Chapter 8

55 0 2
                                    

 Chapter 8

[Paul’s POV]

Apat na araw na ang nakalipas simula nung magkita kami sa mall. Apat na araw na ring hindi ko nakikita ang kulay luntiang bilog sa tabi ng kanyang pangalan sa facebook. Tinitext ko siya subalit wala akong natatanggap na kahit anong reply mula sa kanya.

Sa bawat gabing lumilipas, matiyaga akong naghihintay at nag-aabang na baka sakaling mag-online siya o magtext man lamang at para naman maipaliwanag ko sa kaniya yung tungkol sa nangyari nung sabado.

Matapos sabihin iyon ni Dennise, napansin ko ang pagkagulat at kalungkutan sa kaniyang mga mata. Yumuko man siya at pilit na itinago iyon ay napansin ko pa rin. Batid kong nasaktan siya sakaniyang mga narinig. Marahil tama nga ang aking mga hinala, marahil ay may nararamdaman din siya sa akin.

Ngunit sa kabila ng nangyari, hindi ko maiwasang ngumiti sa tuwing naaalala ko ang kaniyang maamong mukha at matamis na ngiti. Kung anong ganda niya sa mga litrato, ay doble pa sa personal.

Andito ako ngayon, nakaupo sa aking kama, nakatitig sa monitor ng aking laptop. Nagsscroll lang sa timeline ko habang nakaopen lang ang chatbox ni Sophie. Namimiss ko na siyang kachat at katext.

May tinitignan lang ako mga litrato ng biglang may lumabas na luntiang bilog sa chatbox ni Sophie. Magkahalong tuwa, takot at kaba ang aking nararamdaman. Bahala na, nagsend na lang ako ng kung anong message

“Hi.”

‘seryoso ‘to Paul? Hi lang masasabi mo?’ sabi ko sa sarili ko. Eh sa wala akong maisip eh.

Sophie: Hello

Ako: Kamusta ka?

Sophie: Okay lang. Ikaw?

Ako: I’m good. Hm, yung nangyari nung sabado, pasensya ka na ah.

Sophie: Haha. Bakit? Ano ka ba naman. Wala lang yun. :]]

Ako: What happened last Saturday was a big misunderstanding.

Sophie: Okay lang yun. Hindi mo na kailangang magpaliwanag. Sige, out na ako. Marami pa akong gagawin eh. Bye

Ako: Sandali, wag ka munang mag-out, please.

Sophie is now offline…

Ayun, nag-out na siya agad-agad, hindi man lang ako nakapagpaalam at hindi pa ako nakapagpaliwanag. Psh. Siguro nga hindi siya apektado dun sa nangyari. Pero yung reaksyon niya nun, alam kong nasaktan siya eh. Bahala na.

****

Lately I’ve been, I’ve losing sleep. Dreaming about the things that we could be. But ba-

“Hello?!” Sagot ko habang nakapikit pa. Peste. Keaga-aga may tumatawag. Sino ba ‘to? Hindi ko na tinignan bago ko sagutin eh.

“Good Morning pre.” Si EJ lang pala. -________- Ang aga nitong mambwibwisit ah.

“Good Morning mo mukha mo. Ang aga-aga mong nang-iistorbo. Buset!”

“Woah-woah, Chill. Itatanong ko lang naman kung pupunta ka sa Birthday ni Zellie mamaya eh.”

Yeah, yeah. Sabado na. Parang kanina Tuesday lang tapos biglang Saturday na agad. Nifast forward ko na. Wala namang magandang nangyari nung huling mga araw eh.

“Pupunta ako. Okay na? Bye.” Sagot ko.

Binaba ko na agad. Bad trip eh. Ang sarap ng tulog ko tapos bigla nalang mang-iistorbo eh yun lang naman pala yung itatanong niya. Akala ko naman kung na yun. Pwede naman itext nalang siya ako tapos tsaka ko nalang siya rereplyan pagkagising ko. Hindi naman siguro ganun kaimportante yun, diba? Naistorbo pa tuloy tulog ko.

Once Upon an 11:11 [on-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon