Bang's POVHabang sumisigaw ako sa ere ng mga masasakit na nangyari sa akin at pati na rin ang nangyari sa amin ni Abram, nang may biglang tumulong luha sa mata ko. Naiiyak na pala ako. Ramdam ko ang higpit na hawak sa akin ni Ara.
At sa pagbaba namin ni Ara, tinignan niya ako at biglang niyakap.
Sa isip isip ko, kung wala siguro siya, hindi mamabawasan lahat ng galit at sakit ng nasa puso ko. Konti lang naman pero at least nailabas ko ito. Swerte ko na nakilala ko siya, na naging malapit ako sa pangit na ito.
Swerte talaga ng GF niya kasi natagpuan niya ang isang Ara. Sana lang di niya sayangin lahat lahat, katulad ng pagsayang sa akin ni Abraham. Tulala lang ako. Nahiya tuloy ako kay Ara, baka iniisip niya na gusto ko siya, nakakahiya naman sa kanila ng jowa niya.
Nakatingin siya sa aking mga mata. Nang bigla niya akong tawagin sa pangalan ko, at may kasamang tapik sa balikat.
"Bang, are you okay? May nararamdamang kaba o baka naman natrauma ka o nilalagnat ang init mo eh."
"Hindi ako nilalagnat, Ara, at siya nga pala. Thank you ng marami. Thank you, thank you talaga. Tama ka, mababawasan yung mga binabaon ko sa aking puso. Babawi ako kapag ikaw naman ang malungkot, promise." Sabi ko kay Ara na diretso ang tingin sa akin. Gosh, why do I feel like a melting candy right now? I like the feeling.
"No need, gusto ko rin naman kasi mag unwind kasi may haharapin akong napakalaking problema. Before going there, gusto kong mag enjoy nang mag enjoy, like you know? YOLO." Bat parang nadisappoint yata ako sa sinabi niya.
"Hmm, malaki agad na problema? Ano ka manghuhula? Pinangungunahan mo naman eh agad, di pa nga dumadating eh. Sabihin mo sakin kung ano yun dali para matulungan kita." I just smile at Ara.
"Hindi ko muna sasabihin ngayon. Next time nalang. Malalaman mo din yung problema kong napakalaki, soon. Very soon." Ayan nanaman yang mga ngiting yan eh.
"Sige, ikaw ang bahala. Ikaw naman magdadala niyan eh, not me. Pero kapag di mo na kaya, text or tawagan mo lang ako tutulungan kita, promise."
'Thank you! Kaya, tayo kana diyan para makalibot pa tayo dito, at makauwi na rin agad tayo. May trabaho ka pa bukas eh, baka mapagod ka sa byahe at malate ka pa. Baka ako pa ang maging dahilan mo"
Tatayo na sana akong mag isa. Pero kinuha niya yung kamay ko at inalalayan. Ano na naman ba itong nararamdaman ko? Magkahawak o magkadikit lang kami may something talaga akong nararamdaman. May spark. I mean hindi yung literal na spark, pero yung something na nakakailang pero gustong gusto mo naman? Hays, Ara.
Habang naglalakad kami papuntang kotse, biglang siyang nagtanong.
"Okay na ba pakiramdam mo?"
"Ayos na ayos na. Nabawasan ang problema ko kahit papaano. Thanks talaga, Ara." Then we laugh for some reason.
Sumakay na kami ng kotse para makapunta kung saan saan.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Punta dito.Punta doon.
Kain dito.
Kain doon.
Hindi rin maiiwasan ang pagpicture namin.
Dami naming nagawa at napuntahan ngayong araw. Naging gala ako ngayon dahil sa kanya, langya. Pero naging masaya ako dahil sa kanya.
Wait, tama ba yung naisip ko? Masaya?
"Hala ka, ano bang nangyayari sayo, Bang?" Hindi ko siya sinagot, nginitian ko lang.
Habang kinakausap ako ni Ara eh naglalakad lang kami. Sa sobrang kadaldalan niya, ngayon, di ko na namalayan na nasa kotse na pala kami. Papauwi na kami.
Medyo hindi nagsisink in yung mga sinasabi niya. Kasi iniisip ko yung pagiging masaya ko kapag siya ang kasama ko. I mean, ewan. Kasama ko nga siya, pero iniisip ko yung mga moments namin. Baliw na yata ako.
"Oy, Bang! Ayos ka lang ba talaga? Lagi kang natutulala ngayon. May problema nanaman ba ulit? Haha. Uy, wag mo na siyang isipin. Hindi ka na nun mahal. Hahaha!- aray!" Hampas ko sa kanya
"Ah, oo sorry hehe. Pagod lang siguro, ano ulit yung sinasabi mo?"
"Wala. Pahinga ka na diyan."
Pinagbuksan niya ako ng kotse.
"Pasensya na ah, dahil sa akin kaya ka napagod kahit wag ka na pumasok bukas. Importante makapagpahinga ka." Ara
"Yung sinsabi ko about sa deal natin, Remember? Eh ano kasi, hindi pwede eh. Hahanapin ako ni Sir kasi may meeting na laging cancel. Baka mamaya meeting tapos absent ako. Pero kung pwede, ano bang bago kong gagawin?"
"Hmm, hindi, Bang. Wala ng madadagdag sa deal natin at huwag mo na isipin yun sa deal natin. Okay lang kahit di ka na pumayag. Okay lang kahit di mo na bayaran yung nangyari sa kotse ko. Tutal napagawa ko naman na eh." I smiled inside me. Eh sa yaman ni Ara, imposible na hindi pa niya napagawa ito.
"Ah ganun ba, pero Ok na sa akin
Payag naman na ako eh :)Sure ka ??? Baka kasi napipilitan ka lang kasi sa nangyari sa kotse
Hindi ah ... gusto ko din
Kasi sa dami mo ng tinulong sakin at alam kong mabuti kang tao
Sasama ako sayo , tuloy ang deal:)Thank you talaga ...
Nga pala ...
Sa Friday ng Gabi kita susunduin sa Inyo ah
And WED. Punta tayo ng mall para bumili ng dress para sayoAra ... di na kailangan
May dress naman ako sa bahay eh
Ako nalang :) thanks nalang :)
Basta sunduin mo nalang ako sa fri.
Text mo ako kung what time para makapag prepare na rin ako, para mukha naman akong tao kapag kaharap ko na lolo moSige sige :)
Sa dami namin nagpagkwentuhan di ko na napansin na malapit na kami sa bahay ko :)
Ang gara naman ... Parang ang bilis ng oras kapag kasama ko siya
At kapag nawawala yung problema koLumabas na ako ng kotse at nakita ko si abram na may dalang bouquet sa tapat ng bahay , agad siyang napatingin sa kotse at nakita niya ako at sa paglabas din ni ara sa kotse at medyo gulat pero di nagpahalata sa nakita niyang andun si abram...
At biglang lumapit sa akin si abram pero umiwas ako at nagpatuloy ng lumakad papasok at nagpaalam nalang ako kay araBabe, please mag usap tayo oh
Ayusin natin to...
Sorry talaga
Luluhod ako sa harap mo mapatawad mo lang ako
Lahat gagawin ko mapatawad mo lang ako- abramLahat abram ... sigurado ka ???
Oo lahat ... patawarin mo lang ako
Leave me alone ... wag kana magpapakita
Wag mo na rin ako kakausapin
WAg na wag mo na rin akonh guluhin
NAgiging ayos na buhay ko
.. Ayoko na
Wala ka ng babalikan abram
Wg mo akong matawag tawag na babe
Wala ng tayo~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Author's Note //
I know na medjo lame itong mga previous Chapters, I'm sorry kasi ayoko talagang lagyan ng other agenda. But, I swear I would be putting more excitement sa mga susunod na Chapters. Just be with me. Hahaha.
Thank you nga pala sa mga readers noon na nagbabasa parin dito ngayon. Ewan ko, pero salamat. Wala pa sa 50 ang readers, then wala pang 10 ang nagbabasa in every update. Kaya ang sad sad ko lagi kapag nagta-type kasi parang walang napapadpad na reader here. Haha. Pero sana, meron na. Para inspiration ba?
Paano nga ba mareach ng ibang reader ito? Huhu. Well, I just love to reach out to you ang mga imaginations ko. Kaya, ito. Hahaha.
Read, Vote, and Comment is appreciated! Thanks! ♡
BINABASA MO ANG
My Enemy, My Last (BaRa Fanfic)
FanfictionThis is a Bang Pineda and Ara galang fanfic story.