Chapter 7

58 1 2
                                    

Chapter 7

Lumipas na ang mga araw at gabi. Hindi pa rin ako nag-oonline sa facebook. Para san pa? Eh si Paul lang naman ang dahilan kung bakit ako nag-oonline. Gusto ko kasi siyang makachat pero simula nung mangyari yung sa mall nung sabado, ayaw ko na. Masasaktan lang naman ako eh.

Tuesday na ngayon at siyempre andito ako sa school. Kasama ko ngayon ang Tropang Late. Masaya nanaman, tawanan. Lunch Break namin ngayon at kakatapos lang namin kumain kaya tambay kami ngayon dito sa study shed.

Lumayo muna ako sandali, mga 5 meters away sa kanila. Medyo kailangan ko lang ng air. Hindi pa rin kasi mawala sa isipan ko yung nangyari nung sabado. Paulit-ulit nalang itong nag-eecho sa utak ko. Masakit, oo masakit nga. Siguro kasi hindi na paghanga yung nararamdaman ko para sa kanya kundi pag-ibig. Siguro nga tuluyan na akong nahulog sa mga sweet words at kabaitang ipinapakita niya sa tuwing kami ay nakakapagchat at nakakapagtext.

Biglang nagflashback sa utak ko yung mga pinag-uusapan namin. Yung mga panahon na kilig na kilig ako sa mga messages niya. Yung tawagan naming “Baby”. At yung gabi-gabi naming pagwiwish tuwing 11:11.

“Sophie, gising! Nakatulala ka nanaman.” Sigaw ni Dorothea.

“Sorry. May iniisip lang ako.” Sabi ko habang nakangiti subalit mababakas mo pa rin ang lungkot na aking dinadala sa aking mga mata.

“May problema ka ba?” sabi ni Vallerie habang lumalapit sa akin. Lumapit na rin ang buong Tropang Late. Mukhang nag-aalala sila sa akin. Napangiti naman ako, ramdam kong tunay nga silang mga kaibigan.

“Ako may problema? Pfft. Wala ah” Pilit akong ngumiti.

“Sophie, di ka naman lalayo at magdadrama kung wala kang problema.” Sabi ni Anne.

“Oo nga naman. Tsaka ngayon ka lang dumistansya ng ganyan sa amin.” Singit naman ni Tiffany.

“Kung problema ka, sabihin mo lang sa amin. Tutulungan ka namin!” sambit ni Zellie.

“Yeah. Para sa’n pa at nagkaroon ka ng mga kaibigan, dba?” sabi naman ni Niks.

Bigla nalang akong napaiyak sa mga narinig ko. Hindi dahil sa lungkot at kundi dahil sa saya. Ang sarap lang sa pakiramdam na mayroon kang mga kaibigan na mapagsasabihan ng problema mo. Kaya ayun, kinwento ko na ang mga pangyayari. Simula dun sa magkachat kami ni Paul tapos naging crush ko siya hanggang dun sa nanyari sa mall. Sinabi ko rin na di na ako nag-oonline sa facebook.

Nakinig lang sila sa akin at siyempre nagulat na rin. Hindi ko pa kasi naikwekwento si Paul sa kanila eh, kay best pa lang. Ng matapos ko ang kwento, natapos na rin ang lunch break namin. Nagring na kasi ang bell kaya dumiretso na kami sa klase namin.

Habang naglalakad, biglang umakbay sa akin si Patricia. “Makakamove on ka rin. Lalaki lang yan. Andito lang kami para sa ‘yo.” Nakangiti niyang sabi na may kasama pang kindat. Ngumiti nalang din ako kanya.

Pumasok na kami sa classroom. Nagthrowback lesson for 10 mins tapos nagpalabas na agad si Ma’am De Guzman ng papel at magquiquiz na kami. Ganyan ang patakaran dito sa Physics subject namin eh. Kaya madalas, ayaw na naming pumasok dito :3

Pagkatapos ng quiz, may kumatok sa pintuan namin. Ngumiti kaming lahat, alam na namin kung anong ibig sabihin nito. Lumabas sandali si Ma’am at pumasok rin agad pagkatapos nung sinabi ni Mr. Good News.

“Okay class, hanggang alas-dos lang ang klase niyo ngayong hapon. Magkakaroon kasi ng meeting ang lahat ng mga teachers.”

“Yes!” sabay-sabay naming sigaw. Siguro naman alam niyo na kung bakit Mr. Good News ang tawag namin dun sa lalaki.

Nagpatuloy lang ang klase namin hanggang alas dos. Nagdiscuss si Ma’am tungkol sa Work at kung anu-ano pa tapos pinauwi na kami agad.

“Tara, tambay muna tayo. Maaga pa naman eh.” Hirit ni Tiffany

“Tama! Tapos kain na rin tayo.” Masayang sabi ni Dorotea. Sabay-sabay kaming tumahimik at tumingin sa kanya. “What? Gutom lang naman eh.”

Napatawa nalang kaming lahat. Ganyan talaga si Dorthz eh, puro nalang pagkain :3

“Tara, dun nalang tayo kila ate Vicky.” Sabi ko. Dun kasi kami lagi tumatambay tuwing maagang natatapos ang klase namin.

“Osge, tara!” sabay-sabay nilang sinabi.

Well, yung place ni Ate Vicky ay isang bakeshop. At si Ate Vicky ay hindi namin kilala. Feeling close lang kami, sa Vicky’s Bakery kasi kami laging pumupunta. Bumili na kami ng tinapay at drinks tsaka umupo dun sa madalas namin upuan. Siyempre, kwentuhan again.

“Sophie, wag mo ng isipin masyado si Raul. Makakalimutan mo din yun.” Banat ni Zellie habang kumakagat sa tinapay niya.

“Anong Raul? Baka Paul? HAHAHAHAHAHAHA.” Sabay-sabay kaming natawa. Muntik ko pang mabuga yung iniinom kong coke.

“Hay naku Zellie. Kahit kalian ka talaga.” Sabi ko habang pinipigilan pa ang aking tawa. “Pero salamat ah. Oo, makakalimutan ko yun. Lalaki lang yun ayy.”

“Tama yan, Sophie. Tsaka wag kang masyadong papaapekto dun ah. “ nag-aalalang namang banggit ni Niks.

“Naman. Baka pumangit pa ako ng dahil dun eh.” Paninigurado ko sa kanya.

Nagkwentuhan lang kaming magbabarkada. Tawa lang kami ng tawa. Ibang iba talaga kapag sila ang kasama ko, laging masaya. Hanggang sa mapansin namin, alas kwatro na pala ng hapon. Nagpasya na kaming umuwi.

As usual, sabay kami ni Dorthzna uuwi. Mabuti nalang kakatapos lang namin kumain at hindi gutom ‘tong babae na ‘to. Kung hindi, hahanapan nanaman ako ng pagkain neto. Mwehehe

Nakauwi na kami. Dumiretso na ako sa kwarto ko at nagbihis. Tama ang TL, dapat kalimutan ko na. Hindi dapat ako magpaapekto. Madami pa namang lalaki diyan eh. ‘Kaya ko ‘to.’ Sabi ko sa sarili ko.

Binuksan ko yung laptop ko. May assignment kasi ako na nangangailan ng tulong ni google. Inopen ko na ang google chrome. I was supposed to type google.com when my fingers started typing facebook.com and it automatically logged in my account.

Nanigas ang katawan ko ng biglang may nagmessage sa akin..

“Hi.”

Once Upon an 11:11 [on-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon