CHAPTER EIGHT
TAHIMIK NA SUMISIMSIM ng champagne si Helene sa isang sulok ng ballroom hall kung saan ini-held ang engagement party ng kaibigan niyang si Straw at ng fiancé na nitong si Ruel Jorge Cray.
Matapos ang isang ma-dramang pakiki-baka ni Straw ay nakuha rin nito ang lalaking matagal na nitong minamahal. Masaya siya para sa kaibigan niya. At least, may isa sa kanilang masaya ang love life.
“‘Oy, Helene, bakit mag-isa ka lang dito?”
Nilingon ni Helene ang nag-salita. It was Tristan. Classmate nila ito noong college. May hawak rin itong isang flute na may lamang champagne.
“You know I have two left feet, Tristan.” She pointed the people on the dance floor. “Hindi ako mag-e-enjoy kung makikisalamuha ako sa kanila.”
Tumawa ito. “But you’re good in singing, though. Balita ko, may number ka raw ngayong gabi.”
She cringed. “That was supposed to be a surprise number. Bakit mo alam?”
Nagkibit ito ng balikat. “Somebody told me.”
“If I know better, si Frank na naman ang nagsiwalat ng lahat.”
“As always.”
“Miss Helene.” Isang note ang ini-abot sa kanya ng waiter. “Pinapabigay po galing backstage.”
Binasa niya iyon. Nakasaad doon na susunod na ang surprise number niya. Nagpaalam na siya kay Tristan. “Kailangan ko nang pumunta sa backstage para sa aking not surprise number.”
“Break a leg!”
Dali-daling niyang tinungo ang backstage matapos niyang ibigay sa waiter na may dalang tray ang flute ng champagne niya. She spotted a familiar figure on her way to the backstage. Bahagya pa siyang natigilan dahil talagang pamilyar sa kanya ang pigurang iyon. Nakatalikod iyon sa kanya kaya hindi niya mabistahan kung sino talaga ito.
Nagkibit siya ng balikat. “Baka isa lang sa mga ka-batch mate namin.”
Dumiretso na siya sa backstage. For sure, Straw will be surprise. Kakantahan niya ang mga ito. Iyon ang gift niya para sa engagement nito. Masyado mang corny iyon, wala siyang pakialam. Iyon ang pangako niya kay Straw noon. She will be the one who will sing on her friend’s wedding. And she better start during the engagement.
“Ready, Miss Helene?”
Nginitian ni Helene ang event organizer. “Of course.”
“Take the stage now.”
Tumuloy na siya sa entablado. She smiled when she saw Straw gasped. She gave her friend a wink. Halatang na-sorpresa si Straw. When the music started, everybody inside that ballroom hall stood silently.
“In a while, in a word… Every moment now returns… For a while, seen or heard… How each memory softly burns… Facing you who brings me new tomorrow, I thank God for yesterdays… How they led me to this very hour… How they led me to this place...”
Sinenyasan niya si Ruel Jorge na isayaw si Straw. Tumalima naman kaagad ang lalaki. Tumayo ito at yumuko sa harap ni Straw na para bang humihingi ng isang sayaw sa isang prinsesa. Nakangiting tinanggap ng kaibigan niya ang nakalahad na palad ng fiancé nito.
BINABASA MO ANG
The Heart's Play (Soon to be PUBLISHED)
RomanceUNDER CONSTRUCTION... -------------------------------------------------------------------------------------------------- This is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents are either the product of the author's imagination or are us...