CHAPTER ONE
KATATAPOS lang mag-linis ni Helene nang biglang mag-ring ang cell phone niya. Dinampot niya iyon saka sinagot ang tawag. It was her sister, Helena. “Hello, Ate.”
“Helene, may trabaho ka na ba?” Mahinang-mahina ang boses nito na para bang sekreto ng buong bansa ang tinatanong nito sa kanya. “Kung meron na, I want you to resign now. As in, now na. Bilisan mo!”
Napangiwi siya. Fresh graduate kasi siya sa college at wala pang trabaho. Bakit ganoon kaya kung makapag-salita ang kapatid niya? “Ate, okay ka lang? Kung may trabaho nga ako, bakit ako magre-resign? Sa palagay mo ba napaka-daling humanap ng trabaho ngayon!”
“I don’t care, Helene. Kung nasa bahay ka, pumunta ka sa opisina ko ngayon din.”
“Bakit ko naman gagawin iyon?” Ibinagsak niya ang kanyang katawan sa kama niya.
Hah! Heaven!
“Huwag mong pa-initin ang ulo ko. Basta pumunta ka rito. Ngayon na.” Iyon lang at walang sere-seremonyang binabaan siya nito ng telepono.
Iningusan niya ang receiver saka ibinalik iyon sa cradle nito. Ibinagsak uli niya ang kanyang sarili sa kama. Bahala na ang ate niya kung makonsumi ito sa kanya. Katatapos lang niyang mag-linis ng buong condo unit nilang magkapatid at napapagod pa siya. She would rather sleep than go to her sister’s office. Ano naman ang gagawin niya doon?
Hindi pa man niya naipipikit ang kanyang mga mata para sa binabalak na pag-tulog ay nag-ingay na naman ang cell phone niya. She didn’t bother looking who the caller was. Alam na niyang Ate niya iyon. Inis na sinagot niya ito. “Ate, gusto kong matulog-…”
“Hindi ka puwedeng matulog, Helene.” Boses iyon ng isang lalaki. Ngunit hindi lang basta ordinaryong boses iyon. It was a deep, libido-scrambling, masculine voice. Napabalikwas siya ng bangon. May nangyari kaya sa Ate niya?
“Anong ginawa mo sa Ate ko?” sigaw niya sa lalaking nasa kabilang linya. Kahit maganda at kaakit-akit ang boses nito, hinding-hindi niya ito sasantuhin oras na may gawin itong masama sa Ate Helena niya. Sila na lang dalawa ang magkatuwang sa buhay kaya wala itong karapatang alipustahin ang kapatid niya.
“Relax. Pumunta ka lang sa opisina niya ngayon din.” There was a hint of laughter on the stranger’s voice. “Doon mo na malalaman kung bakit gusto ka niyang papuntahin doon and-…”
Hindi na niya hinintay na matapos ito. Pinatay niya ang kanyang cell phone saka siya nag-bihis. Wala siyang pakialam kung hindi pa siya naliligo. Ang mahalaga ay malaman niya kung bakit may kasamang lalaki ang Ate niya.
Baka naman boss ni Ate iyon. O ‘di kaya, boyfriend. Ah, bahala na. Pupuntahan ko na lang at baka ano pang mangyari kay Ate.
Hindi na niya tiningnan pa ang kanyang sarili sa salamin. Matapos makapag-suklay, inipit niya ang kanyang buhok sa kanyang bull cap at patakbong lumabas sa kanilang condo unit.
BINABASA MO ANG
The Heart's Play (Soon to be PUBLISHED)
RomanceUNDER CONSTRUCTION... -------------------------------------------------------------------------------------------------- This is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents are either the product of the author's imagination or are us...