CHAPTER THREE
NASA LOOB pa lang ng kotse ni Rowell si Helene ay hindi na siya mapakali. Paano ba kasi ay kinakabahan siya na baka biglang bumigay ang mga heels ng kanyang sandals. Bwisit ang umimbento ng sandals na ito!
“Relax, Helene. You don’t have to look so tense.” Nakatutok ang mga mata ni Rowell sa daan. “Hindi ka naman lalapain ng mga tao doon. And besides,” sinulyapan siya nito, saka sumilay ang isang ngiti sa mga labi nito. That smile again. Darn it! “You look… dashing tonight.”
Sa halip na kiligin at mag-diwang dahil sa papuri na natanggap niya mula kay Rowell ay mas lalo pa siyang kinabahan. Natatakot na talaga siya dahil baka hindi niya mai-maintain ang pagiging ‘dashing’niya ng gabing iyon oras na mag-crack ang mga heels niya.
“Ah… eh, Attorney.” Hindi siya tumingin dito habang nagsasalita. Kanina pa niya iniiwas ang kanyang mga mapagpalang mata sa biyaya ng Diyos na nasa tabi niya. Sa katauhan ni Attorney Rowell Ferrera. “Bakit kailangan kong mag-suot nitong stilettos?”
“Dahil…” bumaling ito sa kanya. “Alam kong magiging maganda ka kapag suot mo iyan.”
Hindi na lang siya umalma. Oh well, as if may lakas pa siyang mag-react matapos marinig ang boses ni Rowell habang nagsasalita ito. Napakaganda ng boses nito. Parang nanghahalina. Parang nang-aakit. And, at the same time, his voice was very soothing especially, to her wrecked senses.
Nang sunduin siya kanina ni Rowell sa condominium unit nila ni Helena ay parang gusto niyang titigan na lang ito magdamag. Okay lang sa kanya kung hindi na lang sila pumunta sa party na iyon. He was wearing a white tuxedo paired with white trouser. Puti rin ang inner shirt nito pati na ang necktie. His hair was combed neatly in a dignified manner. Pero hindi sa puntong magmumukha na itong matanda sa buhok nito. And he smelled really, really, really good. Nang ilahad ni Rowell ang kamay nito para alalayan siya, pakiramdam niya ay isa siyang prinsesa na hawak-hawak ang kamay ng kanyang prinsipe. Kahit sino sigurong babae ay mahuhumaling sa kaguwapuhan na taglay ng binata. And she’s not an exemption to those women. Aminin man niya o hindi, she’s starting to like him. His scent and everything in him.
“Rowell,:” maya-maya ay untag niya rito. Tuwid lang ang tingin niya sa binabagtas nilang daan papunta sa Manila Peninsula Hotel. Hindi talaga siya titingin dito at baka ipagkaluno siya ng kanyang sarili.
“I thought you’d never talk.” Amusement ang nasa boses ni Rowell. “What is it, Helene?”
“Anong pangalan ng perfume mo?”
Kumunot ang noo nito. “What? You’re asking me what my perfume is. Bakit?”
“Gusto ko lang malaman.” Kasi balak kong bumili ng ganyang pabango.
“Polo Double Black.”
“Ah.” Tumango lang siya. Sa totoo lang, kanina pa siya nababagabag sa pangalan ng pabango nito. Bibili talaga siya ng ganoong klaseng pabango. Para forever na manatili sa kanyang ala-ala ang gabing ito kung saan nagmistula siyang prinsesa na kasama ang kanyang prinsipe. Gusto talaga niya ang pabango ni Rowell.
“Bakit mo naman naitanong? Bibilhan mo ba ang boyfriend mo?”
Tumaas ang kilay niya. “Boyfriend? Nagbibiro ka ba? Wala akong boyfriend, ‘no!”
BINABASA MO ANG
The Heart's Play (Soon to be PUBLISHED)
RomanceUNDER CONSTRUCTION... -------------------------------------------------------------------------------------------------- This is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents are either the product of the author's imagination or are us...