Chapter 6
[Sophie’s POV]
Nakahiga lang ako, nakatitig sa kisame ng aking kwarto. Nag-iisip, naguguluhan at nagtataka. Hanggang ngayon ay pilit ko pa ring inuunawa ang mga pangyayari kanina – si Paul at si Denise.
Palabas na kami ng mall ni Christian nang may makasabayan kaming parang pamilyar na mukha.
“Paul?” Tanong ko. Mukhang narinig yata nung lalaki at lumingon.
“Sophie?” Mukhang si Paul nga. Anong ginagawa niya dito? At bakit kasama niya si…
“Dennise?” Nagtatakang tanong ni Christian. Pero mas nagtataka ako. Bakit magkasama si Paul at si Denise?
“Christian?” mukhang nagulat din si Dennise nang makita niya kami.
Nagkatitigan lang kaming apat at parang ang lahat ay nagulat. Nakatingin lang ako kay Paul. Grabe, mas gwapo pala siya sa malapitan. Ang ganda ng mga mata niya, ng mukha niya, basta ang gwapo niya. Pero teka, bakit sila magkasama ni Dennise?
“H-hi Dennise.” Bati ko kay Dennise. Hindi ko na nabati si Paul, siyempre nahihiya ako. Hindi naman kasi kami close in person eh. Hanggang text at chat lang kasi kami nagkakausap.
“Hi Sophie!” biglang sumigaw si Dennise. “I miss you.” Bigla niya akong niyakap. Ngayon palang nagsync-in sa akin ang mga pangyayari. Nandito na ang long lost bestfriend namin.
“I miss you, too!” Niyakap ko rin siya. 6 years kaming walang communication kaya sobrang namiss ko ‘tong bruhildang ‘to.
“Eh paano naman ako?” Singit naman ni Christian at nagpout pa.
“Halika nga dito. Siyempre namiss din kita!” Sabi ni Dennise kay Christian. Nag-group hug lang kaming tatlo. Namiss talaga namin si Dennise at namiss niya rin kami.
“O, musta naman na kayong dalawa? Ang laki ng pinagbago niyo ah.” Bumitaw na sa pagkakaakap si Dennise at siyempre bumitaw na rin kami.
“Eto, hindi pa rin kami nagkakahiwalay. Bestfriends pa rin kami tsaka mas lalo akong gumwapo. Oha?” Sagot ni Christian. Sumang-ayon nalang ako sa kanya, baka magtampo pa eh.
“Pansin ko nga. At mas lalo kang gumanda Sophie ah.”
“Naman! Pero, ikaw ang kamusta? Ang alam namin, nasa ibang bansa ka tapos andito ka na pala.” Tanong ko naman kay Dennise.
“Okay lang naman ako. Umuwi na kami ni mommy dito sa Pinas 2 years ago. Nagdecide na kaming dito na tumira simula nung namatay si Dad sa states.” Biglang nalungkot ng bahagya yung mukha ni Dennise.
“Sorry. Hindi ko naman alam na…”
“Okay lang yun. Medyo nakakamove on naman na ako eh.” Nangiti niyang sabi.
“Ehem” Ay oo nga pala. Andito pala si Paul.
Nilapitan siya ni Dennise. “Guys, meet my boyfriend Paul Angelo Gabrillo.”
Ahh. Kaya pala sila magkasama kasi boyfriend niya si Paul. WHAAAAAT?! Boyfriend niya si Paul? Sa pagkakaalam ko, walang girlfriend si Paul kasi sabi niya sa akin single siya. Tinignan ko si Paul, mukhang nagulat din siya sa sinabi ni Dennise.
Yumuko nalang ako, pinipigilan kong tumulo yung luhang naiipon sa mata ko. Nagsinungaling sa akin si Paul, yung crush ko. Ba’t parang ang sakit?
“Nice to meet you bro.” sabi nalang ni Christian. “Sige Dennise, kailangan na namin umuwi. Gabi na rin kasi eh. Sa susunod nalang tayo magkwentuhan ah. Bye”
Inakbayan nalang ako Christian. At pumunta na sa sakayan ng Jeep. Hindi na ako naiiyak pero medyo naguguluhan pa rin.
***ngayon…
Paulit-ulit na nag-eecho sa utak ko ang mga sinabi ni Dennise.
‘Guys, meet my boyfriend Paul Angelo Gabrillo’
Nasasaktan pa rin ako sa mga nalaman ko. Hindi na dapat ako umasa na magiging totoo siya sa akin. Duh? Chat at text lang yun. Pwede siyang maging kahit anong gusto niya, pwede niyang sabihin ang totoo at pwede rin namang hindi. At sino ba naman ako para sabihan niya ng totoo, di ba? Eh kung sino lang naman akong nakilala niya sa internet.
Alam kong crush ko lang siya pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit ang sakit? Siguro dahil naniwala ako sa sinabi niyang single pa siya at dahil dun ay umasa ako na may CHANCE – chance na magkaroon ng something sa pagitan namin. Pero mukhang imposible ng mangyari yun, may girlfriend na siya.
Dapat sigurong bawasan ko na ang pagbabasa ng mga fiction books tungkol sa mga love story na nagsimula sa internet. Ito kasi ang naidudulot nun sa akin eh – ANG UMASA. Siguro hanggang dito nalang. Hindi pa man nagsisimula ang love story namin ay matatapos na agad.
BINABASA MO ANG
Once Upon an 11:11 [on-going]
Novela JuvenilIs anyone of you familiar of the 11:11 wish? I think yes. A lot of people tweet and post their 11:11 wishes on twitter, on facebook, and on any other social networking sites. But do you believe that an 11:11 wish would come true? In love, distance i...