Chapter 7

164 2 0
                                    


Unexpected

ARA's POV

Heto ako ngayon pauwi na kasi hinatid ko pa ang babaeng lasengera na si Shiela, o si Bang. Whatever you call her a name.

Hindi mapagkakaila na siya ay babae. Grabe kung makapaglasing eh.

Kasi ang daldal niya masyado pero ang sarap niyang kasama at ang sarap niyang asarin kasi nakikipagsabayan siya sa bawat bato ko ng joke sa kanya.

Iba siya sa mga babaeng nakilala ko.

Siya yung tipo ng babaeng simple pero malupit.

Sa lahat ng babaeng naencounter ko, siya lang ang walang arte sa sarili yung go lang go? Go with the flow lang.

Dami ko ng napansin sa kanya kahit saglit ko lang siya nakasama.

Habang nagdadrive nakangiti ako na hindi mawaring kung ano nga ba ang dahilan ng mga ngiting to?

Hays basta masaya.
.

.

O baka

.

Nababaliw na ako kakaisip dun sa babaeng daldalita na yun!

At bakit ko siya iisipin? Anong meron?

Baka naman cru... No! Hinding hindi no? No.

Baliw kana nga, Vic. Pati sarili mo kinakausap mo na. Hindi mo siya type, okay?

Iba ata ang karisma ng isang VICTONARA SALAS GALANG.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Nang nakarating na ako sa bahay ko, dumoretso na ako sa kwarto ko at nahiga na sa kama. Agad kong kinuha ang phone ko itetext ko nalang si Ms. Daldalita


To: Shiela

Hi, daldalita! Andito na ako sa bahay at nakauwi ako ng matiwasay alam kong pinagpray mo ako kasi ayaw mong mapahamak yung katulad ko kasi crush mo ako. *wink emoji*

After mga 5 minutes siguro. Nagbeep phone ko.


Fr: Shiela
Hoy! Ikaw nga, magtigil ka! Hindi daldalita ang pangalan ko! Shiela Marie Pineda, Bang for short. At ang lakas ng apog mo no? Malakas ba hangin dyan o baka natangay kana? Kasi yung hangin na nandyan abot hanggang dito eh. Natutulog na yung tao eh!

Napapangiti ako habang katext ko siya. Hahaha. O diba lakas ng loob na sungitan ako. Lasinggerang panget. Mareplyan nga. Akala mo ha?


To: Shiela

Alam mo, aminin mo na kasi na crush mo ako. Hindi naman ako magagalit sayo eh o maiilang. Tatanggapin ko nalang, kasi talagang habulin ako ng babae. Tsaka the way you look at me kanina. Sus. Halatado.

From: Shiela

Alam mo ikaw? Manahimik ka sa kahibangan mo! Kilabutan ka nga sa mga pinagsasasabi mo! At hindi kita magugustuhan, ever! Kasi nga ayoko sa mahangin na katulad mo ang yabang na, tas ang sungit pa.

Wow ako pa itong masungit hahahaha.



Buong araw katext ko si Shiela. Wala naman akong gagawin eh. Wala pa naman ako sa office. Medjo nakakabored na nga. Pero buti nalang ngayong araw at hindi ako nabored.

My Enemy, My Last (BaRa Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon