Chapter 5

53 0 0
                                    

Chapter 5

[Sophie’s POV]

Eto ako ngayon, naglalakad. Sinusundan ko lang si Best papuntang sakayan ng jeep. Wala pa rin akong kaide-ideya kung saan ako dadalhin ng mokong ‘to. Tapos biglang pumasok sa utak ko yung nangyari sa Chemistry subject namin kahapon, yung truth or dare na parusa sa mga hindi gumawa ng assignment remember? Sino kaya yung babaeng nagugustuhan ni Best? At bakit kaya di niya yun sinabi sa akin? :3

“Oy best. Anong iniisip mo jan? Sakay ka na sa jeep.” Sabi niya habang ito ako, iniisip pa rin kung sino yung nagugustuhan niyang babae.

Sumakay na kami sa jeep. Mapapatay na ako ng curiosity ko. Kailangan ko na talagang malaman yung sagot. Bestfriend naman niya ako kaya may karapatan din akong malaman yun, dba? Kaya tinanong ko na siya.

“Hm, best. May tanong ako.”

“Ano yun, best?” sabi niya habang ngumingiti na parang bata. Ang cute talaga neto. Sarap ibaon sa lupa. Haha. Joke

“Yung tungkol dun sa truth or dare kahapon. Sino yung babaeng nagugustuhan mo?”

Parang nagulat ata siya dun sa tanong ko. Bakit? Ano bang mali dun sa tanong ko? Nacucurious lang naman ako eh.

“A-ah. Wa-wala. Joke ko lang yun.” Medyo nauutal niyang sabi.

“Aah. Ganun ba?”

Nararamdaman na parang may tinatago talaga siya. Siguro nahihiya lang siya sa akin pero bestfriend niya ako eh. Hindi na dapat siya mahiya sa akin. Pinabayaan ko nalang siya, sasabihin niya rin yun sa akin siguro hindi pa lang siya handa.

Pagkatapos nun, naging tahimik na ang biyahe namin. Wala man lang nagsalita or whatsoever. Hindi naman kami ganito kapag magkasama eh, laging maingay at laging magulo, pareho kasi kaming makulit. Siguro nagulat lang talaga siya dun sa tanong ko kanina.

Huminto yung sinasakyan naming jeep sa SM *******, yung mall na lagi naming pinupuntahan. Malawak kasi ang arcade center dito at mahilig kami sa arcades. Siguro gusto lang nitong maglaro.

“We’re heeeeeere!” Masayang sabi ni best. Halatang excite na excite na eh. Medyo matagal na rin kasi kaming di nakapaglaro. Mga 1 week na. Haha

“Hulaan ko, maglalaro tayo noh?” Sabi ko habang kunwaring nag-isip talaga.

“Pa’no mo nalaman?” sabi ni best na para bang bilib na bilib sa akin.

“Matalino nga kasi ako, dba?”

“Tsaka bibili na rin tayo ng regalo para kay Zellie, birthday na kasi niya next Saturday eh.”

Nagulat nalang ako sa sinabi ni best. Hindi kasi siya yung tipo ng taong nakakaalala ng birthday ng iba.

“Ikaw ba yan, best? Nakaalala ka ata ng birthday ng iba ah.”

“Hindi. Tinext lang ako kanina ni Zellie.”

“Ay. Sige. Tara na sa Department Store.” Aya ko sa kanya para makapaglaro na kami.

Pumunta na kami sa Department Store, naglibot lang, naghanap ng magandang iregalo para kay Zellie. Buti nalang at dinala ko yung wallet ko. Muntik ko ng hindi dalhin kasi ililibre naman daw ako ni Best. 30 minutes na kaming lumilibot dito pero di pa rin kami nakakapili ng ireregalo.

Ano bang gusto ni Zellie? San ba siya mahilig? Isip Sophie, Isip! Hmmmm. Maliban sa gitara at pagkain, sa damit at sapatos yun mahilig at ayaw niya yung masiyadong girly. Lumibot pa ako sa department store ng Makita yung isang black shirt dun. Basta maganda yung shirt, simple pero rak yung tipong magugustuhan niya. Kinuha ko na yung shirt at hinanap si Christian.

