Third Person's POVNaging smooth ang relasyon bilang boss at secretary nila Ara at Bang. Pansamantala lamang ang pagiging sekretarya nito kay Ara, dahil si Bang ay dating HR at assistant of the CEO sa kompanya ng mga Galang. Kaya ganun nalang kadali kay ex CEO Galang para pumili ng secretary for a mean time para sa kanyang apo.
Trabaho kung trabaho si Bang, pero wala yatang araw na hindi niya dinadalhan ng kape ang kanyang boss. Hindi man sila parating nagsasabay umuwi, o kumain sa labas, pero mabuti parin ang relasyon nila bilang magkaibigan. Hindi lang maiiwasan minsan ang tampuhan nilang dalawa, dala narin siguro ng init sa ulo mula sa kastressan sa trabaho.
3 months nang naupong CEO si Ara, at laking pasasalamat sa kanya ng Lolo niya dahil mukhang mahihigitan pa niya ang kanyang pamamahala nung siya pa ang naupo dito.
"Hay! Sakit sa ulo naman ito." Reklamo ni Bang sa kanyang ginagawa. Madami kasing meeting na nagdadatingan para kay Ara, sa kanyang boss. Maraming meetings, so maraming conflicts rin sa kanyang schedule kaya medjo magulo ito.
"Paano ito? 3 meeting this afternoon, tapos 3-5pm. Sakto pa silang mga businessman representatives? Ay grabe. Paano na ito?" Maraming kompanya ang nakiki-alyansa sa kompanya ng Galang. Hindi lang sa kilala ang kompanya, isa sa mga nangunguna sa buong mundo, kundi dahil alam ng ibang kompanya na kung sasanib sila dito ay mas lalago pa ang kanilang producto. Shipping company at Clothing company kasi ang sakop ng mga galang. Kaya sobra itong sikat sa mundo ay dahil sa sikreto ng mga Galang.
"Mr. Dela Vega, 2:30 ang sinet na meeting this day. Tapos si Ms. Reyes naman ay 2 pm rin this day. Tapos si Mrs. Villanueva ay 4pm" naguguluhan na si Bang kung paano niya isisingit ang meeting ngayong araw.
"Matawagan nga." At dinial ni Bang ang secretary ni Mr. Dela Vega
Calling...
"Tagal naman. Hays. Ay, hello! Good morning. This is the secretary of Ms. Galang. Galang Corporation. Can I verify you if the meeting is still be on 2:30 pm this day?" Kailangang complete details talaga. Sanay na sanay na si Bang sa ganyang trabaho. Si Bang ay Cum Laude nung grumaduate siya sa kanyang dating school.
"Good morning! And yes, it will still be on 2:30. It is the only spare schedule of my boss. I'll drop this call now, I'm sorry. I'm at the midle of the meeting. Good day!"
Hindi na hinintay ni Bang ang call dahil obvious naman na ibababa narin ng secretary ng Dela Vega Agency. Next naman na tinawagan ni Bang ang secretary ng Reyes Corporation.
Calling...
"Hello, good morning. Can I verify if the meeting of Ms. Galang to you is still be on 2pm this afternoon?"
"Um, wait. Let me check the schedule of my boss today. Ah, yes. Ms. Reyes will be going there with me. But we'll just drop by for a few minutes. Ibibigay lang namin ang papers na ibibigay ng boss ko which is ang mga papers na nireview ni Ma'am last month. Ipapatingin lang rin niya ang mga new designs for your Clothings."
"Oh, thank you for the information, Ma'am. Bye!" Napangiti si Bang dahil mukhang tagumpay na siya sa kanyang ginagawa dahil hindi na complicated ang magiging schedule ngayon ng kanyang boss na si Ara.
Kapag nasa trabaho si Bang ay boss ang tinatawag niya kay Ara gaya ng pagtawag niya ng boss sa lolo ni Ara. Pero minsan naman ay ma'am.
Sunod naman na tinawagan niya ang Villanueva Company.
"Hello, ask ko lang if tuloy pa ang meeting mamayang 4pm ni Mrs. Villanueva kay Ms. Galang ng Galang Corporation. This is her secretary by the way."
"Hi! Yes, but expect that my boss will be coming late there. I'll just call you nalang, Ma'am. My boss is busy, I hope you understand."
"Yes, of course. Naiintindihan ko. Thank you, Ma'am."
Napahinga ng malakas si Bang dahil sa wakas ay wala nang conflict ang schedule ng kanyang boss. Sa subsob sa trabaho ni Bang, hindi niya namalayan na tanghali na pala.
