Pastry Chef vs. Chief Cook (Part XXI)

247 10 1
                                    

PCvsCC : (ang pag tutuos)(at pag hingi ng tawad)

Martin's POV

ilang linggo akong hindi umuwe ng bahay namin ni Allen dahil sa sama ng loob ko sa kanya, nakausap ko na si Samia tungkol sa kung sinong hitad ang kinalolokohan ni Allen, nalaman ko na din na ito pala ung tumatawag kay Allen dis oras ng gabi, nalaman ko din dito ang background nya at address kung saan ang opisina nya

--
naka tayo ako sa isang malaking building ngayon, huminga ako ng malalim saka ako nag lakad papasok

"yes sir good afternoon my scheduled meeting po ba kayo Architect Garcia?" tanong ng babaeng nasa front desk

"actually on going na yung project namin w/ Architect Garcia, andyan ba sya? gusto ko sana syang makausap"

"uhmm wala po sya sir eh, nasa lunch meeting po ata kasama ng kliyente nya pero mamayang konti po siguro andito na sya, pasok na po muna kayo sa loob ng opisina dun nyo nalang po sya antayin" paliwag ng sekretarya nito

tumango lang ako bilang sagot, at saka nag lakad papasok ng opisina,

ng makaupo ako sa isang love seat dito sa loob ng opisina ay inilibot ko ang mata ko dito at isa isang sinuyod ang buong paligid

napako ang mata ko sa isang frame na nakapatong sa isang drawer na gawa sa bakal,
nilapitan ko ito at dahan dahang tinignan, "sya? sya ba si Architect Garcia?"

*flashback*

rush hour sa cafe ngayon at patuloy kami sa pag gawa ng mga tinapay dahil paubos na ang mga stocks namin

"ah chef my complain po yung isang customer about sa tinapay at gusto daw po kayong makausap" naalarma ako dahil sa reklamo ng customer dahil hindi naman kami masyadong nakaka encounter ng mga gantong bagay

nag hubad ako ng apron ko at inayos ang sarili upang harapin ang guest na my complain

"yes sir, your asking for me?" nakangiting bati ko sa customer na nasabi

"regarding dito sa Ciabatta bread lasang luma" reklamo nito na agad namang nakapagbigay sakin ng palaisipan dahil everyday naman na fresh baked ang mga tinapay na nandito

"ganun po ba sir? maraming salamat po sa feedback nyo, noted po ang complain nyo sir but i assure to you sir na fresh baked po ang mga tinapay namin dito everyday, and don't worry sir ipapa full out ko na po ang Ciabatta until last stock" nakangiting sabi ko dito pero deep inside gusto ko na syang bulyawan

"aba dapat lang, vintage na nga tong style ng cafe mo pati ba naman mga sine serve nyo dito vintage din!" mataray na sabi nito

"ah sir ano po ba ang gusto nyo? palitan po namin ng ibang tinapay ang order nyo oh ipatatanggal ko nalang po sa bill nyo ang order nyo" nakangiti pa ding sabi ko dito kahit na kanina ko pa gustong sipain ang isang to

"paki tanggal nalang nito sa harapan ko, and for your info ha kahit hindi mo na tanggalin sa bill ko yang Ciabatta bread kaya kong mag bayad" patuloy na pag tataray nito,

lalong kumulo ang dugo ko sa lintik na customer na to pero itinago ko ito sa mascara kong nakangiti,

nag paalam na ako sa customer at pumasok na ako sa kusina dala ang isang basket ng tinapay

"June! gumawa ka ng masa ng Ciabatta" utos ko kay june na agad nitong sinunod

"oh ga! ano't parang bwisit na bwisit ka dyan?" tanong sa akin ni allen na kalalabas lang ng opisina

Pastry Chef vs. Chief Cook (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon