Chapter 9
[Sophie’s POV]
Isasara ko na sana yung pinto ng biglang may sumulpot na lalaki sa harapan ko. Bigla nalang akong nanigas, hindi ako makagalaw. Nakatitig lang ako sa kaniya, ang gwapo niya. Pero bakit siya nandito?
“O, ba’t ganyan reaksyon mo? Parang nakakita ka ng multo ah.” sabi niya habang nakangiti. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko ng marinig ko ang boses niya.
“W-wala. N-nagulat lang kasi ako.” Nauutal pa ako, halos hindi ako makapagsalita. “P-pasok ka.” Nginitian lang ako ni Paul at pumasok na siya. Ang pogi nung smile niya. Mayghaaad. Kill me now! Dejk. Dumiretso siya kay Zellie, halatang close sila. Pero p’ano niya naging kaibigan si Zellie at bakit niya sinabi sa akin ‘to? :3 May inabot na box si Paul sa kanya, siguro birthday gift yun. May sinabi si Paul kay Zellie, pero di ko narinig, medyo malayo eh.
Isinara ko na yung pinto at umupo sa nalang tabi nitong parang bata na ‘to na nanonood ng barney. Mamaya ko nalang tatanungin sila si Zellie.
“Best, ba’t barney pinapanood mo? Para kang bata.”
“Maganda kaya. Parang di ka nanonood niyan ah. Yan nga yung pinapanood mo nung isang araw eh.”
“H-huy. Hindi ah.”
“Sus, kunwari ka pa. Napadaan ako sa bahay niyo nun, narinig ko yung pinapanood mo. Ang lakas kasi.”
Natahimik lang ako. Totoo kasi yung sinabi niya. Wala namang mali dun, diba? Tsaka bata pa naman ako eh. 14 years old palang kaya ako. Tapos nakakaenjoy kayang manood ng Barney ^_______^ Yung may kanta-kanta tapos minsan may sayaw-sayaw din. Nanonood lang kami tapos after 3 minutes, sinasabayan na namin yung kanta.
“Ehem. Ang ingay. Ehem.”
Bigla akong napatingin dun sa taong may TB ata kakaubo. Si Paul pala. Tinignan ko lang siya ng masama tapos pinagpatuloy lang ang pagkanta. Kung kanina gulat na gulat ako, ngayon naman inis na inis na. Bigla ko kasing naalala yung nangyari, alam niyo na yun. Alam kong hindi ako dapat mainis sa kaniya dahil dun pero di ko mapigilan eh.
Nagulat nalang ako ng biglang tumabi sa akin si ‘Paul’. Bigla akong napatigil at tumahimik nalang. Kinabahan nanaman ako. Bakit pa kasi lumapit ‘tong nakakainis na lalaking ‘to na sobrang gwapo. Hayyyy
“Buti naman at tumahimik ka na. Sakit na ng tenga ko eh.”
‘Wow ah’ Biglang uminit ulo ko nang marinig ko yun.
“Hoy! FYI hindi po masakit sa tenga yung bose — “
Biglang nahinto yung speech ko, tinakpan ba naman niya ng unan yung mukha ko. “Ingay talaga oh. Tch.” Aba, aba. Sumusobra na ‘to ah. Binigyan ko nalang siya ng ‘buset-ka-mapapatay-na-kita look’ pero hindi niya lang pinansin. Lalong uminit ang ulo ko. Kumuha ako ng unan tsaka ko siya pinaghahampas. Aba, kumuha rin siya ng una tapos gumanti.
BINABASA MO ANG
Once Upon an 11:11 [on-going]
Genç KurguIs anyone of you familiar of the 11:11 wish? I think yes. A lot of people tweet and post their 11:11 wishes on twitter, on facebook, and on any other social networking sites. But do you believe that an 11:11 wish would come true? In love, distance i...