"Hay! Sakit sa batok. Ano ba yan." Nag unat siya para mastretch unti ang kanyang katawan.
"Anong oras na ba? What?! 12:35 na pala. Hays, hindi ko pa nasabi mga meeting ni boss Ara ngayon!" At agad na siyang naghanda para kumain saglit at para narin makapagreport sa kanyang boss.
After 20 minutes ng lunch break ni Bang ay agad itong pumunta sa table niya para kunin ang report niya for their meetings today.
Office of the CEO
Kumatok muna si Bang para magbigay indikasyon kay Ara na may papasok.
"Come in!" Malakas at medjo ma-awtoridad na sigaw ni Ara. Agad naman pinihit ni Bang ang doorknob tsaka tumuloy sa loob.
"Oh, ikaw pala, Bang." Ngiting bungad ni Ara.
"Ma'am, this is your reports for your meetings this afternoon." Sabay abot niya ang tatlong folders kay Ara.
"Reports? Meetings?" Takang tanong ni Ara. Tumango lamamg si Bang bilang sagot. Tsaka naman tinignan at binasa ni Ara ang mga nilalaman ng mga folders. Mukhang pinag aaralan at bimabasa ng mabuti kung may mali ba o kung may kailangan pang i-revise. At dahil mahusay si Bang, napangiti nalang si Ara dahil mukhang hindi na muli pang mag eedit amg kanyang sekretarya.
"So, may tatlong meeting pa pala ako. I thought wala na. Sunod sunod na meetings eh."
"Yes, Ma'am."
"Wait, is this 2:30 pm do not conflicts with my meeting with Mr. Reyes?"
"Ay, I forgot to say. Ma'am, ibibigay lang daw po yunf reviews nila from your previous meeting then ibibigay yung designs para sa Clothings natin for next month. Bale, nude color po ang theme natin next month."
"Ito ba? This color is good for Asian skin type. Might well magustuhan rin ng ibang agency ito." Sabi ni Ara. Nagtaka naman si Bang sa sinabi ni Ara.
"Ma'am, wala naman po sighting problema. Since, nasa trend po ito ngayon. So, kapag ilalabas natin sa next magazine issue natin, baka mas lalo pa po na pumatok sa mga tao. Especially for the millenials." Suggest ni Bang kay Ara.
Tumango nalang si Ara. Saka pinaalis si Bang para magprepare na sa meeting nila mamaya. Pina-edit ang prepared na powerpoint presentation ni Ara.
Nang nakarating si Bang sa kanyang table ay kinuha niya ang kanyang phone para magset ng alarm. Sinet niya ito sa 1:40 pm. Wala kasi siyang tiwala sa kanyang kasama sa cube na si Rose Marie.
"Oy, Rose Marie. Muhkang chill lang tayo ah? Walang ginagawa ah?" Napansin kasi ni Bang na puro selfie lamang ito at mukhang walang ginagawang trabaho.
"Namern! Tapos na ako kagabi pa eh. Inuwi ko ang akes. Para waley na me trabaho today." Napangiwi nalang si Bang dahil sa kaibigan sa trabaho. Sila ang pinakaclose sa kompanya, bukod sa kanila ni Ara.
"Wow. So ginawa mo pang takdang aralin trabaho mo? Pinagpuyatan mo ba? 'Tong baklang babaeng ito."
"Yas! Thesis feels ang kineme ko kagabi. Was ko bet talaga na sumubsob ditening sa trabaho, 'no? Mas nakakaconcentrate talaga me kapag sa bahay." Natawa nalang si Bang sa paraan ng pananalita ni Rose Marie
"Eh, ano ba yang ginawa mo?"
"Ah, yung stats ng company natin sa Clothings. Eh, medjo maganda yung ranking at kita natin ngayong month kaya no sweat na mag analyze akes sa mga data."
"Lam mo? Gaga ka rin 'no? Bakla ka minsan magsalita tapos kapag ano na, normal na." Sabay hampas ni Rose Marie sa braso ni Bang.
"Hay, di ka nasanay sa beautiful na kaibigan mo. Syempre, alam mo naman na medjo comedian ako. Medjo binabawasan ko na nga eh."
At nagtawanan nalang sila buong lunch.
~
Author's Note //
From now on na yata is third POV nalang? Haha. Anyways, itong Chapter na po ito yung tinuloy ko. I hope you like it!
Keep safe, everyone! Umuulan pa naman.
July 27, 2017.
BINABASA MO ANG
My Enemy, My Last (BaRa Fanfic)
FanfictionThis is a Bang Pineda and Ara galang fanfic story.