mabilis na kinarga ang dalawa, "kiss muna sa daddy" nakangiting sabi nito sa kambal, mabilis namang humalik ang kambal sa mga pisngi nito
"anong pinapanuod nyo ha?" nakangiting sabi nito sa dalawa, nilingon ng kambal ang tv at saka sabay na tinuro
"ayun daddy luto luto" sabi ni Cayden
BINABASA MO ANG
Pastry Chef vs. Chief Cook (COMPLETED)
Romansaa BOYxBOY love story tunghayan ang makulit, nakakatawa, at napasweet na kwento ang ating dalawang bida .. subaybayan kung paano sila sinubok at pinaglaruan ng tadhana .. paano nga ba sila magkakakilala, paano mag sisimula ang love story nila kung sa...