Chapter 2

98 0 0
                                    

Chapter 2

“Hindi kita iiwan. Dito lang sa tabi mo. Diba nga, sabay tayong tatanda? Pangako natin yan sa isa’t isa, dba?”

“Oo. Pero pa’no kung may nakita kang mas better sa akin? Baka iwan mo na ako. Baka bigla mo nalang bitawan yang pangakong pina…”

Oooooooh. Biglang akong natigil. Bigla kasing lumapit yung mukha niya sa mukha ko, yung tipong hahalik na.

Ayan naaa. Closer…. Closer… iiiih. Pipikit na ako! And closer….

*Kriiiiiiing, kriiiiiiing!*

Pucha naman oh! Moment na yun eh. Halik na, naging bato pa. Hay naku! >_____<

“Haaaay. Good Morning Alarm Clock! Kahit kalian talaga, ang ganda ng timing mo. Pasalamat ka at kulay blue ka, hindi kita masira :3”

Nanaginip nanaman ako tungkol kay Paul honey my love so sweeeet :””””>

Ikikiss na niya ako eh, kaso umepal nanaman yung alarm clock. :3 Dibale, madami pa namang gabi na pwede akong managinip ng ganun! Haha

Bumangon na ako at lumabas. Kailangan ko ng magready, baka malate pa ako eh ^____^

“Good Morning sa maganda kong nanay pero mas maganda pa rin ako!”

“Anak, asa ka. Mas maganda ako sa ‘yo. Gutom lang yan. Kumain kna oh!”

“Wow naman! Sarap ng ulam naaaay! I lab et!”

Hm, guys, tara kain tayo. Ulam pala namin, tuyo at itlog. Yum! Haha

So, habang kumakain ako, magpapakilala muna ako sa inyo. Kunti lang kasi nasabi ko nung Chapter 1 eh.

Hi ulit! I’m Sophie Jane Arenas, 14 years old. Nag-aaral ako sa Don Daniel Maramba Science High School of Sta. Barbara, Incorporated or DDMSHSBI for short or Daniel High School [yan tawag nung mga tricycle drivers sa school naming eeh]. Semi-private yung school naming. I’m a junior student. Mahilig akong maggitara, at kung anu-ano pa. Marami pa kayong malalaman sa akin sa mga susunod na chapters :]]]

*Buuuuurp!*

“Woo~ Dami ko nanamang nakain. Musta naman ang tiyan ko? Lumalaki na! Wahaha!”

Okay, it’s time for me to ligo-ligo and make bihis, ready-ready na! 6:30 na kasi. 7:15am ang klase namin eh. Tapos 15 mins ang travelling time galing bahay namin papuntang school :]

After 25 mins…. Janjaraaaaan! Okay na, I’m ready for school.

“Ma, alis na ako. Bye! Mwa mwa.”

“Okay nak, mag-iingat ka aah. Tatanga-tanga ka pa naman. Labyu!”

Osee? Mahal na mahal ako ng nanay ko. Ang sweet niya diba? Labyu daw oh :””””>

So, lumabas na ako ng bahay. Lakad-lakad papuntang sakayan ng jeep.

Oonamanyes, nagcocommute po ako. Medyo poor kid kasi eeh. Haha

Pagkasakay ko sa jeep,

“Oh best! Good Morning :] Nakasakayan nanaman kita. Wahahaha”

Ay, si Christian Hexzor Evangelista nga pala. Ang aking dakilang guy best friend! Ang bait niyan sa katunayan nga…

“Oo nga eh, ililibre mo nanaman ako. Dito ka, tabi tayo ^_____^”

Ayun, nagpalibre nanaman ang mokong :3

“Ewan ko sa ‘yo. Lagi naman nang ako ang naglilibre. Huhu”

Once Upon an 11:11 [on-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon