Chapter 1

109 2 0
                                    

Chapter 1

Haha. Ikaw talaga baby oh”, message sa akin si crush!

Wait, nagtataka kayo kung bakit baby tawag sa akin ni crush noh?

Well, bago muna kayo mainggit sa akin dahil kaclose ko ang crush ko at baby pa ang tawagan namin, magpapakilala muna ako. Hi, My name is Sophie Jane Arenas. I’m a social networking addict. At ako ay isang selfie lord \m/ Wala, feel ko lang sabihin sa bio ko. Mwehehe

Balik tayo sa kwento. Ito ako ngayon, todo ngiti, yung para bang mapupunit na ‘tong labi sa sobrang ngiti.

Pano ba naman kasi, kachat ko nanaman ‘tong crush ko na Paul Angelo Gabrillo na super pogi tapos ang bait-bait pa.

Mayghaaad! :””””> Kaso, hindi kami close in person. From other school kasi siya eh.

Tapos ang layo pa ng bahay namin sa bahay nila kahit nasa isang bayan lang kami, mga 7km kaya ang distance.

Odi, nga-nga! Pero kahit na, at least close kami sa chat at sa text! Wahaha.

Nga pala, we’re talking about sex - SEX AS IN GENDER aah. Not the other one. Pinagtatalunan namin kung anong better, female or male.

Then, I crack a joke. Sabi ko, “Mas magaling ang female. Marami kaming nagagawa na di niyo kayang gawin. Kaya ba ng male manganak at magregla?! Di naman ah :P” Yeah, I know, It’s not funny. Ha-ha

Pagkatapos nun, I looked at the clock. It’s already 11:10. 1 minute nalang 11:11 na. I messaged him,

“Baby, 11:11 wish na. Dali!”

“Ay oh, tama. Mag wish na tayo J”

11:11 wish, sana may gusto rin siya sa akin! 11:11 sana maging close na kami in person! Waaaa. I’m so ambisosya. Asa naman daw ako. Haha. Pero think positive dapat! Malay mo magkatotoo :”””>

Oh, tapos na ako magwish. Anong wish mo baby?” Tanong ko sa kanya.

“Ah, secret nalang. Baka di matupad ‘pag nalaman mo.”

“Sus! Matutupad yan. Ano ba kasi yun? :3”

“Wala, wala. Sge, matulog kna. Gabi na oh. May pasok pa bukas. Baka malate ka nanaman. Good Night baby! <3”

Aysus! May pa-heart heart pa oh. Keleg na dis :””””>

“Daya talaga. Sge, tulog kna rin aah. Good Night din baby!”

So ayun, naglogout na ako. Antok na rin kasi ako eh.

[Paul’s POV]

“Daya talaga. Sge, tulog kna rin aah. Good Night din baby! J”

Ayun, natapos na ang gabi ko na siya ang huling nakachat ko.

Ang saya lang talaga na lagi mong nakakachat yung taong nagugustuhan mo.

Oo, tama kayo. May gusto nga ako kay Sophie Jane Arenas. Eh sino ba namang hindi magkakagusto dun, nasa kanya na kaya ang lahat – ang ganda, ang bait at talino.

Kaya lang, di kami close sa personal. Ang torpe ko kasi, kung tutuusin, kayang-kaya ko naman siyang makaclose kaso di lang talaga ako makaipon ng lakas ng loob para puntahan siya.

By the way, kanina, nung 11:11, winish ko na sana magkaroon na ako ng lakas ng loob para masabi ko sa kanya na may gusto ako sa kanya.

Nararamdaman ko rin naman na parang may gusto siya sa akin eh. Well, di naman yun malayong mangyari. Talk, dark and handsome yata ‘to! Mabait pa. Heart throb nga ako sa school namin eh \m/

Kaso, baka mali yung nararamdaman ko, baka naman kasi mabait lang talaga siya. Hayy. Ewan ko ba. Basta sana magkatotoo yung wish ko. Sana, sana, sana, zZzZzZzZzZzZ

Once Upon an 11:11 [on-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon