The CEO
ARA's POV
Nakakapagod pero worth it talaga. Yung mga nangyari ngayong araw. Ang saya lang kasi nabawasan na yung mga sakit na nararamdaman ni Bang. Pero okay na sana eh. Dapat di nalang namin naabutan yung kolokoy na yun sa tapat ng bahay ni Bang.
Alam ko naman na wala ako sa lugar para pagsalitaan siya ng ganun kanina. Pero hindi sapat na saktan niya si Bang ng ganun ganun nalang, tas kapag bored na sa kabet niya maiisipan niya lang makipagbalikan sa kanya. How stupid?
Ayokong nakikitang umiiyak at nasasaktan si Bang. Doble ang dating sa akin everytime na nakikita ko siyang umiiyak. Yun bang, there's something inside me na gusto ko siyang protektahan the moment na nalaman kong ganun pala ang story ng buhay niya?
Pero bakit? First time namin mag meet nasungitan ko pa siya, parang tropa tropa lang. Pero, hindi kaya...
"Gusto ko na si Bang?!"
Pano naman mangyayari yun, eh hindi ko nga siya type. She's not the type of a girl I want.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Ring ring ringMaaga akong nagising dahil ito na yung araw na ayaw kong mangyari. Thanks to my alarm clock.
Ayaw kong mangyari, kasi si lolo naman eh. Ngayon na ang araw na ipapakilala ako bilang CEO ng company niya. This year narin kasi siya magreretire.
Naligo at naghanap ng formal na damit.
Humarap sa salamin at tinignan ko ang sarili ko kung maayos ba akong tignan kung kagalang galang rin ba. At sabay sabi ng.."Go, Vic!"
Huminga ako ng malalim at agad kinuha ang keys ko sa ibabaw ng lamesa. Dumiretso sa parking lot at pumasok sa kotse at binuksan na ang engine ng sasakyan ko. Nagcoffee lang ako.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Pagbaba na ako ng kotse dahil nasa company na ako, pero kinakabahan pa din ako. Nakakabakla.Dumiretso agad ako ng elevator. Sa papasara na pinto ng elevator, agad ko naman nakita si Bang na humahabol para lang makasabay na rin sa elevator.
Kaya agad kong pinindot ang button para bumukas ulit ang pinto para magkasabay kami ni Bang. She's beautiful today. I mean, more beautiful with her dress today."Thank you! Good morning and good luck sa pag aaply mo ah? Kaya mo yan." Hingal niyang sabi. Hays, kung alam mo lang kung anong mangyayari ngayon, Shiela.
Nakita ko ang ngiti niya na parang walang lungkot na nararamdaman at biglang naging abnormal ang tibok ng puso ko. Ewan ko kung bakit? Bakit, ano nang nararamdaman ko? Iba epekto mo sa akin Bang.
Nag good morning din ako sa kanya ng nakangiti na abot hanggang tenga at parang medyo nawala ang kaba ko ng makita ko siya, pero abnormal ang tibok ng aking puso.
Hindi ko na rin muna sinabi na ako yung magiging CEO ng company. Basta. Kaya nag thank you nalang ako sa kanya sa paggu-goodluck na rin sa akin. Yeah, good luck kasi simula ngayong araw na ito ang kalbaryo ng buhay ko bilang CEO ng kompanya namin.
Ting
Bumukas na ang pinto ng elevator at pinauna ko na siyang lumabas. Be gentleman, Ara. Dagdag points. Haha!
Agad namang lumapit sa kanya ang kanyang secretary at hindi ko na siya nakitang lumingon sa akin dahil dumiretso na siya sa kanyang office. Oh yeah, back to work.
Agad naman akong pumunta sa office ni lolo. Office of the CEO.
Huminga muna ng malalim bago pumasok.
"So this is it." I have to face this. Hindi panghabang buhay na tatakasan ko ito. Face your life, Vic.
Pagbukas ko ng pinto agad kong nakita si lolo na nakatayo at malayo ang tanaw sa labas habang humihigop ng kape, kaya agad akong nagsalita para mapansin na nandito na ako.
"Good morning po, Lo." Then nagmano ako sa kanya. Yes, I still do this.
"Ara, are you ready?" To be honest, no. But syempre di ko pwedeng sabihin yan. Haha.
Kahit hindi pa ako sumasagot sa tanong niya agad na siyang nagsalita.
"Okay. Let's go to the conference room and we need to start the meeting as soon as possible. Ilang beses na itong canceled." Ma-awtoridad niyang sambit sa akin.
Agad naman tumawag si lolo sa phone at tinawagan ang kanyang secretary na papasukin na ang lahat ng board members pati na rin ang ibang empleyado ng company.
Narinig kong ayos na at kami nalang pala ang inaantay sa loob ng conference room, kaya agad na naman akong kinabahan ng mga oras na yun. Grabe naman. Parang thesis defense itong pupuntahan ko.
Naunang naglakad si lolo at nakasunod lang ako sa kanyang likod. Pagkabukas ng pinto, nagtinginan sa aming lahat ang mga taong nasa loob ng ConRoom at nakita ko si din si Bang na halata sa kanyang mukha ang pagtataka at gulat. I made a very serious face to everyone. Work mode face, eh?
Si lolo ay pumunta sa may podium dahil siya ang mag iintroduce sa akin sa mga tao dito at ako dumiretso sa swivel chair na bakante, hanggang sa makaupo ako ay nakatingin lang ako kay Bang.
Nagkatitigan lang kami at parang nagtatanong pa rin ang mata niya sa nangyayari. Ako naman itong poker face lang.
Natinag lang ang aming pagtitigan ng bigla ng nagsalita si lolo, at si Bang na ang unang umiwas ng tingin.
"Ehem" pekeng ubo ni Lolo. So he could cathc everyone's attention.
"Good morning! We all know that I'm getting older and I need to rest. Ayoko na rin pahabain pa to dahil dun na rin ang punta nitong usapan. And now, I want to introduce to all of you, the one who will replace me in my position being a CEO in this company. Ang tagapagmana ng aking ari-arian. The new CEO, your new boss, my grand daughter, Victonara Salas Galang!"
Nagpalakpakan ang lahat at agad akong pumunta sa tabi ni Lolo. I bowed as I hear them congratulating me.
Nang makarating ako sa podium ay agad kong tinignan si Bang. Ibang iba ang aura ng mukha niya at halata sa mukha ang pagkagulat. Oh, I almost forgot. I need to talk. Geez!'Thank you very much lolo for this wonderful gift, and moment. I know it is really hard to grasp this kind of business but I will assure to all of you that I will never disappoint my lolo, and you. Cooperation and love of everyone is the best to maintain the opulence of this company. No more words, that's all and thank you!"
Agad na nagtayuan ang mga tao at nagpalakpakan. Umalis kami sa podium ni lolo at isa isa akong pinakilala sa mga board members, business partner at pati na rin sa mga empleyado na roon.
Nagmadali ako nakipagkamay sa mga tao dahil gusto kong makausap si Bang. Hinahanap ko siya pero wala nang Bang na nahagip ng mata ko. Habang nakikipagkamay, hindi ko maitago ang lungkot pero pinilit kong ngumiti dahil na rin sa mga taong nagcocongratulate sa akin. Bakit pakiramdam ko, lalayo na si Bang sa akin?
After ng meeting na yun, agad na pinakita ni lolo kung saan ang office ko, dahil sa pagod sa pakikipagkamay sa mga tao. They congratulate my Lolo, too.
BINABASA MO ANG
My Enemy, My Last (BaRa Fanfic)
FanfictionThis is a Bang Pineda and Ara galang fanfic story.