“Anong maganda sa dalawang ito? Ito o ito? Ito! Ay hindi, ito pala! Argh. Hirap pumili.” Narinig ko si Christian dun sa may underwear section. Whaaaat?! Underwear section?! Nilapitan ko agad si Christian at hinigit palayo dun.

“Ano bang iniisip mo ha? Reregaluhan mo si Zellie ng Panty?”

“Bakit? Masama ba?” sabi niya na parang inosente at nagpout pa.

“Oo! Masama. Halika nga dito.” Hinila ko siya hanggang dun sa may bilihan ng sapatos.

“Oyan, diyan ka pumili. Mahilig sa sapatos si Zellie. Sapatos nalang iregalo mo sa kaniya hindi yung panty.”

“Okay.” Biglang nalungkot yung mukha niya. Gusto talaga niyang regaluhan ng panty si Zellie. Pero tama ba naman yun? Parang ang awkward naman kasi yung reregaluhan ng lalaki ang isang babae ng panty diba?

Nakapili na siya ng sapatos. May kaya naman pamilya nila eh, kaya afford niya yun. Binayaran na namin yung napili naming regalo sa counter. Tapos pinabalot na rin naming dun sa wrapping section. Ano bang malay naming sa pagbabalot ng regalo? Haha.

Pagkatapos nun, tumakbo agad kami papuntang arcade center. Namiss namin ‘to eh. Kung nakikita niyo lang siguro kami, pagkakamalan niyo na kaming baliw. Pero masaya lang talaga kmi! \m/

Naglaro lang kami sa buong dalawang oras hanggang sa napagod kami at nagkayayaan ng umuwi. Nung palabas na kami ng mall, bigla nalang nagkrug-krug yung tiyan ko. Tch. Bigla nalang napatawa si best nung narinig niya yun.

“Anong nakakatawa?” naiinis kong sabi sa kaniya.

“Wala. Kain na tayo, tara!” Biglang lumiwanag yung mukha ko nung marinig ko yung mga salitang yun. Pero bigla ding nalungkot, naubos na kasi yung perang dala ko.

“Wag kang mag-alala. Libre ko” Muntik na akong mapatalon sa tuwa nung sinabi niya yun. Agad ko siyang hinatak papuntang Jollibee. Yes, sa Jollibee nga. Yun kasi yung pinakamalapit na fast food eh. Pumila na si Christian dun sa counter para umorder. Alam naman na niya kung anong gusto ko eh. At ako naman, naghanap na ng mauupuan ng bigla akong may nakitang parang familiar na mukha.

Dennise? Si Dennise ba ‘to? Tama, si Dennise nga ‘tong nakikita ko. Yung bestfriend din namin ni Christian nung bata pa kami. Kaso lumipat sila sa ibang bansa nung grade 3 kami. Andito na pala siya sa Pilipinas. Well, wala naman na akong balita sa kaniya kasi wala na rin kaming naging communication simula nung mapunta siya sa ibang bansa.

Lalapitan ko na sana ng biglang may dumating na lalaki. Di ko nakita yung mukha nung lalaki pero mukhang seryoso yung usapan nila. Oh well, naghanap nalang ako ng mauupuan baka dumating na si Christian dala-dala yung MGA PAGKAIN. Hihi

At ayun, dumating na nga si Christian dala-dala yung MGA PAGKAIN *o* Binigay niya sa akin yung burgersteak, cokefloat, fries tsaka apple-peach pie. Alam niya talaga yung gusto ko. Kumain nalang ako ng kumain ng kumain hanggang sa naubos ko tapos *buuuuuuurp*

“Thank you God! At thank you din Christian. Hulog ka ng langit.”

“You’re welcome. Basta ikaw bestfriend” Ahwww. Bait talaga nitong si best.

Umuwi na kami ng biglang…

“Paul?”

“Sophie?”

“Dennise?”

“Christian?”

Once Upon an 11:11 [on-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon